W.E.L.C.O.M.E.

Tuesday

Nang dahil sa "memory gap"....

OMG! Putek! ang dami kong atrasong nagawa nitong mga nakaraang araw!... shit! maloloka na ako kung pano ko toh sasabihin! T_______T.... Una, yung EB nung Sunday. Damn it! Nung Sunday na pala yun! Swear to God kahit tamaan pa ako ng kidlat, nakalimutan ko na naman ang EB na yun--- simula nung n-empty bat ako nung friday, hindi ko na chinarge ang phone ko, kaninang umaga lang. Ayun! nabasa ko kanina lang din yung msg ni Ate Edcel, kung sasama pa ba daw ako, kaso im too late to reply na--- "OBVIOUS BA?!. Tsaka hanggang ngaun, wala pa rin akong load. Nagtitipid eh. Tsaka pano din kasi, buong weekends din akong may allergy, tapos nagka-rashes pa yung singit ko--- pesteng napkin yan!---- ayoko na talaga maging babae!!!! T___T---- ayoko din naman mag-tampon, kaya hay~~~ tiis! tiis na lang!. Naka- 3 tablets din ako ng iterax, kaya mejo nagiging makakalimutin ako sa kaantukan dala ng side effect ng gamot, kaya kapag ganun na ang effect s'kin ng gamot, panigurado, all i can think about nalang is matulog--- nawala na tuloy sa isip ko ang sched ko. Anyway, sa groggy, sleepy at itchy state ko, makakapunta pa ba ako? at makakapunta pa din ba ako, kung may rashes ang singit ko? huhuhu.... ang sakit kaya! hirap gumalaw! Puro kamalasan noh?

Isa pa toh! Nakalimutan ko din kunin sa post office yung package na inorder namin ni jenn. Kainis talaga ako! Sabi ko na nga ba may nakakalimutan ako kanina eh, kaso hindi ko naalala--- ngaun lang. Kaya mamaya umaga ko yun gagawin. I have to na eh. Tagal na din kasi nun. Nahihiya na nga ako kay Ate Chi.

Sorry Jaejoong, Ate Edcel, Jenn, Ate Chi at Eijii. T__________T

Uwah!!!!.... Leche naman! Napaka-disorganized person ko pa rin! Wala na akong masabing mas gaganda pa sa mga terms na sinabi ko, kaya pacencia na. Naguguluhan na ako sa sarili ko! phew! Sa totoo lang kasi, madami din akong iniisip ngaun, sa sobrang dami hindi ko na alam kung ano ang uunahin. pacencia na talaga.
posted by rian at 1/29/2008 12:03:00 AM 87 comments

Wednesday

STRESS!!!!

Hay... ilang araw na akong namumuroblema sa "dvd-video plug-in" na yan! Kung bakit ba naman kasi may ganun pa! Yan! Hindi tuloy ako makapag-burn ng matino sa Nero! Huhuhu... eh pano na ang mga n-download ko!!!! T________T Ayan tuloy, mga naka-tengga ang mga yun sa desktop ko. Naghahanap nga ako ng free download ng dvd-video plug-in sa internet eh, kaso wala palang free, lahat kelangan pang i-purchase o bilhin--- Ayoko nga!. Ngayon tuloy, wala akong ginagawa kundi maghanap ng new method of burning video files sa net. Alam nyo, sa ginagawa ko toh, natatakot na nga ako eh, baka kasi mamaya may m-download na akong spyware or virus--- wag naman sana mangyari yun--- pero kailangan ko na talagang m-burn ang mga files ko eh. Amf! Kabanas ang nero namin!

Tapos heto pa, hindi din ako makapag-download sa clubbox--- ano ba yun?! 1 kbps and speed, meron ba nun? Hindi makatarungan! Kundi yung file nag-ddownload eh sobra namang tagal bago matapos ang pag-ddownload ng isang file na napili ko. Abuso di ba?! Ano bang problema ng clubbox ngaun? o s'kin lang yun may problema? Argh!
posted by rian at 1/23/2008 06:40:00 PM 0 comments

Hi! I'm back!!!

Lately, hindi na talaga ako madalas nakakapag-update ng blog na toh. Well, even before busy naman na ako, pero my time pa rin akong mag-update ng blog ko, kaso ngaun hindi ko na magawa eh, hmm tinatamad kasi ako. Hindi ako makapag-construct ng sasabihin dito.

