W.E.L.C.O.M.E.

Saturday

Coffee break (1)

Hay.. ilang araw na din akong bangag. Kahit sa school bangag pa din ako. Feeling ko nga napa-praning na ko eh. Parang lately kasi hindi nalang ma-relax relax ang aura ng mukha ko. Pano naman kasi ang daming iniisip. Hindi ko na malaman kung ano uunahin na gagawin sa dami ng mga requirements. Ang malala pa eh antukin ako, kaya naman may times na hindi ko na nagagawa ang mga yun kasi inaantok na nga ako. At syempre pag inaantok ka di ba ang tendency nun eh hindi ka na makapagisip ng matino? Yeah, ganun na nga ako.

Nung isang araw para lang hindi ako antukin at buong magdamag gising eh uminom na ako ng kape. Actually, hindi talaga ako umiinom ng kape. Pero reliable medicine ko yun kung gusto kong maging gising magdamag. Kung baga, "No Choice" na ko eh. Kaya yun... Okay naman ang kinalabasan. Tamo! ang dami kong na-post na entry nun dito. At bukod sa lahat may na-accomplish akong requirement ko. Galing di ba? XD

Dahil sa kape kaya kahit umaga na gising na gising pa ko. Pero mejo tinalaban na din ako ng antok nung comparative gov't na namin. Hay.. dun na nag-start na mejo inaantok na ko, wala na sa mood at hindi na gumagana ng maayos ang brain ko. Ni yung tenga ko nga parang nabibingi na eh. Wala na kasi akong naa-absorb sa mga tinuturo nya. As in parang kung baga sa computer, naka-stand-by mode na ako nun. Ang kinakainisan ko lang eh na-disappoint ko si sir. Tinawag nya kasi ako para mag-recite after nyang tawagin yung isa kong classmate na hindi nakasagot tapos nung turn ko na eh ganun din ang nangyari. Yan tuloy nakapag-comment sya ng kung ano man nung time na yun. May nasabi pa nga sya na parang hindi nya daw kelangan ng mga estudyanteng pumapasok nga pero hindi naman nagr-recite. Para kasing hindi nya ata ma-gets ang essence ng mga estudyanteng pumapasok para lang umupo sa klase. OUCH! ONE SLAP ON MY FACE! I don't know kung ako lang ang tinutukoy nya o kaming lahat na hindi nga nagr-recite sa kanya. Pero his words striked me talaga. Nasaktan ako dun. Eh crush ko nga sya di ba? So laking impact talaga nun s'kin na sabihan ka ng taong gusto mo ng mga ganung bagay. Alam ko naman kasalanan ko din na hindi ako nakapag-recite. Pano kasi una sa lahat hindi ko na nabasa yung readings nya about sa dini-discuss nya nung time na yun. Second, naka-stand-by mode na nga ang brain ko di ba? Hindi na nagf-function ng matino. Tsaka wala na din ako sa mood makinig nung time na yun. Parang ang gusto ko nalang gawin eh matulog. Tapos nung araw na yun eh mejo pinapakita nya ang pagiging strict nya s'min. Like yung sa mga requirements nya... hindi na nya kami pinapakinggan pagnakikipag-bargain kami sa kanya na, "Sir! ganto-ganyan nalang kasi mahirap dahil marami pa kaming ginagawa." Hindi na nya kami pinapakinggan di tulad nung una. Tapos ang dami-dami na nga naming ginagawa eh gusto pa nya magmake-up class pa kami sa hapon. Hay nainis kaya ako nun. Pero naging makasarili ako, kasi hindi ko na inintindi na kung inis na ko nung time na yun eh mas lalo naman sya. Lalo pa't hindi na kami nagp-participate sa discussion, tapos yung mga mukha pa namin eh hindi na maipinta. Sabi nya kahit man lang daw ngiti sa mga mukha namin eh enough na na bayad sa kanya dahil daw nakakataba yung ng puso nya. Tapos parang hindi pa namin maibigay nung araw na yun. Hay, alam nyo feeling ko nga eh ako yung sinasabihan ni sir nung mga words na yun to challenge me. Napagisip-isip ko lang yun nung mag-break muna kami, tapos ako kumain muna ng lunch sa canteen. I feel kasi na he's expecting more from me since he's thinking na I'm something naman--- hindi lang ako nagsasalita. Kaya I think nung tinawag nya ako eh ini-expect nya na makakasagot naman ako kahit papaano. But I guess nakikita na din nya ang mood ko nun. Di rin kaya dahil tingin nya wala na ako sa mood makinig kaya nya ako tinawag? Hmm incoherent na ba sinasabi ko ha? -.-;

