W.E.L.C.O.M.E.

Monday

Reyna Ng Sablay

After ng Spanish exam ko kanina, I went to the PAL office sa Makati. I'm going to apply for OJT there eh. Grabe! Ang gastos ng buong maghapon ko ah--- naka halos 600 php ako! Yung mga taxi kasi na nasasakyan ko eh mga tipong shushunga-shunga. Hindi nila ganun ka-kabisado kung saan banda yung PAL office na sinasabi ko. Eh pano ba naman! Ang epal nung building ng PAL office na yun noh! Yung office kasi nasa loob ng isang building dun. Damn! wala man lang nakasulat dun na palatandaan na may PAL office o kung ano pa man dun! Bwiset! Tapos sabi Ricogen Building, eh jusko naman noh! ni wala man lang nakasulat sa building na Ricogen! Ang nakalagay lang eh Allied Bank! Tamo! Oh hindi ba kung first time mo dun pumunta eh talaga namang maguguluhan ka at hindi mo yun agad makikita?! Yan tuloy, sa kakahanap eh pumapatak ang metro ng taxi na sinasakyan ko.

Tapos, pagdating ko dun... NGEEK! close ang office nila for application today. Orientation daw kasi pag-Monday eh. Pang-asar yun noh! Every Monday pala eh orientatrion ng mga applicants doon, kaya dapat any day except that day ka dun pumunta kung mag-aapply ka. Nalaman ko lang yun nung pagbalik ko sa school at nakita ko yung mga former classmates ko na nago-OJT na dun at sinabi yun s'kin. Naku naman! Nag-ayos pa naman ako para dun! Parang hindi nga ako ang "ako" kanina dahil sa make-up at suot ko! Hay...

Eto pa! Umaga palang, eh naku naman! na-murder na agad ang mga paa ko! Aray ang sakit sakit na talaga ng mga paa ko. Sumakit sa mga sugat at sa paglalakad. Epal talaga pag bago ang sapatos! Huhuhu... kawawa naman ang mga paa ko! Tsk! mababasted ako nito kay Kangin eh. Ofcourse! nagjo-JOKE lang ako noh! Hay... yan tuloy, puro band aid na ang mga paa ko. TT TT TT

Truly, REYNA NGA AKO NG SABLAY today.

posted by rian at 7/23/2007 09:52:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home