Alam nyo ba, hindi ako pinayagan umalis sa NAIA hangga't hindi ko pa tapos yung 300 hrs. ko doon. Hay ayaw ko na sana mag OJT eh, tinatamad na ako. Actually, not all because tinatamad lang ako--- madami na din kasi akong dapat asikasuhin para sa magiging life ko after graduation, kasi graduating na ako this year, remember? Ang plano ko kasi dapat by the start of the year ay: mag-aapply for passport; ayusin yung masteral ko sa UP--- plano ko kasing kumuha ng masters in Philosophy dun eh; maghanap ng review schools for IELTS, TOEFL, or any of that kind; mag-prepare din for civil service examination, etc. Ang dami kong dapat gawin noh? Parang kung titingnan parang imposibleng magawa, kaya nga as much as possible sinisimulan ko na sana unti-unti eh. Pero nasira ang plano dahil sa OJT ko na yan. Kung pinayagan lang sana akong makaalis na NAIA, eh di sana inaasikaso ko na ang lahat ng iyon. Ang plano ko kasi dapat, lilipat ako sa company ng business partner ng mom ko sa corporation nila. Well, masama tong gagawin ko, kasi hindi naman talaga ako mag-oOJT dun, i-aassess na agad nila ako, kaya I don't have to work anymore for them, kaya may room for me to do what I am planning to do. OK, nasira lang talaga ang plano dahil sa NAIA na yun.huhuhu. Naku po! Lord, bigyan nyo po ako ng lakas na magpatuloy pa rin pumasok sa NAIA bukas at sa mga susunod na mga araw, hanggang sa matapos ko ang oras na kailangan kong bunuin. Hay... tinatamad na talaga ako pumasok dun eh.

Lately, hindi na ako nakakawala sa pagbabasa ng mga manga na may sad stories theme. Pano ba naman kasi, yung mga nakakatawang manga na pang-teens talaga eh unfinish titles pa rin. Hindi na kasi ako nag-ddl ng mga manga/manhwa na hindi pa complete, kasi sayang sa free space sa laptop ko. Kawawa naman ang laptop ko nito!.. kaya wag nalang.

Kani-kanina ko lang natapos basahin yung manga na "Love Letter". Madami dami naman na akong natapos basahin na mga manga--- new titles. Pero ngaun nalang ulit ako ginanahan mag-comment at react sa mga binabasa ko. Gaya nito:

Tungkol ang title na toh sa "long distance" relationship, language barrier at age gap. Ang hirap noh? Tungkol kasi yan sa love story nina Yari at Kemin. Bali si Yari ay Japanese, tapos, Taiwanese naman si Kemin. Pag dating naman sa age gap, Working na kasi si Kemin eh, isa syang manga editor sa Taiwan, samantalang HS student lang si Yari. Ofcourse, obvious naman na since magkaiba ang mga nationality nila eh di iba din ang medium na ginagamit nila. Actually, nag-break na rin sila nung umpisa, tapos nagkaroon silang dalawa ng mga panibagong love life para maka-move on. Tapos, after 2 years, nagkita silang muli, at sa pagkikita nilang yun ay nagkabalikan silang muli. Sa mga taon daw kasi na yun, ay hindi nila nalimutan ang isa't isa. Ipinagpatuloy nila ang relasyon nila, at hinarap ang mga consequences nun. Mahirap kasi, sobrang bihira lang makadalaw sa Japan si Kemin, dahil sa trabaho nya. Nagkakausap lang sila through fax msgs. Tapos, nagka-problema pa nun, nung parang hindi pumayag si Kemin na mag-aral si Yari ng pag-nnurse sa Japan, kaya hindi makakapunta si Yari sa Taiwan after ng graduation nya. Akala nilang dalawa dun na matatapos ang lahat. Determined na mag-nurse si Yari dahil yun ang pangarap nya. Muntik ng sumuko si Kemin, buti nalang pinakinggan nya ang mga advices sa kanya ng kanyang kaibigan at ng ex-gf nya. Pero in the end, n-realize nilang dalawa ang pagmamahal nila sa isa't-isa sa kabila ng long distance relationship at language barrier--- ready na sana i-give up ni Yari ang pag-nnurse nya para pumunta na ng Taiwan after her graduation, kaso, nag-fax si Kemin sa kanya na he is willing to wait for her daw kaya hahayaan na nya sya na abutin ang mga pangarap nya. In the end, nagkita silang muli nung pumunta si Kemin sa Japan para makitang muli si Yari.

