W.E.L.C.O.M.E.

Friday

HAHA! NAPEKE KO KAU NOH?!

Ayos ang araw ko ngaun ah! Ang ganda ganda!.... Alam nio ba kung bakit? ^______________________^

Halos kararating ko lang dito sa bahay from NAIA. Kanina mga 12nn na kami nakadating ni Pia dun! Sakto! may 3 immigration officers ang nagpakain for their b-days. Grabe! busog na busog nga ako eh. Sobra naman kasi kung magpahanda ang mga yun! Parang walang katapusan ang mga pagkain! Para ngang feista dun kanina eh.

Isang beses lang kami nakapag-encode ng mga immigration cards--- yung mga pang-US flights pa nga eh. Pero yung usual na mga flights na ini-encode namin ay wala. Hmm konti lang siguro ang mga pasahero.

Alam nyo ba? Isa din sa mga nagpasaya s'kin ay ang pag-ggreet s'kin ng mga taong nag-ttrabaho dun (NAIA)! Alam nio ba kaninang umaga nung nag-eencode kami? saktong may mga nagbababaang mga plane staffs-- mga stewards at stewardesses (hmm tama ba ang pagkaka-plural ko?_=p) ata ang mga yun. Bale yung mga babae, dumaan sila sa side ni Pia, tapos yung dalawang guy naman ay sa side ko. Hmm ewan ko kung bakit nagkaganun, pero ayun ang napansin ko eh. Nagkataong yung mga babae ay sa kabilang side ko dumaan. Alam nio ba ang nakakagulat na part na yun? Well, yung naunang guy lang naman na dumaan ay nag-"good morning" s'kin at nakangiti. Ewan ko, pero nung grinit nya me eh hindi sya s'kin nakatingin... pero nun sinundan ko sya ng tingin kasi nagulat nga me sa ginawa nya, eh nakita ko syang nakangiti. Ang weird di ba? Hindi ko tuloy masabi kung napagkamalan nya me na staff din dun sa NAIA or what?--- anyway, wala naman me pake, curiuos lang ako. Tapos, yung second guy na dumaan, mejo napatigil pa muna, may sinulat pa kasi muna sya na kung ano man yun, bago sya naglakad ulit. Nung nagsimula na syang maglakad, nakatingin sya s'kin at nakangiti. Alam mo yung ngiting parang mapagkumbaba? Gaya ng sa nauna kong kwento, hindi ko din alam kung alin sa dalawa ang ibig nilang sabihin sa ginawa nilang yun. Hmm actually parang mas cute yung naunang guy na nag-greet s'kin kesa dun sa pangalawa. Sabi din ni Pia may itsura daw yung pangalawang guy, pero hindi nya ata nakita yung nauna. Well, I guess kung nag-ttrabaho ka ba naman sa plane, malamang dapat may looks ka di ba? Tapos may isang guard din dun malapit sa pinag-eencode-an namin... yun! palagi akong grini-greet nun! Alam ba nya o nilang trainee lang ako ha?! Kasi kahit saan naman titingnan may iba't-ibang treatment ang tao sa ibang tao di ba? Yung tipong simpleng salitang ganto pero yung parang pagpapakumbaba tone at way ay anduduon. Iba talaga eh! Actually, ganun din ako sa Senate, nung andun pa ako. Wala lang, nakakataba lang ng puso. Anyway, ayoko din namang tratuhin nila akong mababa, porket trainee o kung sino lang ako maliit para sa kanila. Yung part na yun ang nagpapasaya s'kin kahit pagod na ako. Kahit sa elevator, pagsumasakay me, parang yung ibang staffs or trainee din dun, as in kung umasta eh parang kala mo ang taas taas kong tao kaya parang mapagkumbaba sila kung titingnan. Madalas nga naming mapag-usapan yun ni Pia eh. Basta! ang saya saya! Nakakataba ng puso talaga!... motivation to work ko yun!

