W.E.L.C.O.M.E.

Wednesday

Hi! I'm back!!!

Lately, hindi na talaga ako madalas nakakapag-update ng blog na toh. Well, even before busy naman na ako, pero my time pa rin akong mag-update ng blog ko, kaso ngaun hindi ko na magawa eh, hmm tinatamad kasi ako. Hindi ako makapag-construct ng sasabihin dito.

Alam nyo ba, hindi ako pinayagan umalis sa NAIA hangga't hindi ko pa tapos yung 300 hrs. ko doon. Hay ayaw ko na sana mag OJT eh, tinatamad na ako. Actually, not all because tinatamad lang ako--- madami na din kasi akong dapat asikasuhin para sa magiging life ko after graduation, kasi graduating na ako this year, remember? Ang plano ko kasi dapat by the start of the year ay: mag-aapply for passport; ayusin yung masteral ko sa UP--- plano ko kasing kumuha ng masters in Philosophy dun eh; maghanap ng review schools for IELTS, TOEFL, or any of that kind; mag-prepare din for civil service examination, etc. Ang dami kong dapat gawin noh? Parang kung titingnan parang imposibleng magawa, kaya nga as much as possible sinisimulan ko na sana unti-unti eh. Pero nasira ang plano dahil sa OJT ko na yan. Kung pinayagan lang sana akong makaalis na NAIA, eh di sana inaasikaso ko na ang lahat ng iyon. Ang plano ko kasi dapat, lilipat ako sa company ng business partner ng mom ko sa corporation nila. Well, masama tong gagawin ko, kasi hindi naman talaga ako mag-oOJT dun, i-aassess na agad nila ako, kaya I don't have to work anymore for them, kaya may room for me to do what I am planning to do. OK, nasira lang talaga ang plano dahil sa NAIA na yun.huhuhu. Naku po! Lord, bigyan nyo po ako ng lakas na magpatuloy pa rin pumasok sa NAIA bukas at sa mga susunod na mga araw, hanggang sa matapos ko ang oras na kailangan kong bunuin. Hay... tinatamad na talaga ako pumasok dun eh.

Lately, hindi na ako nakakawala sa pagbabasa ng mga manga na may sad stories theme. Pano ba naman kasi, yung mga nakakatawang manga na pang-teens talaga eh unfinish titles pa rin. Hindi na kasi ako nag-ddl ng mga manga/manhwa na hindi pa complete, kasi sayang sa free space sa laptop ko. Kawawa naman ang laptop ko nito!.. kaya wag nalang.

Kani-kanina ko lang natapos basahin yung manga na "Love Letter". Madami dami naman na akong natapos basahin na mga manga--- new titles. Pero ngaun nalang ulit ako ginanahan mag-comment at react sa mga binabasa ko. Gaya nito:

Tungkol ang title na toh sa "long distance" relationship, language barrier at age gap. Ang hirap noh? Tungkol kasi yan sa love story nina Yari at Kemin. Bali si Yari ay Japanese, tapos, Taiwanese naman si Kemin. Pag dating naman sa age gap, Working na kasi si Kemin eh, isa syang manga editor sa Taiwan, samantalang HS student lang si Yari. Ofcourse, obvious naman na since magkaiba ang mga nationality nila eh di iba din ang medium na ginagamit nila. Actually, nag-break na rin sila nung umpisa, tapos nagkaroon silang dalawa ng mga panibagong love life para maka-move on. Tapos, after 2 years, nagkita silang muli, at sa pagkikita nilang yun ay nagkabalikan silang muli. Sa mga taon daw kasi na yun, ay hindi nila nalimutan ang isa't isa. Ipinagpatuloy nila ang relasyon nila, at hinarap ang mga consequences nun. Mahirap kasi, sobrang bihira lang makadalaw sa Japan si Kemin, dahil sa trabaho nya. Nagkakausap lang sila through fax msgs. Tapos, nagka-problema pa nun, nung parang hindi pumayag si Kemin na mag-aral si Yari ng pag-nnurse sa Japan, kaya hindi makakapunta si Yari sa Taiwan after ng graduation nya. Akala nilang dalawa dun na matatapos ang lahat. Determined na mag-nurse si Yari dahil yun ang pangarap nya. Muntik ng sumuko si Kemin, buti nalang pinakinggan nya ang mga advices sa kanya ng kanyang kaibigan at ng ex-gf nya. Pero in the end, n-realize nilang dalawa ang pagmamahal nila sa isa't-isa sa kabila ng long distance relationship at language barrier--- ready na sana i-give up ni Yari ang pag-nnurse nya para pumunta na ng Taiwan after her graduation, kaso, nag-fax si Kemin sa kanya na he is willing to wait for her daw kaya hahayaan na nya sya na abutin ang mga pangarap nya. In the end, nagkita silang muli nung pumunta si Kemin sa Japan para makitang muli si Yari.