Nung nag-resume na ulit yung class namin sa kanya eh nag-quiz na kami. Late syang dumating as what he told us before pa. Nung pumasok na ako sa make-up subject namin na yun eh okay na ako. Hindi na ako feeling hurt sa nangyari nung una. Kaso alam nyo, bigla akong nalungkot pagpasok nya ng room. Ang blank kasi nung mukha nya eh. And I know something's going on, even though he was trying to look okay infront of us.

While we're doing the quiz, nagr-round sya s'min to check if our critical thinking quiz is okay. Ewan ko lang ah.. pero nagf-feeling feelingan na naman ako nung lumalapit banda s'min si sir na parang hesitant pa talaga lumapit. Feeling ko kasi nung time na yun eh he wants to come to me to check my answers or just simply see my paper but instead sa katabi ko sya lumapit tapos tinouch nya yung shoulders nung classmate ko na yun and then said, "Ito! magaling toh eh." tapos ang cute cute pa ng expression nya. I was thinking na that was actually 'me' he's talking about. Kaso hindi nya lang ako malambing ng ganun since aloof ako sa kanya. Naisip ko yun kasi feeling ko nung umpisa palang, like nung midterm exam namin, tuwing ngr-round sya eh parang hesitant na talaga sya pumunta banda s'min and he looks like he's about to come to me pero hindi nya magawa-gawa. Tapos he thinks pa na may sense yung mga sinasagot ko sa critical thinking na di tulad ng majority kaya naisip ko tuloy na parang ginamit nya lang yung katabi ko pero ako ang ibig nya dung sabihin. Kasi din naman yung sinabihan nya hindi naman sa pagmamayabang eh hindi naman talaga magaling eh. Kaya yun tuloy naisip ko. Hay.. ang feeling ko noh?

After nung quiz, he talked to us. Telling us na the Dean of our college talked to him again. Kasi nga may mga reklamo sa kanya remember? Sabi nya s'min, mukhang yung Dean lang naman daw ng college namin ang gusto sya mag-stay eh, kaya it got himself thinking not to continue teaching na daw sa Lyceum. Tutal din naman daw maraming offer na scholarship sa kanya abroad and one of his supervisor e-mailed him na sumama daw sya abroad din with him probably later this year or next year daw. Mejo nag-open up sya s'min. Yun pala ang source ng blank face and quietness nya.

Sa totoo lang, nasaktan ako dun. Hay pano kasi hindi ko na sya makikita ulit. Parang gusto ko na ngang umiyak nun eh. Well, hindi lang naman sa kadahilanan na hindi ko na makikita ang crush ko, kundi dahil na din sa kakayahan nya to teach. Ang galing nya kaya magturo. Sayang naman na mawala ang mga professor na tulad nya di ba? Sobrang sayang talaga. Ewan ko ba dun sa college namin! nakakainis! puro kasi mga intrigero't intrigera ang mga tao dun eh. Mga walang kwentang tao sila! F*ck them all! Lalo na yung mga babae dun sa college namin. Grrr sila!!! I realize tuloy na sometimes it's bad to be yourself, because no matter what people will judge you anyway--- specially when you are not alike with them. And that you have to be someone else that you are not to be able to be liked by them. Ang sama ng mga taong ganun noh? That's what I learned from his experience in our school. Kawawa naman sya. T^T

Anyway, life goes on. After ng quiz at sharing ni sir eh nag-continue ng discussion ulit kami. Kahit sad at disappointed sya eh in-control pa din sya. Nagagawa pa rin nyang magpatawa at mai-deliver ng maayos ang topic namin sa kanya. Kakabilib talaga sya!<3
posted by rian at 5/26/2007 09:21:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home