W.E.L.C.O.M.E.

Tuesday

Uwah!!!! Windang ako sa mga fanfics na binabasa ko! Fanfics mode naman ako ngaun! Naguguluhan na nga ako eh. Kagabi lang kasi n-install yung MS Word namin after mai-format yung laptop ko. Hay... cramming! Dami ko ng atraso kay Aly, kasi hindi ko na nababasa yung mga fics na sini-send nya s'kin. Hay... pati yung fic ni Donna hindi ko pa din tapos basahin. Ngaun, 4 na fics ang binabasa ko; "The War U Are", "Sumnmer Games & Winter Skate", "Hidden Memorandum" and "High School Royalty"--- dami noh? Kaya nga windang ako eh. Minsan naguguluhan na ako, kung saan na ba ako natapos o kaya pag may naisip akong sitwasyon madalas ko pang sabihin "Saan ko na nga bang fic nabasa yun?" Naku po! Not only that, hindi lang me nagbabasa ng fanfic ngaun, nagbabasa pa rin ako ng manga. May 2 pa me na manga na binabasa kaso hindi pa tapos basahin--- "Peppermint" and "Paradise Kiss".

Naku! Save me! (Though I don't want to be saved.) Pano kasi, lumalakas na naman ang love power s'kin ni Kyuhyun eh. Hay.. last week pa toh! After kay Suh Do Young. Sabi nga kaninang madaling araw ng bro ko habang nanonood kami sa youtube ng mga Super Junior perfs, "Ah! Kaya pala! Parang kamukha nya kasi yung dun sa Spring Waltz eh." Hawig ba sina Kyuhyun at Suh Do Young? Nasabi yun ng bro ko kasi, wala na me ibang bukang bibig kundi "Kyuhyun! Kyuhyun! Kyuhyun!". Kaya habang nanonood kami, eh namukhaan na nya kung sino si Kyuhyun sa grupo. Tapos kilala na rin nya si Suh Do Young dahil kasama ko syang nanonood ng Spring Waltz sa dvd noon. Di ko lang alam kung bakit nya nasabi yun. Pero, I don't know, parang pagpinapanood ko kasi Spring Waltz sa ABS, parang nakikita ko din si Kyuhyun sa kanya eh, parang sa paningin ko bagay si Kyuhyun sa role ni Jae Ha. Ah! ewan!...basta Kyuhyun mode talaga ako ngaun! Nga pala, napanood nyo na ba perf ng Super Junior na "A Man In Love"?... Ay ewan! basta ako, ntturn-on sa kanya sa part nya na nagpapaikot-ikot ang hips nya. Damn! nh-hot-an ako sa kanya eh. Weird ko ba? Natatawa kasi ako na nakikilig sa kanya dun eh. Nakupo!

Kyuhyun mode AKO!

Labels: , , , , ,

posted by rian at 1/08/2008 06:16:00 PM 4 comments

Sunday

I'm back!

Huhu... I'm back again, pero mejo malungkot naman ako ngaun. Bakit? Pano kasi, 2x nag-format ang bro ko sa isang araw nung thursday. Yan tuloy, yung mga profiles ko sa side ng blog ko na pinaste ko sa notepad ay nawala na. Phew! nagulantang nalang ako kanina nung ma-realize ko yun eh. Hay... andun pa naman ang listahan ko ng mga manga at manhwa na binabasa ko! T.T Yan! back at one na naman ako! Putek! dapat ko na talagang i-organize ang mga binabasa ko! and as much as possible pati mga links at sites ay mai-save ko na din sa e-mail ko. Hay... isang matinding lesson sa akin ang nangyaring yun ah. Importante kasi yun s'kin eh. Now what?!

Anyway, Yes! Yes! I'm back na nga sa net, last thursday lang. Sa wakas! nag-format na din ang bro ko! Tagal noh? Pero buti na rin yun, kasi inaayos din namin ang forum namin eh. Kaya yun, down ang forum muna namin mga ilang araw na. Hmm umabot kayang maayos ang forum, hanggang New Year?

