W.E.L.C.O.M.E.

Wednesday

It's a miracle!

OMG! nagulat ako sa result ng exam ko sa comparative government namin! Pano ba naman, nakaka-hemorrhage ang critical thinking exam nya noh. Kabadong-kabado kaya ako nun. Tipong nung umpisa nung exam sa sobrang kaba eh wala akong maisagot. Hmm mga almost 1 hour din akong nagsayang ng oras wondering on my seat while the rest were answering furiously with their exam. Wala talaga akong maisip eh. Tipong ung mga naiisip ko sa utak ko eh naghahalo-halo na. Pano what if kasi kung mali ung mga pinagsususulat ko sa critical thinking eh di lagapak na ako nyan sa exam. Tsaka hindi sya katulad ng mga karaniwang exams or essays na basta sulat lang (sympre nag-iisp pa rin noh!). Dun kasi kelangan mo pang gumawa ng mga arguments--- premises and conclusions etc. Hay nawindang talaga ako. Si sir pa naman tipong hindi mo alam kung yung sagot mo eh tatanggapin nya. Isa pa, nung chineck nya ung group work ng critical thinking exercises namin eh puro kami mali. Kaya I never assumed na papasa pa ako dun--- but still hoping na may hope for me. Kelangan eh.

Kanina in-announce ni sir ang kondisyon ng exams namin sa kanya. Sabi nya ayon sa pagkakaintindi ko (absent-minded kasi!) wala daw pumasa sa exam nya sa klase except sa dalawang estudyanteng nakakuha ng 1.0. Tapos blah blah..may mga sinasabi pa syang hindi ko na naintindihan kasi since I'm assuming na isa na ako sa mga bumagsak eh kinakabahan na ako. Paano na? Tapos bigla nyang in-announce kung sino yung dalawang naka-flat 1 sa exam. Dandararaaannnn!!!! sabi nya si Bebs at si Rica daw. Shit! AKO YUN! O.O Pero di nga? no joke? Pero hindi un ang nasaisip ko nung mga time na un. Late reaction ako eh. Sabi ko nga absent-minded ako the whole time kanina. Nung sinabi na nya yung names ng mga naka-1 sa exam nya; ako naman iniinternalize ko pa kung tama nga ba ang narinig kong name na sinabi nya. Kasi my seatmates were starting to tease na rin eh at ako naman hanngang dun eh hindi pa rin makapaniwala. Tapos nagkatinginan kami ni sir tapos sinabi nya s'kin, "Ikaw si Rica Ann. Tama? Shef! buong name ko pa talaga ang sinabi ah. Ako naman napa-nod nalang. So yun inulit nya pa ulit na kami ngang dalawa ng classmate ko ang nakakuha ng uno. Tapos the rest-- bagsak na. Tipong insentives nalang sa subject nya ang pag-asa nila. Pero ui! may insentives grade pa din ako ah! sir! may insentives grade pa ako ah! ahihi. Dupang! =P... joke lang naman noh!


Sinagot lang ni sir kanina ung mga questions na binibigay namin sa index card. May isang tanong nga dun na nalimutan ko na kung ano yun na sinagot nya tapos bigla nyang hinirit ung mga naka-1 na parang gaya daw nung mga naka-100...genius...halimaw! Ako naman, "Huh? ano daw?" Hay yan tuloy! nagsimula na naman silang i-tease ako. Phew!


After class, nagbayad lang ako ng tuition ko. Tapos umuwi na rin kaagad. Init eh.
posted by rian at 5/16/2007 02:41:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home