Dun sa bandang part na nagkita sina Yari at yung ex-bf nya na si Yuuki-- mejo I'm sympathizing for Yuuki. Bukod kasi sa ampogi nya--- ah! ambait bait nya kasi. Pure love ang love nya na yun for Yari. Naiiyak ako sa sobrang kabaitan nya. Nakipag-break up kasi sa kanya si Yari noon, just for the reason na hindi pa rin ni Yari nakaklimutan si Kemin. Damn her! bakit nya sinagot si Yuuki kung ganun?! User sya! Nainis kaya ako nun kay Yari! Parang ang perfect na kasi ni Yuuki eh, wala ka ng hahanapin pa kung bf ang paguusapan tapos ganun pa ang igaganti nya sa kanya. Nung nagkita nga silang dalawang muli, ambait bait pa rin sa kanya ni Yuuki--- nabanggit pa nga nya na pag-graduate daw nya ng HS, magn-nurse din daw sya. Mag-nnurse sya kasi na-inspired sya kay Yari. Dahil sa pag c-care ni Yari sa mga matatanda, n-realize ni Yuuki ang gusto nya sa buhay, ang pangrap nya. Gusto din nyang gawin ang makatulong sa iba, kaya napili nyang mag-nurse. Yung time na nagkita silang muli, yun din yung time na no contact sina Kemin at Yari, dahil gusto ipagpatuloy ni Yari ang pangrap nya, na hindi naman pinahintulutan ni Kemin. Si Yuuki, ang nagsilbing life saver ni Yari nung mga panahon na yun. Hindi nya pinabayaan si Yari kahit muntik na syang hindi maka-graduate, dahil sa retake exam na hindi nya pinasukan dahil mas inuna nya si Yari na nilalagnat nung mga oras na yun. Sinubukan pa nga ni Yuuki na makipagbalikan kay Yari, kasi nalulungkot din sya sa relasyon ni Yari sa bf nya. Pero, in the end, naging maiintindihin sya, hindi sya naging sagabal sa relasyon nina Kemin at Yari. Basta, andun lang sya para sumuporta. Sa totoo lang, mas gusto ko sana si Yuuki nalang eh. Naiinlove ako sa ipinakita nyang kabutihan sa kanya. Ambait bait nya sobra.

Labels: , , ,

posted by rian at 1/16/2008 07:53:00 PM

3 Comments:

Magnificent site. A lot of helpful info here. I'm sending it to some friends ans additionally sharing in delicious. And certainly, thank you for your effort!

Here is my blog post: Air max billig (tubber.ru)

June 18, 2013 at 5:01 AM  

Hi there would you mind letting me know which hosting company
you're utilizing? I've loaded your blog in 3 completely
different internet browsers and I must say this blog loads a lot faster then most.
Can you suggest a good internet hosting provider at a fair
price? Thanks a lot, I appreciate it!

my blog - günstige nike air max

June 18, 2013 at 12:25 PM  

After looking at a handful of the articles on your site,
I honestly like your technique of writing a blog.
I book marked it to my bookmark site list and will be checking
back soon. Take a look at my web site as well and tell me your opinion.


Also visit my web-site :: Gucci 財布

June 18, 2013 at 5:37 PM  

Post a Comment

<< Home