W.E.L.C.O.M.E.

Tuesday

Adventure!

Ang saya ng araw ko! Ngaun lang ako n-satisfied ng ganto sa pag-aaral ko sa school kasama ang mga classmates-friends ko! Like kanina, nagpunta kami sa Shangri-la Makati. Um-attend kami ng Philippines-Switzerland Business Forum. Kanina, bad mood na bad mood na ako, kasi I'm scared and worried na na baka ma-late na kami sa event na pupuntahan namin, habang hinihintay yung car namin na dumating. Late na din ako sa usapan namin ni Maechelle eh. Hiya tuloy ako sa kanya. Pero buti nalang hindi pa kami late. Halos kasabayan nga lang naming dumating si Mila eh. Tapos si Max andun na, nakatayo sa labas nung venue. Apat lang kaming Lycean dun! Ang dami ngang Swiss dun eh. Maliit lang yung venue tapos konti lang yung mga andun. Grabe! ang haba speech ng mga Filipino! Kaka-bored sila pwamiz! Buti pa yung mga Swizz, mejo maikli lang pero andun na yung content ng gusto nilang sabihin. After nung event nagpunta kami ng rest room, tapos nagpicture-picture-an kami. Remembrance kung baga. Hindi nga lang nakasama si Max kasi, syempre kinunan namin yung pics sa loob ng restroom ng mga babae, ryt? Sayang!



After namin sa Shang, dumiretso na kami sa Glorietta para mag-lunch. Sa Chowking kami kumain. Yun ang napili nila kasi wala daw nun sa Intramuros.haha! Mga lokong yun! Ang kukulit nila! Ang saya nga eh! Masarap sila kasama! ^_^ Ngaun ko lang kasi sila ng kasama ng ganun. Sana masundan pa yun!

MRT-LRT lang kami pagpunta sa school. Hay.. pawis na pawis nga ako eh. Jinabar tuloy ang aking liki-liki.hahaha! Kahiya! xp

Hay... grabe! sobrang late ng binigay s'kin ni Pia ang b-day gift nya ah! Kanina nya lang kasi yun binigay s'kin. Pero ika nga nila, "Better late than never". Happy ako sa gift nya! Cook book ng mga desserts! Hehe! Hindi nio lang kasi naitatanong mahilig ako sa mga cook books na ganun eh. Kaya perfect ang gift nya for me! Wow! come to think of it, madami-dami din pala me na-received na gifts na gustung-gusto ko! Nakakatuwa naman! Ang sasarap talaga nilang mga kaibigan noh? ^^ Thanks, Pia!

Kanina din, nai-kwento nina Pia at RJ s'kin yung tungkol sa pagku-kwento ni RJ sa grupo nila Des tungkol sa pag-ttraydor ng isa naming k-grupmate sa debate. Sinasabi kasi nung k-grupmate na yun namin yung mga inihahanda naming pang-debate sa kalaban naming grupo eh. Yun nga daw, parang mejo badtrip din pala daw ang grupo nina Des sa sa kalaban naming grupo. Well, hindi lang yun dahil sa nalaman nila ang pangdarayang technique na yun nila s'min, pero kasi, before pa nun eh may something not good na talaga sa dalawang grupo na nangyayari. Hay.. wala naman akong say sa kung ano mang nangyayaring gulo sa classroom. Nalalaman ko lang ang mga yun, dahil sa mga kwento nila. Basta ang concern ko lang eh, talaga namang madaya yung ginawa nila s'min! Parang kawawa ang grupo namin sa actual debate kasi dehadong dehado na kami dahil napaghandaan na nila ang aming mga iaatake! Tsk! =c

Pacencia na ah, sa mga naka-EB ko last time. Kasi ngaun ko lang nai-transfer yung mga pics natin nung araw na yun. Alam nio, hiya ako snio, kasi hindi maganda ang quality ng mga pics natin dun. Kung alam ko lang na magpi-picture-an tau ed sana, chinarge ko ng maayos ang fon ko. Halos lampas kalahati na din kasi ang battery ng fon ko nun eh, kaya hindi na maganda ang quality ng mga pics natin. Sorry ah. >.<



Kanina ka-txt ko si playmate Jho! Pinapag-usapan namin ang bago naming playmate na si Taeyang!hahaha! Kainis! masyado na nya akong naunahan sa kanya!huhu! Hay.. may natira pa kaya sya para s'kin? ahihihi~ Tinxt ko sya kasi hindi ko na mapigilan ang pagkahumaling ko na kay Taeyang eh. Ewan ko ba?! Basta! gustung-gusto ko na sya ngaun!

I drunk my anti-allergy medicine again. Kaya ngaun, feeling antok na antok na naman ako! Ngaun pa! ang dami kong k-ym! Kausap ko din si Pia para pag-usapan yung mga dapat pang ir-research para sa debate namin sa Thursday, kaso mukhang hindi ko na kakayaning maka-survive pa eh. Sori Pia! TT

Tsk! Hindi na din ako matapos tapos basahin ang mga manga na binabasa ko! Palagi nalang may interruption, tapos kinabukasan may times na tatamarin na akong i-continue! Hay.. yan na nga ba sinasabi ko eh!
posted by rian at 9/18/2007 11:32:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home