W.E.L.C.O.M.E.

Thursday

Hay sayang yun!

Shax nagulat naman ako kanila jenn at ate edcel na napansin ung entry ko about my grade. Wala lang....

Hay happy na sana ako kaso..may kaso talaga. Kasi sa comp. gov't namin kanina pinakita na ung midterm grade namin. Jusko! laking panghinayang ko nung nakita ko ang line-up ng mga grades ko sa papel! Pano ba naman kasi 2.50 lang ang midterm grade ko. Alam nyo ba kung bakit? Bagsak kasi ung recitation grade ko. Actually zero (0) dapat ang recitation ko pero ginawa nalang daw nyang 10. Kasalanan ko din naman, hindi kasi ako nagr-recite eh. Hay ang nakakapanghinayang dun exam, assigns, exercises, essays etc. lahat yun 100 ako...pero pagdating dun sa recitation ganun na nga nangyari. =C Ouch! ang laki ng impact ng recitation! Kainis!..40% ba naman eh. Pero ako binalewala ko lang. Eh hindi naman talaga ako nagr-recite ever eh. Kainis!

Nung tinawag ako ni Sir para tingnan ko na yung midterm grade ko, ang pang-welcome ba naman s'kin eh eto, "Alam mo [[magaling ka]] sana eh. Kaso kasi hindi ka nagr-recite. Hindi ka nagsasalita...sayang." tapos pinakita na nya s'kin grade ko. Sa recitation daw ako sumablay. Hay masaya na sana kaso tsk! may kulang. T^T Kahit sino naman siguro manghihinayang sa ganun di ba? Pero yung line na binold ko ang may tama s'kin. Whoa! watta compliment! Compliment na yun for me kasi galing yun sa isang iskolar ng UP Diliman, Harvard at isa pang prestigious school sa s'pore. Tapos baka future Oxford scholar din soon. Wow! Ang sarap namang pakinggan yun mula sa kanya. Parang feeling ko ang talino ko!...Hay basta ang sarap talaga sa pakiramdam.

Yan tuloy! I've decided na magrrecite na ako! Advise nya din yun s'kin kasi sayang naman daw ang grade ko eh. Omg! Challege yun s'kin noh.

Pero now I realize na marunong naman pala ako magisip. I mean kala ko kasi dati mababaw lang talaga ako magisip. Yung parang hindi matalino mag-isip. Ngayon sa hirap ng critical thinking exam at assignments namin na napasa ko with flying colors na-realize ko na marunong naman pala ako magisip. Bigla ko tuloy naalala yung sabi nung friend ko twing mejo naiiyak na ko sa mga subjects ko kasi nahihirapan na ko o sinasabi kong matalino sya. Sabi nya s'kin, "Matalino ka naman. Tamad ka lang mag-isip". Hmm siguro nga. Pano nasanay na din ako na may nagiisip for me na ako naman nag-aagree o disagree lang tapos reason. =p Ang parasite ko di ba? Aray naman!

Yung sa Research subject ko 2.75 naman ako dun. 80 lang kasi nakuha kong grade eh. Kainis yung midterm ko naman dun! 77% lang nakuha ko kahit na nasagot ko naman lahat ng tanong sa exam at yung mga sinagot ko eh galing naman sa mga ni-notes namin sa kanya. Ang mga tanong lang naman kasi sa exam nya eh what is ganito-ganyan. Kaya naman ang sinagot ko lang eh yung galing nalang sa notes ko na kinabisa ko. Ewan ko, hindi ko na naisip na mag-explain explain pa dun kasi wala namang nakalagay na kailangan pa. Sayang! tama na sana ako kaso hindi ko lang na-elaborate un my on thought yung binigay kong meaning. Sabi nga nung friend ko mali daw yun. Dapat i-elaborate ko daw para malaman ni Sir kung ano ang naintindihan ko sa sinulat ko. Na dapat kahit saan yun daw ang ginagawa kong sagot. Kasi minsan hindi ako ganun eh. Tmad nga kasi ako magsulat. Tamad din ako sa mga mahahabang sagot. Kaya yun. Pero yung ibang grades ko naman kay Sir ok naman 80+ lahat. Yun lang ang sumablay. Pero gulat nga ako sa grade ko sa recitation eh kasi 84 ang grade ko dun. Eh gaya nga ng sabi ko, hindi naman ako nagrrecite. Siguro kasi my incentive pagpumapasok ka sa subject nya. Kaya siguro ako naka-84.

All in all, maganda ang performance ng mga grades ko ngaung summer. Masaya na ako dun! ^^ Dapat ko nalang i-maintain.
posted by rian at 5/17/2007 04:33:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home