W.E.L.C.O.M.E.

Thursday

EB!

Wah! I can't believe I'm doing this. I'll be posting my EB pics sa net!!! Shax! hindi ako sanay...

Pero buti nalang may nahanap pa ako. Puro EB pics na kasama lang ako ang kinuha ko. Bias ba? Tsaka kasi matagal naman na toh nangyari kaya yung akin nalang ang kinuha ko.

July 2, 2006: Wook, Teuk, Chul & My B-day Celebration



Me, Mareng Sheng, Lora & Edline


Me & Playmate Jhocel


Me, Playmate Jho, Kristine & Reszh

Natatandaan ko pa ang EB na toh! Hmm ito ata yung sort of "nanlibre" ako ng food kasi bday ko pati ng tatlo pang members ng suju. Yun ba yun? Ngek! painosente pa daw? Hehe yup! sort of nanlibre nga ako. I think ang binili ko nun eh KFC bucket meal tapos hehe alam nyo ba ang cake? Kakahiya...chocopie lang eh. Hmm bakit nga ba chocopie lang? Hindi ko na maisip kung bakit hindi nalang cake talaga ang binili ko nun. Ah! para ba maiba naman? Ah yun nga siguro yun kasi nung mga nakaraang EB puro nalang cake ang kinakain namin. Sort of I was inspired by Hyuk's b-day cake nya last year sa isang radio program na guests sila-- but I think sa youngstreet yun. Chocopie din kasi ang cake ni Hyuk dun, kaya naisip ko na i-try din yun sa b-day blow-out ko. For experience lang. But I'm not sure kung nagustuhan nila. Jusko! naumay kaya ako sa chocopie noh! Alam ko sila din. Simula nga nun hindi na ako mahilig sa chocopie eh. Mga 2 or 3 boxes din yun para kunyari isang box nire-represent nya yung isang celebrant. Tapos sa isang paper plate pinagpatung-patong namin yung chocopie. Hay salamat nalang kay ate Edcel kasi tinulungan nya ko iayos yun. Pati na din kay Edline na napakaasikaso. Pa-pyramid yung style ng pagkakapatung-patong ng mga chocopie. May candle din yun eh..sa pagkakatanda ko. Kulit nga eh, nasa tuktok yun ng pinaka-peak ng chocopie. Dapat nga ang plano kong candle eh yung nakasulat name nina Wook, Teuk at Chul kaso walang pedeng mapagpagawaan eh. Kaya yun yung ordinary b-day candle nalang ang ginamit. Ah! sa date ko din na toh nakita yung Jap Photobook ng DBSG courtesy of Kristine. Ampopogi nga nila eh. Hmm para s'kin sa mga na-release nila na photobook nung time na yun...yun na siguro ang pinakamaganda. Uber sa ka-gwapuhan si Jeje! Tapos si Junsu. Yun pa naman yung look ni Junsu na nanghihina ang tuhod ko sa kanya. Fave ko namang pics ni Micky dun yung naka-stripes sya. Basta ang wafu nya s'kin tingnan dun. Hmm as for Yunho at Changmin...wala akong comment. Ok lang naman sila. Naku po! kung sino pa ang pinaka-fave ko at ng playmate ko yun pa ang wala akong nai-comment noh? Ang bad kong talaga. =D

Jan ko din naging ka-close si Mareng Sheng! ^^ At simula nun naging mag-textmate na kami at mag-kumare at magkaibigan.

Ah! si Dan jan ko naman ata unang nakilala. Ambait nga nya kasi ginawaan nya kami ng letterings ng mga name ng suju. Salamat sa Ryeowook letterings ah. Hanggang ngaun nasa akin pa.

