W.E.L.C.O.M.E.

Tuesday

Uwah!!!! Windang ako sa mga fanfics na binabasa ko! Fanfics mode naman ako ngaun! Naguguluhan na nga ako eh. Kagabi lang kasi n-install yung MS Word namin after mai-format yung laptop ko. Hay... cramming! Dami ko ng atraso kay Aly, kasi hindi ko na nababasa yung mga fics na sini-send nya s'kin. Hay... pati yung fic ni Donna hindi ko pa din tapos basahin. Ngaun, 4 na fics ang binabasa ko; "The War U Are", "Sumnmer Games & Winter Skate", "Hidden Memorandum" and "High School Royalty"--- dami noh? Kaya nga windang ako eh. Minsan naguguluhan na ako, kung saan na ba ako natapos o kaya pag may naisip akong sitwasyon madalas ko pang sabihin "Saan ko na nga bang fic nabasa yun?" Naku po! Not only that, hindi lang me nagbabasa ng fanfic ngaun, nagbabasa pa rin ako ng manga. May 2 pa me na manga na binabasa kaso hindi pa tapos basahin--- "Peppermint" and "Paradise Kiss".

Naku! Save me! (Though I don't want to be saved.) Pano kasi, lumalakas na naman ang love power s'kin ni Kyuhyun eh. Hay.. last week pa toh! After kay Suh Do Young. Sabi nga kaninang madaling araw ng bro ko habang nanonood kami sa youtube ng mga Super Junior perfs, "Ah! Kaya pala! Parang kamukha nya kasi yung dun sa Spring Waltz eh." Hawig ba sina Kyuhyun at Suh Do Young? Nasabi yun ng bro ko kasi, wala na me ibang bukang bibig kundi "Kyuhyun! Kyuhyun! Kyuhyun!". Kaya habang nanonood kami, eh namukhaan na nya kung sino si Kyuhyun sa grupo. Tapos kilala na rin nya si Suh Do Young dahil kasama ko syang nanonood ng Spring Waltz sa dvd noon. Di ko lang alam kung bakit nya nasabi yun. Pero, I don't know, parang pagpinapanood ko kasi Spring Waltz sa ABS, parang nakikita ko din si Kyuhyun sa kanya eh, parang sa paningin ko bagay si Kyuhyun sa role ni Jae Ha. Ah! ewan!...basta Kyuhyun mode talaga ako ngaun! Nga pala, napanood nyo na ba perf ng Super Junior na "A Man In Love"?... Ay ewan! basta ako, ntturn-on sa kanya sa part nya na nagpapaikot-ikot ang hips nya. Damn! nh-hot-an ako sa kanya eh. Weird ko ba? Natatawa kasi ako na nakikilig sa kanya dun eh. Nakupo!

Kyuhyun mode AKO!

Labels: , , , , ,

posted by rian at 1/08/2008 06:16:00 PM 4 comments