W.E.L.C.O.M.E.

Sunday

Things I Can't Say to You...

Alam mo friend, lately iniisip kita. Alam mo kung bakit? Kasi iniisip ko kung may pupuntahan ang buhay mong ganyan. Marami pa naman taung plano together after we graduate di ba? So paano na kung ganyan ka? Puro plano pero do you really think we could achieve it? Your dreams...will it happened? Oo nga, dream, plano etc lang un, but would it be nice if we make it happened? Can't you be more realistic naman? Yung tipong plano na sigurado ka/tayo. Kasi twing tinitingnan kita parang hindi ko nakikita ang katuparan ng lahat ng yun.

Pano ba naman kasi, tamo ngaun pa nga lang pasulpot-sulpot ka na lang sa school. Tapos pagpapasok ka naman late ka pa. Ok, may mga tao naman talaga na ganun and yet nakakaya naman nila ang mga subjects nila. Parang gaya mo. Pero pano na when we are already in the real world? Yung tipong survival of the fittest na for us. You know naman we can't depend on our parents forever di ba? Kaso tingnan mo naman-- dependent ka pa nga lang parang hindi na sau balance ang lahat. Tapos pa-OK OK ka lang jan. Alam mo yang pa-OK OK mong yan kapag pinagpatuloy mo pa--- wala kang patutunguhan. Sinasabi mo na yung mga HS friends mo na nasa UP pa nag-aaral e sinagad ang attendance nila and yet nakaka-survive pa rin, o kaya naman si Lady Amb. Prof natin naging ambassador and lawyer when actually when she was still studying eh mas gugustuhin pa nyang bumagsak kesa mag-recite sa harap ng mga classmates nya. Pero mali eh. Nilo-look up mo ung mga un pero mali un eh. Yes, they may be lucky, but how can you be so sure that you will be lucky too? Maybe ngaung college natin pwede pa. Pero pano na sa mga susunod pa? Tapos parang naiinis ka pa pagpinapaalala ko sau na pumasok ka na bukas, na wag ka mala-late. Eh nagwo-worry lang naman ako sau. Kaya nga as much as possible I won't care to damn hell tell you that na. Anyway, malaki ka na. Kaya mo na sarili mo. Tsaka pwede naman akong makapagsarili na pagka-graduate natin. Kaso bigla kong naiisip ang parents mo. Alam mo ba yun? Oo hindi ako mabuting estudyante at alam mo yan. Pero I'm better than you are. And right now I'm really trying my best to learn-- to be good atleast. Hope you will too.

Alam mo ang hindi ko pa nagugustuhan sa'yo...ung pagutang-utang mo. Minsan ayoko na talaga ikaw pautangin. Kasi pano ba naman twing may pera ka, napaka-gastos mo naman. Kung anu-ano binibili mo na pwede naman enough lang o kaya naman ung tipong mura lang, so you can save more money for the coming days pa. Hindi naman sa kulang ang pinapadala sau-- magastos ka lang talaga. Alam mo kung gusto mo talaga magtipid, pwede ka naman magluto nalang jan sa dorm mo kesa bumili ka pa sa food court o sa kung saan pa man. Pwede ka naman mag-delata, magmaalat na itlog, noodles etc. masarap naman mga un ah, mura pa. Kaso nga ang dami mong rason na kesyo ganito- ganyan. Bahala ka! Eto pa, pag may pera ka at may gusto kang bilhin, bumilibili ka ng sobra-sobra kung pwede naman isa-isa nalang kasi budgeted lang ang pera mo o kaya naman bumibili ka ng mahal kung pwede namang ung mura nalang. Ok, you want to experience that? Magtiis ka. Yun lang kaya ng budget mo eh. Ang problema sau, ang future career mo ang pina-plano mo pero ang present hindi. Naiinis ako kasi pagnaubos na pera mo uutang ka s'min. Everytime nalang na para bang one's nawalan ka ng money eh to the rescue naman kami sau. Oo naman kaibigan mo kami/ako pero wag naman sana palagi nalang. Parang wala ka kasing ginagawang paraan para sa sarili mo eh.

