W.E.L.C.O.M.E.

Sunday

Phew! Nakakapagod ang buong araw ko sa NAIA! Pero ok lang kasi naging masaya naman ako. Hay... ayoko talaga na nakatunganga lang dun pag walang ginagawa kaya nagtatanong talaga ako ng magagawa doon. Siguro kasi bukod pa dun, eh nasanay na din ako maging ganun nung nasa Senate pa ako. Ang saya lang kanina kasi, madami me na-encode na mga immigration cards ng mga Filipino passengers doon. Ang sarap mag-encode!--- kesa gawin yung mga clerical work. Gustung-gusto ko ding palakad-lakad sa airport! Wala lang... ang sarap lang ng pakiramdam--- ang strict kasi dun, and since my ID kami eh ok lang magpalibut-libot kami doon---syempre naman! hindi din para maglaro noh! Basta, the feeling lang na nakakalakad-lakad ka dun anytime ang nagpapasaya din s'kin. Ang daming foreigners! Nakakatuwa sila tingnan!^^ Tapos kanina, nag-assist kami sa mga dumadating from I don't know where--- pero sa mga Filipino lang. Ina-assist namin sila sa mga immigration cards nila. Kaso yung iba parang ang susungit, hindi naman namin sila inaano. OK fine! kung alam na nila ang gagawin, basta wag lang silang feeling nagmamalaki or nagmamataas noh! Sino ba sila?! Nakatungtong lang sila gn ibang bansa eh kung amgaaasta na sila ganun-ganun nalang! Well, wala pa namang malalalang pangyayari s'kin, kaso mejo naiinis lang ako sa mga masusungit na mga babae dun!hehe. Hmmm.. Mejo madami-dami na din akong alam sa immigration's office. Mejo nag-impprove na din ang speed ng pag-ttype ko ng mga immigration cards kanina kesa noon. Mas nadagdagan na din ang mga nakilala ko duong mga staffs and officers.

Alam nio ba, minsan naiilang ako kay Max. Pero as in minsan lang ah. Nakakatuwa lang kasi syang kasama (lalo na pagkasama ko talaga), kasi parang ang responsible nya at matalino. Wala lang... nakakatuwa lang sya. Parang... aish! basta! hindi ko din ma-explain eh! Wag na nga lang!

Nga pala! Nagpaalam na ako sa Senate nung Wednesday pa! Nasabi ko na yun dito? OK na ang lahat. Officially sa NAIA nalang me nag-ttraining. Ewan ko, pero sabi ni Ms. Rachel bibigyan pa din daw nya me ng certificate for my training there eh--- kaso hindi ko pa natatanggap. Hay... lately, nami-miss ko ang pag-aattend ng mga committee hearings at seesion duon! At never ng matutupad ang "grant me" kong makakuha ng pics with Migz Zubiri at Chiz Escudero. T^T

Hay.. so frustrating! Ilang beses ko na kasing dina-download yung tatlong new perfs ng suju, kaso hindi ko m-dl-dl, kagabi ko pa yun ginagawa. I guess, hindi na din kasi kaya ng laptop ko, ako naman nagpupumilit lang. Tsk! m-dl ko pa kaya yun? Huhuhu............=C

Labels: , ,

posted by rian at 9/30/2007 12:28:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home