Dun sa bandang part na nagkita sina Yari at yung ex-bf nya na si Yuuki-- mejo I'm sympathizing for Yuuki. Bukod kasi sa ampogi nya--- ah! ambait bait nya kasi. Pure love ang love nya na yun for Yari. Naiiyak ako sa sobrang kabaitan nya. Nakipag-break up kasi sa kanya si Yari noon, just for the reason na hindi pa rin ni Yari nakaklimutan si Kemin. Damn her! bakit nya sinagot si Yuuki kung ganun?! User sya! Nainis kaya ako nun kay Yari! Parang ang perfect na kasi ni Yuuki eh, wala ka ng hahanapin pa kung bf ang paguusapan tapos ganun pa ang igaganti nya sa kanya. Nung nagkita nga silang dalawang muli, ambait bait pa rin sa kanya ni Yuuki--- nabanggit pa nga nya na pag-graduate daw nya ng HS, magn-nurse din daw sya. Mag-nnurse sya kasi na-inspired sya kay Yari. Dahil sa pag c-care ni Yari sa mga matatanda, n-realize ni Yuuki ang gusto nya sa buhay, ang pangrap nya. Gusto din nyang gawin ang makatulong sa iba, kaya napili nyang mag-nurse. Yung time na nagkita silang muli, yun din yung time na no contact sina Kemin at Yari, dahil gusto ipagpatuloy ni Yari ang pangrap nya, na hindi naman pinahintulutan ni Kemin. Si Yuuki, ang nagsilbing life saver ni Yari nung mga panahon na yun. Hindi nya pinabayaan si Yari kahit muntik na syang hindi maka-graduate, dahil sa retake exam na hindi nya pinasukan dahil mas inuna nya si Yari na nilalagnat nung mga oras na yun. Sinubukan pa nga ni Yuuki na makipagbalikan kay Yari, kasi nalulungkot din sya sa relasyon ni Yari sa bf nya. Pero, in the end, naging maiintindihin sya, hindi sya naging sagabal sa relasyon nina Kemin at Yari. Basta, andun lang sya para sumuporta. Sa totoo lang, mas gusto ko sana si Yuuki nalang eh. Naiinlove ako sa ipinakita nyang kabutihan sa kanya. Ambait bait nya sobra.

Labels: , , ,

posted by rian at 1/16/2008 07:53:00 PM 3 comments

Sunday

LSS in my head



The Girl is Mine
by Super Junior

[Translation]

didn't i tell you to forget your empty dream, just give up on her
are you still living with an attachment, i don't understand you
since long ago, me and her talked on the phone all through the night
that's the kind of relationship we have
you not being able to acknowledge that is making me frustrated
i'm the only one

CHORUS
this is where it ends, you've done enough
i'll understand your tears when it's time for you to leave
now let's shake hands like men
b'coz she's gonna be in my embrace smiling

that lovable smile is mine
they say misunderstanding is freedom,
even if you don't want to acknowledge it, it's reality
why isn't it getting through to you, give up already
you don't understand our relationship is making me frustrated
i'm the only one

(CHORUS)

you can no longer have more
look over there at that beautiful girl
how can you not love her
the oerson that knows my burning heart
she's the only one

i know you want me right now
the man you want is me

(CHORUS)

credits: youtube + imeem

Labels:

posted by rian at 1/13/2008 11:16:00 PM 1 comments

Research mode.

OK. I've searched the net for some news or info about Suju coming to the Philippines. Turns out, that up until now, there is still no definite news about it. So, everything is still rumor--- but if it is not true, atleast the news I've heard from my friend completed my day. I'm happy, coz i was bored the whole day and she lightened it up amazingly. Thanks Pia!

Labels:

posted by rian at 1/13/2008 01:24:00 AM 1 comments

Saturday

Surprise! Surprise! Surprise!

Naku! ano bang meron sa gabi na toh? May tatlo kasing bagay na nagpa-surpresa s'kin kanina. Una, yung txt s'kin ni Pia. Pupunta daw dito sa Feb.7 ang Super Junior. Sa The Fort daw sila. Naku po! aaminin ko n-hyper talaga ako dun ah. Kaya yun, napatawag pa talaga ako sa kanya. Ayun nga daw, sinabi daw yun sa kanya ng k-dormate nya. Nabalitaan naman yun ng k-dormate nya sa friend nya na like si Kibum. After ng call ko, sobrang wala akong kagatol-gatol na nag-burst ng feelings ko sa cbox namin. As in hindi na ako nag-isip na wag mag burst ng feelings with high hopes sa nabalitaan ko, kasi hindi pa naman yun confirm, but I did. Super sumaya ako dun eh. Kahit umpisa palang naman eh, isa din naman na ako sa mga hindi naniniwala na mapapasama ang Philippines sa mga pupuntahan nilang countries sa Asian Tour nila. Kaso, ewan ko bigla nalang talaga ako sumaya, parang reflex kung baga. Kasi naman, sino ba namang ayaw makita ang Suju kung gustung-gusto mo sila di ba? But then, spur of the moment lang yun, again, im one with those filipino fangirls din nila na hindi naniniwala sa pagdating nila dito. Pero if ever true man yun, pupuntahan ko sila. Kahit hindi ngaun, kahit in the future pa. Hay... gustung-gusto ko talaga silang makita eh. Sana kung pumunta man sila dito, sana sa PAL sila sumakay, para makita ko sila sa NAIA. Naku! sobrang saya ko na sa buong taon na toh, pagnagkataon! Tutal last year, natupad ang dream kong makita ang DBSG, so this year naman sana eh Suju naman. Pero, I'll wait to see them, gaya ng sa DBSG, I'll let myself be surprise when that day finally comes.

