W.E.L.C.O.M.E.

Tuesday

Ay juskopo! Literal na mababaliw ako sa binasa kong manga ngaun-ngaun lang! Nakaka-OGAG kasi! Hay naku po! Kala ko pa naman heart-warming yung story ng "Children Can't Choose Their Parents" eh naku naman! Parang halos walang kwenta eh. Ang ganda ganda pa man din nung title. 8 pages lang yung manga actually. At yun na ang pinaka-maikling manga na nabasa ko! Ang mga characters dun? Si Darren/Mika, yung friend ni Darren/Mika at si Fabianne, yung manok. Ano ang story? Well, ito lang naman si Darren ay may "relasyon" sa isang manok. Oh di ba? That situation itself eh nakaka-ogag na? Tapos nung manganganak na si Fabianne nagre-react pa sya kung nababaliw na ba daw sya. Hay.. ang tanga nya! Obvious ba?! Tama ba naman makipag-relasyon sa isang manok?! Tapos not only that, he's making love with that chicken Fabianne pa ah. Kaya nga yun, nung nabuntis yung manok, ina-assume nya na baby nilang dalawa yun. Ngik! Pwede ba yun? Hindi nga? Tapos ayun, yung friend ni Darren, nakiki-ride on nalang sa kabaliwan nya, na kahit mismo sya eh nawiwirduhan sa kaibigan nya. Anyway, in the end, yung egg na lumabas kay Fabianne eh napisat, nabagsakan kasi ng libro, kaya yun, wala na din yung chick, hindi na din nabuhay pa. Moral story? Hmm I think meron naman siguro, kaso hindi ko lang maisip ngaun, kasi nili-literal ko ang mga pangyayari. Pag-iisipan ko muna, tsaka sasangguniin ko din yung friend ko after ko tong mai-kwento sa kanya bukas.
posted by rian at 9/11/2007 01:48:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home