W.E.L.C.O.M.E.

Wednesday

SUJU UPDATE!


Ui! official release na ng album nila sa KOREA!


Ofcourse! Bukod sa pagpapanood ng BigBang all day, eh inaasikaso ko pa din ang pinaka-love kong mga boys--- Super Junior.

Kagabi nakita ko na yung additonal preview individual pics nung another apat na members. This time sina Sungmin, Yehsung, Shindong at Eeteuk naman ang pinapakita ngaun!



Parang hindi si Sungmin di ba?! Parang nawala kasi yung bahid ng femininity nya eh. Okay sa buhok ah! yung gitna mejo mahaba at yung gilid halos naka-seme-kal. Ibang-iba talaga noh? Hindi ko naisip na magakakapag-transform sya ng ganyan talaga. Nakakatakot ba syang tingnan ha? Hmm bakit ako hindi natatakot?hehehe. Para s'kin sa apat na pics nila na yun eh mas mag-aagree pa ako na si Yehsung ang nakakatakot! Ang black na black kasi ng theme nia eh. But actually, like ko ang dating ni Yehsung ah! Parang ang masculine na talaga ng dating nya s'kin. At parang sa new album nila eh maglaladlad na talaga! Parang sa pic nya kasi na yan, parang sinasabi na nya na "no more p-conservative effect now!" teehee~ Buti pa sya walang kakaibang style na ginawa sa buhok nya. Halos lahat kasi mala-ET ang dating ng mga buhok eh. Wala naman akong mai-ccomment kay Shindong. Mukhang parang wala namang nagbago. Parang yung pagkaka-uka-uka ng hair nya eh walang dating s'kin na kakaiba. Pero, hindi kaya pumayat sya jan? Parang eh. At when it comes to Eeteuk? Well, anong masasabi nyo sa hair nya? Hay.. musta naman?! Hindi ko m-gets kung anong gusto nyang palabasin! Ah! sa pagkakaalam ko, sya yung napapabalitang 3-coloured hair daw sa kanila di ba? So far, mukhang all blonde naman sya. Pero hindi ko pa din masasabi yan, kasi nakatagilid eh. Malay mo naa kabilang side yung another colors, di ba?




This time ata its SUJU's turn na para maging on the cover ng "S" Mag. Nakita ko yan kanina, n-curious kasi ako sa mga new look nung ibang mga members eh. Lalo na kay Ryeowook! Kaya yun!.. Kaso yan lang nakita ko eh. Parang somehow napipicture ko na rin ang itsura ni Ryeowook dahil sa pic na yan. Sya yung katabi ni Sungmin sa right eh.

Kani-kanina nakita ko na rin yung the rest of the member's indiv pics! Unang una nga dun si Ryeowook eh. Hindi ko palang maippostn ngaun yung pic kasi tinatamad pa ako. Masasabi ko? Si Ryeowook naka-hoodie sya dun. Tinadtad lang naman ng mga bracelets ang kanyang kanang braso. So far, wala naman yung sinasabi ng mga tao na bigote nya. Pero mukhang maikli na ang hair nya eh. Mas guy-ish ang haircut nya ngaun (i think). Si Kibum, musta naman?! He looks like he doesn't belong there! Naiba ang damit nya dun eh. Si Kyuhyun naman unang pakita ng pic nya eh natawa ako! Ang stand-out ng necklace nya dun eh. Para syang aso sa necklace nya. At blonde na din ang buhok nya ah. Si Donghae naka-cap. Pero parang totoo nga yung sinasabi nila sa buhok nya ngaun. Si Eunhyuk, maikli ang hair nya dun, pero sa ibang pic, mahaba ang hair nya. Like sa grup pic nila jan sa "S" mag.

Through Sakuya, nailink nya me sa bestiz preview ng mga tracks ng album ng Suju. Tanong ko lang, "Album ba ni Ryeowook o ng KRY o ng SUJU yon?" hahaha!!! Parang puros si Ryeowook na naman kasi ang naririnig kong kumakanta eh. Hmm madalas o palagi naman di ba? Assessment ko sa album nila? WOW! ANG GAGANDA NG MGA PICS NILA AH!hehehe. Ayoko lang maging bias, pero, pili lang yung mga tracks na nagustuhan ko eh. At dun sa piling tracks na yun eh mas lalong pili pa dun yung tracks na tagos sa puso ko nung pinapakinggan ko. Pero magkaganun man, ano pa nga ba?! No matter what, I AM ALWAYS WITH THEM naman eh! But I pray na kumita ang album nila sa market.

SUPER JUNIOR FIGHTING!

Pics from: sjbluecn
posted by rian at 9/19/2007 11:48:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home