Um kanina, mejo parang nagkainitan na naman kami ng ulo ni Pia!hehehe. Well, hindi naman yun malaking bagay for us. Parang usual na din yun s'min kasi may ganung moments din kami noon pa man. Ofcourse! Mejo sanay na sanay na kasi kami sa isa't-isa kaya mas open kami kesa sa iba. Kaya nga may times na nag-cclash din ang pagiisip naming dalawa eh, na parang walang hesitation magpigil at tuluyan ng mag-away--- anyway, hindi pa naman yun nangyayari kahit may inis factor kami sa isat-isa paminsan. Whew! actually, understanding lang din naman si Pia lalo na s'kin. Maybe she knows me better than anyone else na. Alam nio ba ang taong yun? May pagka-short-tempered din yun eh! Pero kahit na napipikon na yun s'kin, tina-try niang mag-relax at ipaintindi s'kin ang point or side nya. She said na maybe that's the way to handle me daw than patulan pa ang init ng ulo or ka-bad mood-an ko--- and it works! ^_^ Pero pacencia ka na Pia kanina ah, I feel kasi na Max knows how naman na eh. Maybe kaya mo nasabi yun kasi nacconcious ka na naman na baka mamaya isipin ni Max s'tin eh tanga tau o bobo kasi hindi natin alam ang gagawin... pero there's nothing wrong in asking kung alam naman nya kung pano. Napaka-concious mo kasi sa iisipin ng iba/ magiging comment ng ibang tao sau, minsan tuloy feeling ko hindi ka normal (joke!).. kasi para s'kin wala namang masama kung magkamali o magtanong--- Kesa sa officer ka pa magtatanong right? Hindi ba't mas nakakahiya kung m-commentan tau nila? Basta, feeling ko talaga alam naman na ni Max ang gagawin kaya gusto ko ng umakyat na tau nun. Tsaka ayoko din kasing nakatayo na naghihitay ng kung ano pa man, at pagnag-ttrabaho gusto ko mejo no-stopping kung baga--- mejo hindi ko feel na naka-tengga lang. Kaya din me pumasok nalang sa loob ng arrival office, mas mabuti ng nakaupo ako, na-rrelax ko ang aking no-slowing down character. Sencia na! Peace!

Tapos, may isang I.O. dun na mejo pinag-ttripan ako!hahaha! Nagsimula kasi yun nung, papunta sya sa admin habang kumakanta, tapos ako nahuli nya pagpasok ng pinto na naka-salubong ang kilay!hehehe. Eeek! Hindi ko naman sadya yun eh! Pero shhh wag kau maingay pero mejo masagwa talaga ang boses nya eh_=x Akala ko kasi si Kuya Rigel or Kuya Bong yun!teehee~ Tapos yun! inaasar na ako ng I.O. na yun! Sabi daw nya, i-hhold daw nya ang pag-ggrade ng practicum ko kasi sya daw ang pipirma s'kin at may 320 hrs. pa ako duong tatapusin.hehehe. Pabiro lang namang ang lahat ng yun eh! Kaya natatawa ako! Parang in that way, nagiging close me sa I.O. na yun, na parang may kakulitan ka na. Basta! Kung sa bagay patawa din si Sir na yun eh. Ah! Sir Se nga pala ang pangalan nya.=D


Random

... Hay hindi ko pa din naku-kwento ang nangyari nung kasama ko iba ko pang HS friends last week!... tapos naginuman pa kami ng El Hombre! =c

... Bukas nasa school ako! May mga bagay na aasikasuhin.

... reading 100% Perfect Girl.

Labels: , , , ,

posted by rian at 10/26/2007 10:30:00 PM

1 Comments:

naku ano ba yan ako pa naging topic mo sa blog.. hiya tuloy ako.... naku wala yun pasenxia ka na rin sa akin well in a way tama ka din.. =p

October 27, 2007 at 7:32 PM  

Post a Comment

<< Home