Playmate! yung suju pic na bigay mo din nasa akin pa. Salamat sayo. ^^

Pero sa totoo lang, ang pinakanagustuhan kong gift na natanggap ko nung araw na yun eh yung letter na binigay s'kin ni Edline. Self-confession, more than anything else 2nd best gift s'kin ang letter. Una ang attendance ng mga taong gusto kong makasama sa importanteng araw ng buhay ko. Pero since gift na 'natanggap' ang pinapagusapan dito kaya yung letter na ang the best for me. Kasi I love receiving letters. I love reading letters. And I'm really keeping them like gems. Ang nakakatuwa pa dun sa letter na binigay nya s'kin eh hindi lang sya simpleng nag-greet lang s'kin tapos tapos na. May mga sinulat pa syang iba. Nag-effort talaga sya. Hehe nakakatuwa talaga un. Feeling ko nga tumaba ang puso ko eh.hihi. Minsan paulit-ulit ko binabasa mga letters na natatanggap ko. Lalo na when I'm sad. It feels like it's lifting my spirit eh. Nakakatulong na maging masaya ako ulit. Kaya Edz thanks sa gift ah. Sobrang thank you talaga. T_____________T


----------------------------


Sept. 3, 2006: Ekah's B-day Celebration


Playmate Jho & Me


Playmate Jho & Me (again)

Weeee!!!! Masasabi ko sa date na toh? A taste of soju! wahahaha! Hmm sino na nga ba bumili ng soju nun? Ah! si mareng sheng ata. Kasama nya ulit dito si Lora hmm pamangkin nya (?) Yun! I forgot nga lang kung debut shot ko yun or not pero uminom kami ng soju sa real glass yung gaya sa mga korean novelas na napapanood natin. Bakit ganun hindi ko na-feel na hindi pala masarap ang soju dun pero nung bumili ako nun at ininom namin dito sa bahay eh sumuko ako sa lasa? Siguro may factor kasi na masyado akong masaya at hyper nung time na yun kaya hindi ko yun napansin. Naaalala ko pa na madaming Heechul pics na na-receive si ekah nun. Swerte! Hay nag-enjoy kaya sya nun? Natanong ko yun dati kasi parang feeling ko ang lungkot at ang tahimik nya eh. Siya ang nagbayad ng ni-noreabang namin! ^^ thanks ekah. Nag- enjoy ako. ^___________^*


-----------------------

My First at Platinum


Me, Playmate Jho, Shane & Dianne

Peace na tayo pero nalimutan ko na talaga ang okasyon kung bakit may EB tayo nito. Pero first time ko makapunta sa Platinum ah. Pano madalas kasi kami sa Mama Don't Tell eh. Tama ba yung sinabi ko? hehe. Hay ang weird talaga ng name ng noreabang na yun. Parang kala mo may something fishy sa loob ng venue eh. Wait! I'll scartch my head muna. =D Ah! masaya ang EB na toh! Ang alam ko kasi from Platinum eh naglakad kami papuntang Korean store na bilihan ng mga korean CDs, DVDs, posters, books etc. nila tapos umabot din kami sa paglalakad hanggang sa Mama Don't Tell na noreabang. Whew! Kakapagod.

Ito din pala yung mga days na naaappreciate ko na ang BigBang. Naaalala ko pa yung sinabi ni Shane na ang pinaka ayaw daw nya sa BigBang eh si sueng-ri. Pang last daw nya yun. Eh ako naman mega lift si seung-ri pataas nung napagusapan ang BigBang kasi maka-seung-ri na ako nun. Kaya tandang tanda ko comment na yun ni Shane eh.hehe. Pero hindi ako dun na-offend ah. Naalala ko lang. ^_^

Hmm ito na ata ang last official EB na pinuntahan ko. Simula nun, hindi na ako nakakasama mag-EB ulit. Pero hindi ko sure kung ito na nga yung last na in-attendan ko ah. Kasi may EB din akong sinamahan na dun ko naman unang na-meet si Donna. Ewan ko lang kung sino ang latest sa dalawa. Basta sa dalawang yun eh yun na ang naging last EB na pinuntahan ko.

-------------------------

Ah nga pala! Thanks kay Playmate Jho at Dianne sa mga pics. Galing sa kanila yan lahat. hehehe.
posted by rian at 5/17/2007 07:52:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home