W.E.L.C.O.M.E.
Tuesday
Nang dahil sa "memory gap"....
Isa pa toh! Nakalimutan ko din kunin sa post office yung package na inorder namin ni jenn. Kainis talaga ako! Sabi ko na nga ba may nakakalimutan ako kanina eh, kaso hindi ko naalala--- ngaun lang. Kaya mamaya umaga ko yun gagawin. I have to na eh. Tagal na din kasi nun. Nahihiya na nga ako kay Ate Chi.
Sorry Jaejoong, Ate Edcel, Jenn, Ate Chi at Eijii. T__________T
Uwah!!!!.... Leche naman! Napaka-disorganized person ko pa rin! Wala na akong masabing mas gaganda pa sa mga terms na sinabi ko, kaya pacencia na. Naguguluhan na ako sa sarili ko! phew! Sa totoo lang kasi, madami din akong iniisip ngaun, sa sobrang dami hindi ko na alam kung ano ang uunahin. pacencia na talaga.
Wednesday
STRESS!!!!
Tapos heto pa, hindi din ako makapag-download sa clubbox--- ano ba yun?! 1 kbps and speed, meron ba nun? Hindi makatarungan! Kundi yung file nag-ddownload eh sobra namang tagal bago matapos ang pag-ddownload ng isang file na napili ko. Abuso di ba?! Ano bang problema ng clubbox ngaun? o s'kin lang yun may problema? Argh!
Lately, hindi na talaga ako madalas nakakapag-update ng blog na toh. Well, even before busy naman na ako, pero my time pa rin akong mag-update ng blog ko, kaso ngaun hindi ko na magawa eh, hmm tinatamad kasi ako. Hindi ako makapag-construct ng sasabihin dito.
Alam nyo ba, hindi ako pinayagan umalis sa NAIA hangga't hindi ko pa tapos yung 300 hrs. ko doon. Hay ayaw ko na sana mag OJT eh, tinatamad na ako. Actually, not all because tinatamad lang ako--- madami na din kasi akong dapat asikasuhin para sa magiging life ko after graduation, kasi graduating na ako this year, remember? Ang plano ko kasi dapat by the start of the year ay: mag-aapply for passport; ayusin yung masteral ko sa UP--- plano ko kasing kumuha ng masters in Philosophy dun eh; maghanap ng review schools for IELTS, TOEFL, or any of that kind; mag-prepare din for civil service examination, etc. Ang dami kong dapat gawin noh? Parang kung titingnan parang imposibleng magawa, kaya nga as much as possible sinisimulan ko na sana unti-unti eh. Pero nasira ang plano dahil sa OJT ko na yan. Kung pinayagan lang sana akong makaalis na NAIA, eh di sana inaasikaso ko na ang lahat ng iyon. Ang plano ko kasi dapat, lilipat ako sa company ng business partner ng mom ko sa corporation nila. Well, masama tong gagawin ko, kasi hindi naman talaga ako mag-oOJT dun, i-aassess na agad nila ako, kaya I don't have to work anymore for them, kaya may room for me to do what I am planning to do. OK, nasira lang talaga ang plano dahil sa NAIA na yun.huhuhu. Naku po! Lord, bigyan nyo po ako ng lakas na magpatuloy pa rin pumasok sa NAIA bukas at sa mga susunod na mga araw, hanggang sa matapos ko ang oras na kailangan kong bunuin. Hay... tinatamad na talaga ako pumasok dun eh.
Lately, hindi na ako nakakawala sa pagbabasa ng mga manga na may sad stories theme. Pano ba naman kasi, yung mga nakakatawang manga na pang-teens talaga eh unfinish titles pa rin. Hindi na kasi ako nag-ddl ng mga manga/manhwa na hindi pa complete, kasi sayang sa free space sa laptop ko. Kawawa naman ang laptop ko nito!.. kaya wag nalang.