Alam mo ba hindi ko nagugustuhan ang sagot mo s'kin nung sinisingil kita sa utang mong 1,500 php. Tama ba namang ipasok ang issue ng isa kong kaibigan na umutang naman s'kin ng 2.000 php?! Kainis! Tama bang sabihin mo na, "Eh bakit ung kaibigan mo na mas nauna pa s'kin umutang eh hindi pa rin nagbabayad sau?!" Damn it! nakakakulo ka kaya ng dugo nun. Pero I think tumatahimik nalang ako nun. Kesyo nagbayad na o hindi ung friend kung un, eh wala ka ng pakialam dun. Intindihin mo ang sa'yo. Para kasing sinasampal mo sa mukha ko na dahil hindi pa sya nagbabayad eh hindi ka pa din magbabayad s'kin. Alam mo ba kung gaanong stress ang naidulot nyo s'kin?! Tapos ganun pa isasagot mo s'kin. May mga times din naman na nagkakapera ka pero nakakabili ka pa rin ng mga ganito-ganyan na sana itinatago mo nalang para makaipon ka ng pambayad mo s'kin. Ofcourse, I know it! Inu-obserbahan kita. Pero ako I keep on waiting pa rin. Parang gaya ka din nya na puro pangako s'kin. Hay its really hard to be patient talaga akala mo ba? May mga bagay din sana kasi ako na gusto bilhin kaso pinipigilan ko nalang ang sarili ko na wag ng isipin pa ang bagay na un kasi wala pang pera-- dahil nga hindi pa kau nagbabayad s'kin. Tamo! naturuan ko sarili ko maging ganon--sana ikaw din.

Di ba nung umutang ka s'kin sabi ko sau bayaran mo ko ng buo!? Hell yeah! at nalimutan mo yun! Inunti-unti mong binayaran ang utang mo. Kainis ka! Ang alam ko in-explain ko pa un kung bakit ganun ang gusto ko eh. Yun ay dahil para ma-feel ko naman na may pera ako. Yun tipong marami naman ako somehow na pera sa araw na un. Kaso ano ginawa mo? Yan tuloy, sa paunti-unti hindi ko na-feel yun. Pano nagagastos ko eh. Eh kung binuo mo pa sana un magagstos ko nga ang pera pero sa mga mas expensive na bagay naman na magagamit at gusto ko. Tutal naman nagtiis ako maghintay para sa money na yun. You deprived me of that. You always deprive me kasi halos lahat ng inutang mo s'kin ay hindi mo naman buong binabayaran. Pero sige lang--- nalimutan ko na yun.

Ngaung nagsu-summer naman tayo sa school ay naapektuhan na ko ng kaka-absent mo. Syempre! partner tayo sa term paper at classmate tayo sa spanish. Alam mo ba kung gaano ako ka-apektado dun? Una sa lahat about sa term paper natin, dahil sa kaka-absent mo eh hindi ako makapag-isip ng isusulat o ire-research. I tried to, but I really can't kasi ang vague s'kin ng mga dapat gawin. Ikaw kasi ang nag-isip ng title pati ang nag-umpisa ng topic natin eh. Tapos ni hindi mo pa s'kin nae-explain ung ginawa mo. Yep! binasa ko na gawa mo pero malabo pa rin. Alam mo ba na nahuhuli na taung ipa-check ang term paper natin kay sir? Pano nalang grade natin dun? Kaya nga sana tuparin mo na pumasok tomorrow para ituro mo s'kin ang lahat. Second, ung tungkol sa spanish subject natin. Alam mo naman na I can't continue 2nd level kung wala ka kasi ayoko namang akuin ung 16,000 php ng ako lang mag-isa noh. Kaya I need you. Kaso saan ka naman? Hindi naman kita ma-sms kasi wala naman akong load at ayoko namang i-pressure ka na ipaalala nalang sau ng ipaalala ang tungkol dun. Maya mainis ka na naman s'kin eh. Sinabi mo naman na before pa na wala ka pang pera. Hinihintay mo pa ung ipapadala sau. Kaya hinintay nalang kita kahit may pambayad na ako.

Pero you know-- what makes me hold on to you? Is when you always say sorry to me. Na tipong kahit iba na tone ng boses ko eh hindi ka pa rin napipikon. Pero hope you know di naman ako galit sau-- naiinis lang. Whenever you say "sorry", "peace" etc. it kinda feels like you know how I feel kaya kahit ganun nalang ako magsalita eh nasasabi mo pa rin un. I know may mga atraso din ako sau kaya ako din ginagawa naman ang lahat maintindihan ka. Kaso right now pls. wag mong hayaang maapektuhan ang grade ko ng ginagawa mo just bcoz partner kita. Isa lang ang nasa mind ko from now on-- "I won't let my parents down". I have a goal na dapat maka-graduate ako kasabay ng mga batchmates natin next year. Kaya sana this time makisama ka naman oh.
posted by rian at 5/06/2007 02:31:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home