Second, yung nabasa ko sa trash thread ng SJPhil. Nag-post kasi dun yung isang JCer--- tapos nag-reply ako sa kanya kung ano yun. Nabasa ko sa cbox na this JCer wants me to go ym daw. I did naman. Tapos kinuwento nya s'kin ang ginawa nya. PM nya kasi yung Head ng Sahoe, confessing something to them. I'm proud for what she did, for coming clean and all that. Tapos, kinuwento nya pa yun s'kin. I'm happy talaga. Sana tuluran din sya ng ibang members.^^

Third, out na MV ng SNSD na Kissing You. N-surpresa ako, kasi out na agad yung MV. Just recently, shino-shoot palang ang MV na yun eh. Well, hindi naman ako fan ng SNSD, dahil lang kay Donghae kaya heto, syempre kailangan alam ko ang mga bagay na toh, di ba?hehe. Hay.. ang cute ni Donghae ah! At naku naman! una, inggit lang ako kanila Donghae at Tiffany moments sa MV, yun pala, late reaction lang ako, kasi after awhile parang feeling nag-sselos na ako. Wah!!!! ang close close nila eh! At may akbay-akbay pa!huhuhu. Natatakot tuloy ako! Sana naman on cam lang yun ha!...XD

Labels: , , ,

posted by rian at 1/12/2008 11:44:00 PM 6 comments

Wednesday

New layout ulit! di ko kasi gusto yung itsura ng sidebars ko eh. P-girly na naman ako ulit! Hmm kelan na ba yung huli kong layout na nagpa-girl ako?

Ah! kahapon pala nag-open ulit ang SJPhil! Down kasi ang forum for awhile kasi nag-maintainance mode kami. Inayos namin ang forum for 2008. Musta naman ang forum? Hmm it looks better than before. May improvement naman kahit pano. Galing ni Dan-Gerty! Although may naitulong naman ang mga staffs for our forum, sila pa ding dalawa ang pinakamaraming naitulong dun. Thanks sa lahat ng staffs!^^

Hay... nakaka-disappoint si Han Hyo Joo dahil sa pic nya na nakita ko. Ok, hindi nya kasalanan yun pero parang iba pa din ang dating kasi eh... panira kasi sa image nya. Sana naiwasan yun! Sabi sya daw ang nanalo na "Best Dress" something sa event na yun, pero I doubt tuloy kung dahil ba talaga purely best dress sya or dahil best dress sya dahil nakadadag points ang exposure ng panty nya. Hindi ko nakita ang event na yun, pero maganda naman talaga sya nung event na yun, kaso nga lang, hindi pa din maiiwasan na mapagisipan ang nangyari, malamang kasi, pinag-fiestahan sya ng mga photographers dun, tapos sya feeling superstar, yun pala kaya ganun ay dahil sa panty nya. tsk3! mga oportunista pa naman ang mga taong katulad nila! Kasi naman ikaw! magingat ka naman sa susunod noh!




Ui! n-watch nyo ba kanina yung balita sa 24 Oras at TV Patrol World? Mag-sshooting daw dito sina Eugene of S.E.S. at Lee Min Ki! As in dito sa Pinas! I don't know kung when mag-sstart, pero may title na yung movie nila-- "Feel So Good". Sabi sa balita, there will be scenes shot in Intramuros and Boracay. Ohhh!!! Intramuros ba kamo? Hay sana makita ko sila dun! Naku! sasadyain ko talaga sila kahit hindi nila ako fan.hehe.

Kaninang umaga, Pia texted me, na may nag-sshooting daw na mga koreans sa NAIA. N-curious tuloy ako kugn sino o sinu-sino sila. Baka kasi familiar me sa kanila. Pero, I wonder kung mga artista nga sila? Hindi kaya sina Eugene at Lee Min Ki na yun ha?

Labels: , , ,

posted by rian at 1/09/2008 08:43:00 PM 70 comments