W.E.L.C.O.M.E.
Sunday
Kani-kanina pinapanood ko ang movie ng SUJU sa youtube. May link sa SJPhil kaya ko yun napanood kanina. Sabi meron na daw din nun sa crunchyroll, three parts lang, ang dami kasing parts nung movie sa youtube eh. Thanks kay earthfairy sa pagl-link nun doon (Hay.. nalimutan ko na name nia! =C) Eek! Hindi naman pala "Flower Boys: Series of Terror of Incidents" ang title nung movie eh. "Attack of the Pin-up Boys" pala yun. Hay.. ano ba yun?! Ang gulo! Today ko lang nasigurado, yun din kasi ang sabi s'kin ni Ate Edcel nung nagkausap kami kagabi sa phone. Anyway, hindi ko pa tapos panoorin yung movie. Bukod kasi sa pagpapanood ko nun eh nagbabasa din ako ng manga. Sa wakas! natapos ka na din basahin ang mangang binabasa ko!--- Dear Mine. Mejo tagal ko na ding binabasa yun eh. Hmm mga lampas one week na ata--- hindi ko lang natatapos basahin hanggang kanina lang. Ngaun, nag-sstart na me basahin yung Anne Freaks na manga naman. Mejo weird ang manga na yun, kasi psychological at may killing killing pang kasama.
Tomorrow mag-rreport na me sa NAIA for my intern there. Kaso up until now hindi pa ako sure kung mag-rresign na ba me sa Senate. Nasabi ko na bang ayoko ding umalis pa duon? Sayang din kasi ang mga matutunan ko dun. Feeling ko pag-andun ka mas magiging matalino ka pa!hehehe. Lame reason? Nah! Actually it feels good to be around people who are knowledgeable, right? Furthermore, You'll get to be more updated of the issues that are happening everyday in the country. That's why I still wanted to stay there. Pero kung hindi nga me pahihintulutan, then its decided na na ang NAIA ang pipiliin ko.
OK! nalimutan ko ng i-update nag blog ko tungkol sa SUJU! Ni halos alam na ng lahat kung sino si "Violin Boy" pero ako ni hindi ko man lang nai-share dito. So yung "violin boy"--- ay si Henry. Hmm kung tama ang pagkakabasa ko, kung saan ko man yun nabasa eh nakalimutan ko na; ang pagkakaalam ko ay 14 years old lang sya. OMFG! yung itsurang yun 14?! UWAH!!! AMBATA! Not good for me! TT Sayang tlaga! TT TT TT Tsaka featuring lang pala sya para sa Don Don't single ng Suju eh. Pero sa totoo lang, kung sya man ang 14th member na rumoured noon, AYOS LANG! Wala na akong irereklamo pa! Tanggap na sya!hahaha!
Henry "VIOLIN BOY" Info.
Last night, I tried searching for more Henry sa Naver, kaso ayan lang ang nakuha ko eh. Katiting lang tapos, in korean pa! =C Hmm hindi ako marunong umintindi ng korean eh! Ano ba ang real name nya?!
CHOI SIWON
CHOI SIWON
Musta naman?! Hanggang ngaun, eh nag-ccrave pa din ako sa kanya! Grabe sya eh! Kasalanan nya toh! Pacencia na kayung mga maka-siwon ah. Wag kau magagalit s'kin.=p
Ngaun ko nalang nai-post tong 5 remaining member's teaser pics sa blog ko! Walang time mag-post nung mga nakaraang araw eh. Pero bago pa nila m-released yung album nila, nakita ko na din ang mga teaser pics na yan sa official site nila. Unang-una pa nga duong pinakita si Ryeowook eh. Ofcourse naman! masaya ako dun di ba? *^ ^* Pero much more simplier ang mga pics nila kumpara sa mga nauna. Nagulat ako nung nakita ko si Kibum! Feeling ko kasi he doesn't belong! Iba kasi yung damit nia eh. Tapos natawa naman ako nung nakita ko si Kyuhyun-- natawa kasi me bigla sa necklace nya. Para kasing sa aso. Ok fine stop me na! >..<
Ui! I'm currently watching KC: From Paris to Pinas! Ang ganda-ganda nya talaga! Tapos mukhang ambait bait pa! I love her! ^ ^
Ui! I'm currently watching KC: From Paris to Pinas! Ang ganda-ganda nya talaga! Tapos mukhang ambait bait pa! I love her! ^ ^
posted by rian at 9/23/2007 09:37:00 PM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home