W.E.L.C.O.M.E.

Monday

Hay... its an ordinary day today for me. Walang magandang nangyari. Pero kung kelan wala ngang magandang nangyari, saka pa me ganadong mag-post ng entry! Kabanas! Madami pa naman na dapat me ilagay dito.

Shhh... wag kau maingay ah, hindi na naman kasi ako pumasok sa JPL subject ko kanina.hehe. Ginawa ko kasi buong araw yung take home quiz ko sa Philippine Conditions subject eh.

Kanina bago me pumasok sa room ng class ko, nakita ko yung prof. ko sa JPL! Putek! kilala na nya kaya ako? Takot ako na baka mamukhaan nya ako, at gisahin next meeting--- kasi hindi ako pumasok sa subject nya kanina. Tapos, akala ko b-boycott-in na ng mga classmates ko ang Philippine Conditions namin kanina, ang tatagal nilang dumating eh. Mga apat palang kaming mga estudyante ni Atty. Paredes nun, buti nalang naging worth it ang paghihintay namin sa kanila kasi dumating naman sila after awhile.

After class, pumunta me SM Manila. Nag-grocery me ng mga toiletries ko. Mom ko kasi kinalimutan akong ibili eh. At sa wakas, nabili ko na rin ang fave backpack ko ng heartstrings.

Ui, alam nio, namumuroblema ako! Hindi ko alam kasi kung nagkakagusto na ba ako sa HS friend ko or what?! Hay... gusto ko kasi syang makausap uli, kaso mukhang hindi na naman kami magkausap muli. Naku! ayoko mag-feeling feelingan kaya sisiguraduhin ko muna ang lahat bago ako mag-kwento dito.

Natatandaan nio ba si Mersh? Yung kinukwento ko dito nung summer? Putek! kung kelan ayaw ko na sa kanya, saka naman sya nagpaparamdam. But I don't want him to become more than my mentor eh, kea I've decided na hindi ko nalang sya rreply if he txt me. Besides, hindi ko ata kayang sikmurahin ang isang student-teacher relationship eh. As in!

Labels: ,

posted by rian at 12/03/2007 08:37:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home