Hay sa wakas, natapos ko na din basahin ang ilang araw ko ng pinaglalamayang manhwa! Ang ganda kasi eh! Naging favorite ko na.^^ Actually, dapat matagal ko na sanang tapos yun basahin eh, kaso nga nag-down naman ang LP ko kaya mejo n-postponed ang pagbabasa ko nun. Kanina ko lang talaga yun natapos. May comment sa last part yung scanlator nung manhwa, sabi nya, hindi daw maganda yung manhwa na yun. Pero ako! Gandang ganda sa story!!! Ipapaglaban ko talaga! Well, sabi kasi nung scanlator naman, kaya hindi nya yun nagustuhan eh dahil daw paulit-ulit nalang daw ang story ng mga manhwa na ginagawa ng mangaka--- parang walang originality. OK FINE! sabihin na nating ganun na nga, kaso hindi ko pa sure yun eh, yun palang kasi ang nababasa ko kaya ayaw ko pang i-judge yun. However, I truly enjoyed reading that manhwa.

Yung manhwa na binabasa ko? Hot-Blooded Woman. Ganda! Nakakatawa at nakaka-mental! Parang ikaw mismo ang mababaliw sa kanila! Lahat sila mga estupido eh. Pero magkaganun man, basta, matatawa ka pa rin talaga sa kanila! Si Park Sin-Uoo, sya yung bidang guy sa manhwa. Hay naku! Poker face pala ah! Well, nawala ang pagka-poker face nya dahil kay Kang Ha Ji. Dahil kasi sa kanya, nagiging kengkoy ang mukha nya at minsan nagiging dork na rin twing kasama nya sya. Si Ha Ji naman, yung bidang girl, sya ang pinaka-stupid na nakakatawang babaeng nakilala kong character sa lahat ng mga manhwa at manga na nabasa ko! Haha! nakakatawa talaga ang ka-engotan nya! Ang dami pa nga nyang names sa story eh, like, "eating machine", "chicken head", "crazed dog", "pig", etc. Ang dami noh? Naku! talaga namang siga sya, kaso pagdating sa pagkain eh ibang usapan na yun sa kanya. Pagkain lang ang magpapatumba sa kanya! Ganun sya kababaw, ok?hehehe. Aba! naw-wirduhan nga ako kung bakit sa lahat ng mga babae sa mundo eh sya ang nagustuhan ni Sin Uoo. Napaka-perpekto kasi ni Sin Uoo eh, habang kabaliktaran naman si Ha Ji. Is it really true that opposite attracts? Hmm with them, it make sense.haha! Pero, ewan ko, nakakatakot tong si Sin Uoo, kasi ang mean mean nya sa taong ayaw nya or gusto nya? Ay ewan! Pano kasi, ayaw na ayaw nya kay Aram, as in, tino-torture nga nya eh, pero nung sumanib ang soul ni Ha Ji kay Aram, at naging kilos at pananalita ni Ha Ji si Aram, na-fall inlove sa kanya si Sin Uoo, at dun na nag-iba ang pakikitungo nya sa kanya. Tapos, nung nagakita sila ni Aram sa katawan ni Ha Ji, naging mean ulit si Sin Uoo sa kanya. Ah! sa story kasi, nagkapalit ng kaluluwa sina Aram at Ha Ji kaya nagkaganun. Pero, all along the girl that Sin Uoo fell inlove with was Ha Ji even when she was in Aram's body. Kasi, it was Ha Ji's character and personality that he loved the most, and not her outer appearance-- not Aram nor Ha Ji's appearance. Nakakatuwa nga eh, kasi mas mapapatunayan na si Ha Ji nga talaga ang talagang mahal ni Sin Uoo, dahil nung nakabalik na sa tunay nyang katauhan si Ha Ji, still na-inlove pa rin sa kanya si Sin Uoo, na suppose