W.E.L.C.O.M.E.

Tuesday

Almost Stranded

Huhuhu... grabe! basang-basa ako sa ulan! TT
Kainis! tamang timing ng pagbuhos ng ulan ah!.. pang-asar talaga!
Sa sobrang lakas ng ulan, bumaha na sa labas ng school namin. Ang hirap lumusong! Halos hanggang tuhod na ata ang baha eh. Kahit mag-payong ka pa eh wala ding magagawa kasi mababasa ka pa rin. Ang lakas talaga ng ulan eh. Ayun nga, nagkumpulan ang mga pajack boys sa labas ng school namin. Yun nalang kasi ang way para makauwi eh. Well, except kung may magsusundo sau ng car. I texted my mom and Tita nga to fetch me, kaso they can't do it naman pala, kasi naka-park na yung car namin, at walang magd-drive. So, I have to go home on my own as usual na naman kahit sobrang maulan. But don't worry, I have my two friends with me naman when I go home. Kaya ok lang.

Hindi naman kami nahirapang makasakay ng bus. Tapos may naupuan pa naman kaming upuan doon. Pero hindi din nagtagal, at napuno na rin ang sinasakyan namin. Madami na ngang nakatayong pasahero eh. At sa sobrang dami, nahirapan tuloy kami nung isa kong friend na kasabay ko umuwi bumaba. Ang sikip kasi eh! Hay....

Pero sa wakas at nakuwi naman ako ng matiwasay. Kahit basang-basa sa ulan.
posted by rian at 7/10/2007 09:43:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home