W.E.L.C.O.M.E.

Wednesday

Letting go...

"Letting go of something important for something new."

Hay.. today I decided to delete all of my treasured suju pics in my docs. Nakakalungkot nga eh. Ilang buwan ko ding pinagbuhusan ng oras at panahon yun. Ngayon, saan ka na naman yun hahagilapin? =C Kelangan magsimula ulit sa umpisa.

Matagal ko na din pinapagisipan yun eh. Kaso ngaung araw lang talaga na ito ako nakapag-desisyon na. Nagh-hang na kasi ang laptop ko pagnagd-DL ako eh. Ito ang consequence; kung gusto kong mag-stay ang mga pics ko na yun, hindi ako magdDL or vice-versa. Kaya nga mejo matagal na din akong hindi nakakapag-DL eh. Dahil doon. Dahil ayokong mawala yung mga pics ko. At halos araw-araw eh padagdag ng padagdag ang mga iyon. Kanina, kahit masakit sa loob eh dinilit ko na rin, kasi mukhang somehow I felt na need ko naman atang bigyang pansin ang audio at video thread namin sa forum. Tsaka ako din. Dapat ng makasabay sa mga suju happenings. Kaya yun na ang ginawa ko.

Hmm... hindi naman ako nagsisisi. Mejo madami naman na akong na-DL ngaun. At wala naman akong nagiging problema sa ngaun sa laptop ko. Kaya ok lang. OK lang ako ngaun.

*Kala mo naman napaka-seryoso ng nangyari?! ADIK!
posted by rian at 6/13/2007 08:57:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home