to be dapat paghihigantihan nya lang dapat, dahil sa pagkamatay ni Aram-- pero the Aram that I'm talking about here is Ha Ji, inside Aram's body. Medyo later na kasi n-realize ni Sin Uoo na si Ha Ji pala ang nasa katauhan ni Aram nun eh. Bakit namatay si Aram? Dahil yun kay Jang Han Seo. Sya yung so called, "sub-jjang" ng Dobberman gang--- Jjang si Ha Ji. Sya ang pinaka-psycho sa lahat ng mga characters dun! Alam mo yun, iba sya magmahal ah. Ang sakit nyang magmahal! Physical-an eh. As in, literal na sapakan, suntukan, tadyakan, ganun ang ginagawa nya kay Ha Ji. Ganun ang way nya to show his affection. Anyway, abnormal din naman tong si Ha Ji eh, kaya normal nalang sa kanilang dalawa ang ganun. Namatay si Aram dahil sa selos ni Han Seo. Ang posessive nya kasi eh! Halos patayin nya muna sa bugbog si Aram nung clear na sa kanya na si Ha Ji ang nasa katauhan ni Aram. Pano kasi, hindi nya matanggap na inlove na si Ha Ji kay Sin Uoo, imbes na sa kanya. Ewan ko ba! Baliw sya! Mahal nya pala si Ha Ji all along, pero sinasabi nyang pet or toy nya sya! Ganun sya magmahal! Ganun ang term of endearment nya! Lupit noh?! Nakakatakot talaga magalit si Han Seo! Kahit ako natatakot na din sa kanya eh, sayang ang ka-gwapuhan nya! Sa last part nalang talaga ng kwento mo maa-appreciate ang ka-gwapuhan nya tuloy. Actually, sa lahat ng mga male characters dun, si Te Hu ang pinaka-gusto ko. Hmm omg! forgot his surname.=C Basta, kahit sino atang magbabasa ng manhwa na yun eh maa-attract talaga sa lalaki na yun eh. Sya kasi ang positive side nung dalawang male characters. Too bad! hindi sya nakigulo sa pag-ibig ni Ha Ji!--- Amf! But I was expecting for it! Turns out na si Aram ang babaeng mas nagustuhan nya. Well, just like kay Sin Uoo na si Ha Ji ang nagustuhan nya sa katawan ni Aram, kay Te Hu naman, si Aram sa katawan ni Ha Ji. Sad nga lang, kasi namatay si Aram sa story. Ayun! wawa naman ang Te Hu ko! maghihintay pa sya ng mahabang panahon para magkatuluyan sila ni Areum, ang batang reincarnation ni Aram. Laking age gap din yun ah! Hmm magkatuluyan kaya sila? Cradle snatcher ang labas na nun ni Te Hu!huhuhu.^.~ Well, maganda naman ang naging ending. Guess what happened to Han Seo in the end? Haha! Akalain mo yun, ang isang gangster na psycho eh naging artista?! Basta! pagnabasa nio talaga yung storya hindi nio aakalain na magiging ganun sya. Tapos, si Ha Ji naging founder ng isang food something something, at naging known name sya sa Korea--- tinutulungan sya ni Sin Uoo. Si Sin Uoo naman, ay naging empleyado ng corp. ng dad nya. As in small time empleyado lang sa corp mismo ng dad nya at nakatira nalang sya sa isang apartment kasama si Ha Ji. Okay lang naman daw yun sa kanya eh. Mas pinili nya kasi si Ha Ji kesa sa iba. Magkaganun man, ayos lang naman yun sa kanya dahil mukhang ayos naman sila ng dad nya, parang way na rin nya yun para ipakita na kaya nyang magtagumpay sa sarili nyang pamamaraan, na hindi na kinakailangan ng tulong ng nino man.