Kani-kanina ko lang natapos basahin yung manga na "Love Letter". Madami dami naman na akong natapos basahin na mga manga--- new titles. Pero ngaun nalang ulit ako ginanahan mag-comment at react sa mga binabasa ko. Gaya nito:

Dun sa bandang part na nagkita sina Yari at yung ex-bf nya na si Yuuki-- mejo I'm sympathizing for Yuuki. Bukod kasi sa ampogi nya--- ah! ambait bait nya kasi. Pure love ang love nya na yun for Yari. Naiiyak ako sa sobrang kabaitan nya. Nakipag-break up kasi sa kanya si Yari noon, just for the reason na hindi pa rin ni Yari nakaklimutan si Kemin. Damn her! bakit nya sinagot si Yuuki kung ganun?! User sya! Nainis kaya ako nun kay Yari! Parang ang perfect na kasi ni Yuuki eh, wala ka ng hahanapin pa kung bf ang paguusapan tapos ganun pa ang igaganti nya sa kanya. Nung nagkita nga silang dalawang muli, ambait bait pa rin sa kanya ni Yuuki--- nabanggit pa nga nya na pag-graduate daw nya ng HS, magn-nurse din daw sya. Mag-nnurse sya kasi na-inspired sya kay Yari. Dahil sa pag c-care ni Yari sa mga matatanda, n-realize ni Yuuki ang gusto nya sa buhay, ang pangrap nya. Gusto din nyang gawin ang makatulong sa iba, kaya napili nyang mag-nurse. Yung time na nagkita silang muli, yun din yung time na no contact sina Kemin at Yari, dahil gusto ipagpatuloy ni Yari ang pangrap nya, na hindi naman pinahintulutan ni Kemin. Si Yuuki, ang nagsilbing life saver ni Yari nung mga panahon na yun. Hindi nya pinabayaan si Yari kahit muntik na syang hindi maka-graduate, dahil sa retake exam na hindi nya pinasukan dahil mas inuna nya si Yari na nilalagnat nung mga oras na yun. Sinubukan pa nga ni Yuuki na makipagbalikan kay Yari, kasi nalulungkot din sya sa relasyon ni Yari sa bf nya. Pero, in the end, naging maiintindihin sya, hindi sya naging sagabal sa relasyon nina Kemin at Yari. Basta, andun lang sya para sumuporta. Sa totoo lang, mas gusto ko sana si Yuuki nalang eh. Naiinlove ako sa ipinakita nyang kabutihan sa kanya. Ambait bait nya sobra.
Labels: Love Letter, manga, NAIA, OJT
Sunday
LSS in my head
The Girl is Mine
by Super Junior
[Translation]
didn't i tell you to forget your empty dream, just give up on her
are you still living with an attachment, i don't understand you
since long ago, me and her talked on the phone all through the night
that's the kind of relationship we have
you not being able to acknowledge that is making me frustrated
i'm the only one
CHORUS
this is where it ends, you've done enough
i'll understand your tears when it's time for you to leave
now let's shake hands like men
b'coz she's gonna be in my embrace smiling
that lovable smile is mine
they say misunderstanding is freedom,
even if you don't want to acknowledge it, it's reality
why isn't it getting through to you, give up already
you don't understand our relationship is making me frustrated
i'm the only one
(CHORUS)
you can no longer have more
look over there at that beautiful girl
how can you not love her
the oerson that knows my burning heart
she's the only one
i know you want me right now
the man you want is me
(CHORUS)
credits: youtube + imeem
Labels: Super Junior
Research mode.
Labels: random
Saturday
Surprise! Surprise! Surprise!
