W.E.L.C.O.M.E.

Wednesday

Ui! sa NAIA na ako nag-ttraining! Actually sa NAIA Immigration's Office Terminal 2 ako naka-assign/ nag-ttraining. Nung Monday pa ako nag-start! Akala nga namin mag-rreport lang kami dun tapos i-isked muna kung kelan kami properly papasok dun eh, kaso yung day na din pala na yun, eh dun na din kami nag-start ng training. So kamusta naman ang 1st day ko dun? WOW! As in WOW TALAGA! Ang sarap ng feeling compare sa Senate! Ang daming magagandang view.he3! Alam nio na ba kung ano ang tinutukoy kong view? Hehe~~~ Yung mga OPPA! AT IBA PANG MGA CUTE GUYS DUN! Damn! Siksik liglig umaapaw talaga! Ang sarap tumambay nalang sa airport, lalo na pag-tanghali! Yun kasi ang peak hours dun eh, dun kasi talaga madaming arrivals sa airport. Hay.. dun ko na kaya makita ang destiny ko? ASA! Awww! Naalala ko tuloy ang term na "destiny" na yan dahil sa classmate kong si Akit! Um... ok naman me sa pamasahe, pero talo ako sa pagkain! ANG MAHAL NG MGA FUD DUN! Parang ano ba yung mga pagkain nila!---GINTO?! O_________O Hay ewan! Yan tuloy hindi me nakakain ng rice, kasi hindi ako nakapagbaon ng malaki. Nagutom nga ako eh. Tsk! Malay ko ba naman kasing saksakan ng mahal dun noh!

Mamaya papasok me ulit sa NAIA, pero dadaan muna me sa Senate para magpaalam. Mahirap daw kasing pagsabayin kung dadalawahin ko ang OJT ko eh. Kaya nag-decide nalang me na sa NAIA nalang ako talaga. Although nanghihinayang me kasi nga sayang ang knowledge at privilege mo na makita ang mga respectable and intelligent people doon (Senate). Kaso hindi ko talaga kaya ang sched dun eh. Hindi ako matatapos hanggang sa due date ng training ko, kung hindi ako magm-move-on. Besides, nasabi ko naman na nung una palang ang NAIA ang 1st choice ko.

Hay kinakabahan ako! Hmm pano kaya ako magpapaalam dun? Pero kung sa bagay wala namang manghihinayang pag-umalis me dun kasi lulubog-lilitaw lang naman ako sa office eh.hehe.

Nga pala, simula kagabi into manhwa ako! Ano yun? Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang manhwa= korean comics at ang manga= japanese comics. Ok na? ^ ^ Isa palang na manhwa ang tapos ko ng basahin. Tapos may dalawa pa me manhwang binabasa ngaun. Baka mamayang gabi matapos ko na. [MANGA VS MANHWA] Actually, nakakapanibago pagnasanay ka na magbasa ng manga, tapos magbabasa ka now ng manhwa. Yung english ng manhwa at manga eh may magkaibang tone, mas casual ang sa manhwa--- ghetto. OK naman ang english nila, pero mejo complicated ang pagkaka-construct ng sentence. Ganun naman talaga sila eh. Drawing wise, mas maganda pa din ang manga, pero when you get used to reading manhwa gaganda na din sau ang drawing nila. When it comes to the story naman, mas maganda pa din for me ang manga. Mas malalim pa kasi ang pagkakagawa ng story pag sa manga tsaka mas may spunk kesa sa manhwa. So far, sa mga binabasa ko, bihira lang ang mga kilig moments dun at minsan mejo parang ang hirap pa i-figure-out ang mga mangyayari sa kwento. So far yun palang ang napapansin kong difference nila.

WHAT I'LL BE DOING LATER:
(1) Hang-out at SJPhil.
(2) Read manhwa: Pretty & Model.
(3) Send the "Desire" manga to Ate Eds.
(4) Fix my laptop.
(5) Post an entry about Henry Lau.

Labels: , ,

posted by rian at 9/26/2007 10:19:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home