Labels: ,

posted by rian at 12/30/2007 09:28:00 PM 0 comments

Wednesday

Hay... hanggang ngaun ay gising pa rin ako! Ewan ko, gusto ko naman na matulog, kaso parang may pumipigil s'kin. Tsk! Dapat pa naman eh makapasok me maaga sa NAIA! Ano ginagawa ko ngaun? Heto, soundtripping ng "Only Reminds Me of You" ng MYMP. Ang emo ko noh? Bagay kasi sa ambiance eh. Tsaka, fave ko talaga ang song na toh! Gusto ko both the original and the rendition. Hindi ko na nga alam ang salitang "sawa" eh. Ah! nag-ddl nga pala me ng mga manga. Naku naman! Eh halos hindi ko na nga m-dl-dl yung ibang manga sa list ko, heto na naman ako, dl pa rin ng dl ng another new title ulit. Hay, pano ba naman kasi, hanggang ngaun, most of the manga na nasa list ko eh kundi on-going pa, eh napakadami naman ng volumes na dapat kong i-dl. Musta naman?! Konti nalang ang GB ng LP ko! The whole night kanina, i've dled Claire de Lune, Sakuran at Colourcloud Palace. Pansinin nio, wala yung mga titles na yan sa listahan ko.

These past few days, I was reading "Le Chevalier D'Eon". Familiar ba kayo sa anime na yun? Meron nun sa animax! Tipong back to the past during the time of King Louis XIV pa yun, kaya obviously, classic french style ang dating. Now, what made me like it? Believe it or not, yun ay dahil nagandahan ako sa mga damit nila!hehe. Gustung-gusto ko kasi ang mga damit noon eh. Ayun! Dun na talaga nagsimula na pinapanood ko na paminsan yung anime nun. Just recently lang, nung nag-dl me ng manga na yun. Another on-going manga na naman! Nakupo! Hay... napa-dl din kasi me dahil mejo hindi ko gets ang nangyayari sa anime since hindi ko naman yun naumpisahan. Honestly, mas gusto ko pang basahin yung manga kesa panoorin yun. Mas maiintindihan mo kasi ang kwento eh. Tsaka while reading the manga, maraming mga words dun na makakatulong s'kin to increase my vocabulary! I need that kasi I'm going to take several exams in the near future eh. Have to develop my vocabulary words. Eh, dun sa manga na yun, madami-daming words na halos ngaun ko nga lang nalaman ang meaning. Pano kasi UK english words ang ginamit. Well ofcourse naman noh, King Louis XIV, is the King of France in 18th or 19th century, eh ang France ay nasa Europe, at UK english ang ginagamit sa continent na yun. Well, infairness, if you love fashion or just interested sa damit ng mga french people at that time, I can guarantee that you'll gonna love watching the anime. So far, Volume 1 Chapter 3 palang yung manga eh. I haven't research pa kung bago lang ba ang title na yun o talagang just recently lang nakaroon ng authority to scanlate the manga, i don't know.




After kong basahin hanggang Chapter 3 yung manga, sinunod ko namang basahin yung, It Started With A Kiss, Tommorrow, Boy Next Door at simula kaninang madaling araw naman yung Hot-Blooded Woman. Hindi pa nga ako tapos basahin yung huli eh. Mamaya naman ulit na gabi. Ah! yung nauna ko pa palang manga na nasabi, hindi ko pa din tapos. Hindi na kasi me mapalagay sa theme nung kwento eh. Mejo nawawalan na ako ng interes. Pero hopefully, matapos ko na din syang basahin. Nga pala, yung It Started With A Kiss na sinasabi kong binabasa ko ay hindi yun yung manga version ng popular Taiwanese drama with the same title ah--- iba pa yun. Heto nga, dini-DL ko na ngaun yung tunay. Hay, pano kasi, nung una, akala ko rin eh. Tsk! Ano ba yun?!=| Ang title ng It Started With A Kiss sa manga ay Itazura na Kiss (Mischievous Kiss), ayun! eh di alam na natin, db? Kaso sad to say, hindi na pala natapos gawin ang manga na yun kasi namatay yung mangaka sa isang accident na hindi ko alam. Matagal na pala ang manga na yun, 1991 pa. Sabi hanggang 10 volumes daw ang natapos, pero sa site na nakita ko, hanggang volume 6 lang ang scanlations nila. Naku! dapat ko pa hanapin yung remaining 4 volumes kung saan.

Ayan! Tapos ko ng i-dl yung Volume 1 ng Itazaru na Kiss!!! I'll read it when get back home after my OJT later.

xxxxxxxxxxxxxxxxxx






See that?! See that?!*wootwoo*=p

Natatawa talaga ako sa nipple exposure ni Changmin.haha! Censored!!!! awww!....=D As in, tinitigan ko pa talaga ah, kasi malay ko ba naman kung PS lang yun noh, pero mukha hindi eh.hehe. So, nag-bbold na pala ngaun si Changmin? Naku po! maalala ko lang ang mga pics na yan, natatawa pa rin talaga ako! Sori Jho at Fin.=x

Labels: , , ,

posted by rian at 12/12/2007 12:49:00 AM 0 comments

Friday

HAHA! NAPEKE KO KAU NOH?!

Ayos ang araw ko ngaun ah! Ang ganda ganda!.... Alam nio ba kung bakit? ^______________________^

Halos kararating ko lang dito sa bahay from NAIA. Kanina mga 12nn na kami nakadating ni Pia dun! Sakto! may 3 immigration officers ang nagpakain for their b-days. Grabe! busog na busog nga ako eh. Sobra naman kasi kung magpahanda ang mga yun! Parang walang katapusan ang mga pagkain! Para ngang feista dun kanina eh.

Isang beses lang kami nakapag-encode ng mga immigration cards--- yung mga pang-US flights pa nga eh. Pero yung usual na mga flights na ini-encode namin ay wala. Hmm konti lang siguro ang mga pasahero.