Second, yung nabasa ko sa trash thread ng SJPhil. Nag-post kasi dun yung isang JCer--- tapos nag-reply ako sa kanya kung ano yun. Nabasa ko sa cbox na this JCer wants me to go ym daw. I did naman. Tapos kinuwento nya s'kin ang ginawa nya. PM nya kasi yung Head ng Sahoe, confessing something to them. I'm proud for what she did, for coming clean and all that. Tapos, kinuwento nya pa yun s'kin. I'm happy talaga. Sana tuluran din sya ng ibang members.^^
Third, out na MV ng SNSD na Kissing You. N-surpresa ako, kasi out na agad yung MV. Just recently, shino-shoot palang ang MV na yun eh. Well, hindi naman ako fan ng SNSD, dahil lang kay Donghae kaya heto, syempre kailangan alam ko ang mga bagay na toh, di ba?hehe. Hay.. ang cute ni Donghae ah! At naku naman! una, inggit lang ako kanila Donghae at Tiffany moments sa MV, yun pala, late reaction lang ako, kasi after awhile parang feeling nag-sselos na ako. Wah!!!! ang close close nila eh! At may akbay-akbay pa!huhuhu. Natatakot tuloy ako! Sana naman on cam lang yun ha!...XD
Labels: random, SJPhil, SNSD, Super Junior
Wednesday
Ah! kahapon pala nag-open ulit ang SJPhil! Down kasi ang forum for awhile kasi nag-maintainance mode kami. Inayos namin ang forum for 2008. Musta naman ang forum? Hmm it looks better than before. May improvement naman kahit pano. Galing ni Dan-Gerty! Although may naitulong naman ang mga staffs for our forum, sila pa ding dalawa ang pinakamaraming naitulong dun. Thanks sa lahat ng staffs!^^

Ui! n-watch nyo ba kanina yung balita sa 24 Oras at TV Patrol World? Mag-sshooting daw dito sina Eugene of S.E.S. at Lee Min Ki! As in dito sa Pinas! I don't know kung when mag-sstart, pero may title na yung movie nila-- "Feel So Good". Sabi sa balita, there will be scenes shot in Intramuros and Boracay. Ohhh!!! Intramuros ba kamo? Hay sana makita ko sila dun! Naku! sasadyain ko talaga sila kahit hindi nila ako fan.hehe.
Kaninang umaga, Pia texted me, na may nag-sshooting daw na mga koreans sa NAIA. N-curious tuloy ako kugn sino o sinu-sino sila. Baka kasi familiar me sa kanila. Pero, I wonder kung mga artista nga sila? Hindi kaya sina Eugene at Lee Min Ki na yun ha?
Labels: Eugene, Han Hyo Joo, Lee Min Ki, SJPhil
Tuesday
Naku! Save me! (Though I don't want to be saved.) Pano kasi, lumalakas na naman ang love power s'kin ni Kyuhyun eh. Hay.. last week pa toh! After kay Suh Do Young. Sabi nga kaninang madaling araw ng bro ko habang nanonood kami sa youtube ng mga Super Junior perfs, "Ah! Kaya pala! Parang kamukha nya kasi yung dun sa Spring Waltz eh." Hawig ba sina Kyuhyun at Suh Do Young? Nasabi yun ng bro ko kasi, wala na me ibang bukang bibig kundi "Kyuhyun! Kyuhyun! Kyuhyun!". Kaya habang nanonood kami, eh namukhaan na nya kung sino si Kyuhyun sa grupo. Tapos kilala na rin nya si Suh Do Young dahil kasama ko syang nanonood ng Spring Waltz sa dvd noon. Di ko lang alam kung bakit nya nasabi yun. Pero, I don't know, parang pagpinapanood ko kasi Spring Waltz sa ABS, parang nakikita ko din si Kyuhyun sa kanya eh, parang sa paningin ko bagay si Kyuhyun sa role ni Jae Ha. Ah! ewan!...basta Kyuhyun mode talaga ako ngaun! Nga pala, napanood nyo na ba perf ng Super Junior na "A Man In Love"?... Ay ewan! basta ako, ntturn-on sa kanya sa part nya na nagpapaikot-ikot ang hips nya. Damn! nh-hot-an ako sa kanya eh. Weird ko ba? Natatawa kasi ako na nakikilig sa kanya dun eh. Nakupo!
Labels: Cho Kyuhyun, fanfics, manga, manhwa, Suh Do Young, Super Junior
Friday
Labels: Suh Do Young
Wednesday



Name: Kim Jae Wook
Birth date : April 2, 1983
Birthplace : Seoul, Korea
Occupation: Model/Actor
Management : http://www.esteemmodels.co.kr/
University Education : Seoul Institute of the Arts
Height: 183 cm (a little over 6 Feet) but according to his company profile, hes 184
Waist : 30 inches
Shoe Size : 275 mm
Blood Type : B
Him modeling....




