W.E.L.C.O.M.E.

Saturday

I ended up a Rag Doll

Grabe naman ang araw na toh! Hindi pa ako natutulog simula kahapon ng gabi kakabasa lang ng mga readings ko. Chineck kasi ng prof. ko mga readings namin kanina. Kasalanan ko din naman kasi hindi ako nagbabasa unti-unti pag may sinasabi syang dapat basahin o kahit hindi na nya sabihin dapat continuous pa din dapat ang pagbabasa. Well, majority naman ng class eh hindi nagbabasa kaya may karamay! Shit! tama bang rason yun? =X

Ok..hindi nga ako natulog tapos pumasok ako sa first class ko. Ni hindi ako nag-sulat ng notes ko dun kasi I kept reading and highlighting my readings. Kabastusan ko din noh?hehe..

Vacant ako after ng first subject ko. Ayun! in-ask ko ung friend ko na tulungan ako sa mga readings ko. Nagpatulong ako mag-highlight at magbasa. Yun naman ang nangyari after nya kumain. Ako kasi wala ng time kumain dahil nagmamadali na akong matapos ang mga readings ko eh. Kaya nag-iced tea nalang ako. Ambait ng friend kong un! I want to hug her nga eh. Bukod pa kasi sa pagh-higlight nya eh ini-explain din nya s'kin ung binabasa nya. Ang galing! sa mga nasabi nya, naalala ko na tuloy ung mga in-explain ni sir about sa topic na un. In the end, hindi ko din natapos basahin ang lahat ng mga readings ko.

Exam pa pala namin ngaun sa subject na un ah. Pamatay talaga!..critical thinking ba naman ang exam?! O.O eh ano connect nun sa comparative government? tsk tsk tsk~~~

Hala! labu-labo na sagot ko sa exam. Makapasa kaya? Ni hindi ko pa nga tapos exam ko eh. Ambagal ko pa man din magsulat. Tsaka na-brain drained ata ang utak ko dun!

After class, may pre-planned bonding kami ng klase. Pupunta kami sa condo ng classmate ko para dun manood ng movie. Alam nyo ba ung pinanood namin? "Girl Next Door" lang naman. Hay heto na naman...ano na naman ang connect nun sa subject namin? weird di ba? Dun na din kami nag-dinner sa condo ng classmate ko. Tapos after watching the movie, ung iba kong classmates eh nag-swimming sa swimming pool ng condo. Me and some of my friends went to the place to have a look bago umuwi. Tapos un na nga..most of my classmates including me went home na after.

Dun sa lobby ng condo nagpicture-picture pa kami. Eww! kahit haggard na go pa rin. May dala kasing digicam ung isa naming classmate na lalake.

Jeep ang sinakyan namin pauwi. Libre pa nga nung ate namin na clasmate ang pamasahe eh. 4 kami na same ang way kasi ung iba pa naming classmate iba naman din ang way nila pag-uwi.

I finally got home. Kaso....pagdating ko mukhang may sumpong ang tita ko. Bakit kaya? Hindi ko alam.

Hay pagod na pagod talaga ako. Kaya natulog na ako kagad pag-uwi....

So obviously fake ung date ng entry na toh. Pero I put the date when this happened kaya ganun na nga nangyari. Ok?
posted by rian at 5/12/2007 09:48:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home