Alam nyo ba? Isa din sa mga nagpasaya s'kin ay ang pag-ggreet s'kin ng mga taong nag-ttrabaho dun (NAIA)! Alam nio ba kaninang umaga nung nag-eencode kami? saktong may mga nagbababaang mga plane staffs-- mga stewards at stewardesses (hmm tama ba ang pagkaka-plural ko?_=p) ata ang mga yun. Bale yung mga babae, dumaan sila sa side ni Pia, tapos yung dalawang guy naman ay sa side ko. Hmm ewan ko kung bakit nagkaganun, pero ayun ang napansin ko eh. Nagkataong yung mga babae ay sa kabilang side ko dumaan. Alam nio ba ang nakakagulat na part na yun? Well, yung naunang guy lang naman na dumaan ay nag-"good morning" s'kin at nakangiti. Ewan ko, pero nung grinit nya me eh hindi sya s'kin nakatingin... pero nun sinundan ko sya ng tingin kasi nagulat nga me sa ginawa nya, eh nakita ko syang nakangiti. Ang weird di ba? Hindi ko tuloy masabi kung napagkamalan nya me na staff din dun sa NAIA or what?--- anyway, wala naman me pake, curiuos lang ako. Tapos, yung second guy na dumaan, mejo napatigil pa muna, may sinulat pa kasi muna sya na kung ano man yun, bago sya naglakad ulit. Nung nagsimula na syang maglakad, nakatingin sya s'kin at nakangiti. Alam mo yung ngiting parang mapagkumbaba? Gaya ng sa nauna kong kwento, hindi ko din alam kung alin sa dalawa ang ibig nilang sabihin sa ginawa nilang yun. Hmm actually parang mas cute yung naunang guy na nag-greet s'kin kesa dun sa pangalawa. Sabi din ni Pia may itsura daw yung pangalawang guy, pero hindi nya ata nakita yung nauna. Well, I guess kung nag-ttrabaho ka ba naman sa plane, malamang dapat may looks ka di ba? Tapos may isang guard din dun malapit sa pinag-eencode-an namin... yun! palagi akong grini-greet nun! Alam ba nya o nilang trainee lang ako ha?! Kasi kahit saan naman titingnan may iba't-ibang treatment ang tao sa ibang tao di ba? Yung tipong simpleng salitang ganto pero yung parang pagpapakumbaba tone at way ay anduduon. Iba talaga eh! Actually, ganun din ako sa Senate, nung andun pa ako. Wala lang, nakakataba lang ng puso. Anyway, ayoko din namang tratuhin nila akong mababa, porket trainee o kung sino lang ako maliit para sa kanila. Yung part na yun ang nagpapasaya s'kin kahit pagod na ako. Kahit sa elevator, pagsumasakay me, parang yung ibang staffs or trainee din dun, as in kung umasta eh parang kala mo ang taas taas kong tao kaya parang mapagkumbaba sila kung titingnan. Madalas nga naming mapag-usapan yun ni Pia eh. Basta! ang saya saya! Nakakataba ng puso talaga!... motivation to work ko yun!

Um kanina, mejo parang nagkainitan na naman kami ng ulo ni Pia!hehehe. Well, hindi naman yun malaking bagay for us. Parang usual na din yun s'min kasi may ganung moments din kami noon pa man. Ofcourse! Mejo sanay na sanay na kasi kami sa isa't-isa kaya mas open kami kesa sa iba. Kaya nga may times na nag-cclash din ang pagiisip naming dalawa eh, na parang walang hesitation magpigil at tuluyan ng mag-away--- anyway, hindi pa naman yun nangyayari kahit may inis factor kami sa isat-isa paminsan. Whew! actually, understanding lang din naman si Pia lalo na s'kin. Maybe she knows me better than anyone else na. Alam nio ba ang taong yun? May pagka-short-tempered din yun eh! Pero kahit na napipikon na yun s'kin, tina-try niang mag-relax at ipaintindi s'kin ang point or side nya. She said na maybe that's the way to handle me daw than patulan pa ang init ng ulo or ka-bad mood-an ko--- and it works! ^_^ Pero pacencia ka na Pia kanina ah, I feel kasi na Max knows how naman na eh. Maybe kaya mo nasabi yun kasi nacconcious ka na naman na baka mamaya isipin ni Max s'tin eh tanga tau o bobo kasi hindi natin alam ang gagawin... pero there's nothing wrong in asking kung alam naman nya kung pano. Napaka-concious mo kasi sa iisipin ng iba/ magiging comment ng ibang tao sau, minsan tuloy feeling ko hindi ka normal (joke!).. kasi para s'kin wala namang masama kung magkamali o magtanong--- Kesa sa officer ka pa magtatanong right? Hindi ba't mas nakakahiya kung m-commentan tau nila? Basta, feeling ko talaga alam naman na ni Max ang gagawin kaya gusto ko ng umakyat na tau nun. Tsaka ayoko din kasing nakatayo na naghihitay ng kung ano pa man, at pagnag-ttrabaho gusto ko mejo no-stopping kung baga--- mejo hindi ko feel na naka-tengga lang. Kaya din me pumasok nalang sa loob ng arrival office, mas mabuti ng nakaupo ako, na-rrelax ko ang aking no-slowing down character. Sencia na! Peace!