Kung yung drama naman ang pag-uusapan... Naku! siguradong recommended ko ang drama na yun para panoorin nyo! Ang ganda ng story, fun and entertaining. May mga scenes din naman na n-bored ako, pero ayos lang. Kakaiba din ang story, kasi bihira lang kasing magkaganung role ang mga babae sa kdrama eh. Honestly, I even almost fell inlove with Yoon Eun Hye there. Parang ang gwapong totoy nya kasi dun eh. Hindi masyadong obvious na babae sya. Sabi ko nga sa sarili ko, na kung hindi ko lang alam siguro na babae sya, eh mapepeke nya ako na lalaki sya. Sa totoo lang, mas gusto ko ang guy na Yoon Eun Hye kesa girl. Sorry ah, pero hindi kasi ganun k-appealing s'kin ang beauty nya eh, except nung naging parang lalaki sya sa drama. Um.. sino na nga ba yung lead actor dun? Ah! si Gong Yoo! Hindi ko sya type, pero mejo nagustuhan ko na din sya habang tumatagal, kasi nakikita ko si Kim Kibum ng Super Junior sa kanya. Hmm Hindi kaya, mag-look-alike yung dalawa? Parang habang nanonood tuloy ako nun, eh parang feeling ko si Kim Kibum ang pinapanood ko at hindi si Gong Yoo. Naisip ko lang, ganun ba talaga kahirap na malaman nya na babae si Eun Chan sa kwento? Parang ang exag kasi ng reaction nya eh. Kung ako kasi yun, hindi ko nalang dapat pinalaki pa yun, kasi mas ok nga na babae sya, atleast wala syang issue, di ba? Feeling ko lang ang arte arte nya! Tapos tong si Mr. Hong, ewww~~~ kadiri sya ah! Kung hindi lang mejo matibay ang sikmura ko sa kababuyan nya eh hindi na sana ako nakakain ng isang araw o sumusuka na ako nun. Si Jin Ha Rim naman, nabanas ako sa kanya nung ni-reveal nya na ang gender ni Eun Chan. Feeling ko kasi, naging wala syang kwentang kaibigan nung mga panahon na yun eh. Pero, gustung-gusto ko kapag tinatawag nyang "My Eun Chan" si Eun Chan, hanggang sa ending ng story. Tsaka, parang nakikita ko naman si Micky Yoochan ng DBSG sa kanya. Hay nako! natatangahan ako talaga kay Min Hyeop! Period. At yung, kapatid naman ni Eun Chan, ang sarap nyang sakalin! As for Sun Ki naman, wala naman akong masabi kundi, "ang serious mo men!"=x
Ngaun, Spring Waltz naman ang inaatupag ko. Actaully, last Saturday ko lang nabili yung dvd--- and it sucks! Kabanas! hindi ko napansin na nakakaloka pala ang subs ng dvd na nabili ko!---subs in chinese. At ito pa ang katangahan dun ah, sa title palang na nakasulat sa dvd eh nakakaloka na what more kung pinapanood mo na, di ba? Hay... hindi ko kasi napansin eh. Ayun, pinag-ttiyagaan ko nalang tuloy yun.




Name: 서도영 / Suh Do Young(Seo Do Yeong)
Profession: Actor
Date of birth: 1981 April 14
TV Series
Fact:
Seo was a promising model before he began his acting career, appearing in numerous runways for the Korea’s leading fashion designers as well as several foreign designer shows such as Gucci and Tommy Hilfigure.
During his years as a model, he has registered himself to an acting class to pursuit his ultimate goal, to be an actor.
After taking some supporting roles and appearing on TV commercials, he was casted - by everyone’s surprise - as a leading actor for the “Spring Waltz”, the fourth and final feature of the season-themed drama series by the director Yoon Sukho.
TV Series
Spring Waltz (KBS, 2006)
Sea God (KBS, 2005)
Dramacity - Oh! Sarah (KBS, 2005)
Real Documentary - Singles in Seoul 2: Metrosexual (OnStyle, 2004)
Pics from: yahoo, soompi & popcornfor2
info: cafe daum, popcornfor2, soompi & star.koreandrama
others: imeem & youtube
Labels: Coffee Prince, kdrama, Kim Jae Wook, Spring Waltz, Suh Do Young
Tuesday
Happy B-day Lee Sungmin!
Whoa! I'm almost late na! Buti nagawa ko pa din bumati kahit mejo malapit ng maging huli ang lahat. Hindi ko kasi nagawa kaninang madaling araw, dahil busy ako sa ibang bagay.hehe.
Oh ano? Happy naman ba ang simula ng taon nyo?.. kung oo, sana yung akin din.^^