W.E.L.C.O.M.E.
Monday
TT TT TT..... Sorry po for what happened today.
Hay kawawa naman yung driver namin. Napagalitan.
Ewan ko, at hindi ko maintindihan kanila mama at Loy kung anong ikinaiinit ng mga ulo nila sa kanya.
Mukha namang mabait ang driver naming yun.
Isa din yun sa factor na ikanagagalit ko today. Yung inaasal nila towards him.
Parang maiinit kasi dugo nila sa kanya, eh wala naman syang ginagawang masama.
Ok. nagkakamali sya, pero i don't think its enough na maging ganun nalang sila sa kanya.
As in umpisang-umpisa palang eh... ganun na sila sa kanya.
Bakit sila ganun? kakaumpisa palang naman nya eh. Hindi lang sya nagaadjust sa mga lugar na gusto naming puntahan, kundi pati sa mga ugali namin.
Kaya paminsan tingin nila eengot engot pa sya eh dahil nahihiya pa sya s'min. Hindi pa nya alam kung anong approach ang pwede nyang gawin.
Masunurin naman sya ah. Kaso, oo nga masunurin, kaso nasobrahan naman ata. Mejo ayaw nga nila ng ganun, kasi walang sariling diskarte.
Pero, naku naman! Why can't they give him a chance to prove himself. Ang j-judgemental nila eh.
Gaya nalang ng nangyari kanina................
Yung pang lock ng kotse, nahulog ng hindi sadya nung driver (sa loob ng car).
Toh naman si mama kung anu-ano ng sinabi sa kanya. I'm sure n-hurt yung driver kasi ako nga na nakaka-feel lang eh na-hurt talaga, sya pa kaya.
On my part kasi, sa tingin ko, yung lock talaga nung car eh mejo may diperensya na matagal na.
Hay naku! automatic daw ang lock nung car na yun sabi ni mama.
Eh what's so automatic about it, eh twing sasakay nga ako dun, at pinindot na yung auto lock ng car eh I need to push down pa yung lock nun to be sure. Same thing when I'm going out of the car na, I am doing otherwise. So buttom line is, its sira na talaga.
But then, yung nangyari kanina, minalas lang sya na sa lock ng door nya nasira yung lock nung car. Poor him. =C
I'm sure naman, mom won't accept the fact na sira na nga talaga noon pa yung lock nun. Kasi kanina palang yun ang ini-emphasize nya. Na hindi daw yun sira. Na kasi auto lock daw yun kaya no need ng hatak-hatakin pa yung lock twing lalabas ng car.
Tapos, heto namang kapatid ko. Ayaw nya din dun sa driver. Tatanga-tanga daw kasi. But then, Ate Ana told me everything that happened about the driver and my brother. The driver told her naman kasi. She said to me na , ganun nga daw ang nangyari kasi nung sumakay daw si Loy sa car eh hindi naman daw nya sinabi kung saang mapua pupunta. Eh what the driver thought is that, the mapua he is talking about is the mapua in intramuros and not in makati. If only daw sinabi nya kung saang mapua yun eh alam na nya. Mas nagkaintindihan sana sila. Kaso, simpleng mapua lang daw kasi ang sinabi nya eh; o kaya naman kasi if ever nasabi ng brother ko kung saang mapua yun, eh hindi yun narinig nung driver; or when my brother say it eh hindi malumanay. Kasi naman, kahit sino naman noh, hindi magkakaintindihan kung the way you talk eh parang pagalit or parang wala sa mood kausapain yun kausap nya, tapos toh namang driver eh kinakabahan pa. Hay what happened is simply just a miscommunication. But my brother don't have to act like that toward him. I feel bad. Ang arrogant nya.
Sa totoo lang, mejo na-assess ko naman na yung driver at mukhang he's doing his best to satisfy us. But then, they don't see it.
I had a talk with him nga when he was driving me home. He says that palagi daw nyang binibida kami sa family nya. Ambait bait daw kasi nila mama at papa. Na kahit daw ganun lang ang salary eh ok na. He's very thankful nga na naging driver daw namin sya. As in, i was so touched by his words. I saw his sincerity naman when he said that. I can feel na he's a good person and he's trying to fit in. If only they knew about it, they would also feel the way I feel.
Honestly, the first time I saw him, nabaitan na talaga ko sa kanya. Tapos nung nakipag-usap pa sya eh mas lalo kong nakita na mabait nga syang talaga. Kala ko nga they would like him eh. Pero bakit nagkaganun? Nice to talk to and presentable driver naman sya, kaya I don't think magkaka-problema kami dun, kaso yun nga lang, masyado syang mabait.
You know, I've been thinking of a reason why they act like that on him. And the only reason I had in mind is because of my father who hired him. Si papa kasi, tinggal sa trabaho yung driver ni mama. Na si mama mismo ang kumuha para maging driver nya. Kaso mejo nagkaroon ng problem at ganun na nga ang ginawa ni papa sa driver namin na yun. I was thinking na that must be the reason why they dont like our new driver. Kasi I feel na feeling ni mama siguro is that that driver is not a trusted one, coz he might be kampi to papa instead to her. Hay ang i-immature talaga. You see, you can never learn to like someone when you don't like the person itself. Because all you will see are his liabilities and not his assets.
Pero I don't think na ganun ang driver na yun. Gaya ng tingin nila sa kanya.
Hay, I think mom's going to fire him soon.
Malulungkot ako. =C
Mejo kasi ang p-perfectionist nila eh.
Hay sila nalang kasi ang mag-drive!.. feeling ko pagganyan sila walang magtatagal eh.
Sana maging fair naman sila. Wag silang pangunahan ng kanilang mga emosyon. Think before they act.
Nakakalungkot naman.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home