Tapos, may isang I.O. dun na mejo pinag-ttripan ako!hahaha! Nagsimula kasi yun nung, papunta sya sa admin habang kumakanta, tapos ako nahuli nya pagpasok ng pinto na naka-salubong ang kilay!hehehe. Eeek! Hindi ko naman sadya yun eh! Pero shhh wag kau maingay pero mejo masagwa talaga ang boses nya eh_=x Akala ko kasi si Kuya Rigel or Kuya Bong yun!teehee~ Tapos yun! inaasar na ako ng I.O. na yun! Sabi daw nya, i-hhold daw nya ang pag-ggrade ng practicum ko kasi sya daw ang pipirma s'kin at may 320 hrs. pa ako duong tatapusin.hehehe. Pabiro lang namang ang lahat ng yun eh! Kaya natatawa ako! Parang in that way, nagiging close me sa I.O. na yun, na parang may kakulitan ka na. Basta! Kung sa bagay patawa din si Sir na yun eh. Ah! Sir Se nga pala ang pangalan nya.=D


Random

... Hay hindi ko pa din naku-kwento ang nangyari nung kasama ko iba ko pang HS friends last week!... tapos naginuman pa kami ng El Hombre! =c

... Bukas nasa school ako! May mga bagay na aasikasuhin.

... reading 100% Perfect Girl.

Labels: , , , ,

posted by rian at 10/26/2007 10:30:00 PM 1 comments

Sunday

Aish! Nakakainis gumawa ng story sa manhwa ang mga koreano! Parang ang abrupt kasi ng mga story! Hay... Parang wala kasing thrill. Well, meron naman, kaso babawiin din yun ng ka-abrupt-an ng mga story nila! Like me, I thought I'm gonna live na yung I Want You na manhwa, but then in the end, it failed to satisfied me. Okay naman sya s'kin, but not to the point na magiging favorite ko ang 'storya.

Hala! Come to think of it, wala pa pala me nagiging favorite na manhwa na nabasa ko na! Hmm I think I'm gonna like Goong, You're So Cool and Hot-Blooded Woman, kaso hindi ko pa yung mga yun nababasa.

Maya-maya aalis me. Pupunta ako sa SM Manila to buy a new school shoes. Hehe, asiara na kasi shoes ko nung last thursday eh. Shoot! buti nalang pagbaba namin ni Pia ng LRT eh may nagtitinda doon ng mga tsinelas. Nakabili tuloy ako ng fake havana tsinelas.haha! Mura lang naman PHP50.00. Pero wag ka! Ang sarap nya sa paa! ^^

Hindi me pumasok today sa OJT ko. PATAY!hehehe. Sobrang napagod ata ako kagabi. Hmm mejo tinatamad din pumasok. Although training palang yun, mejo worried na nga ako eh. Pano pa kaya pagnag-ttrabaho na ako at ganto pa rin ang attitude ko? Ay ewan!

Ui! Nabanggit ko na bang isa sa mga favorite song ko ng DBSG ay yung Begin? Hay.. song...perfs..mv... ay fave ko! Hmm I think ngaun ko lang nasabi ito dito. N-miss ko nga bigla kaya mag-ppost me dito ng mga perfs nila nun galing youtube (ofcourse!). Fave ko yun kasi, parang naiiyak ako pagnaririning ko yung song. To think hindi ko pa alam ang translation ng kinakanta nila ah. Ngaun ko nga lang naisipang hanapin yung translation nun eh. Kk-touch pala talaga yung song!--- makes me want to cry. Anyway, may nakita me na perf nila sa youtube na may subtitle ng translation ng song, kaya hindi ko nalang ip-post dito yung translation nun. From their 1 & 2 Live Tour "Begin" Perf nila ang ip-post ko! Hay... <3

Labels: , , , ,

posted by rian at 10/07/2007 02:54:00 PM 0 comments