W.E.L.C.O.M.E.

Wednesday

New Everything!

Phew! Sa wakas natapos din! Iniba ko na ang skin ng blog ko! Hmm konting changes and adjustments lang naman ang ginawa ko. Like, iniba ko na ang bg music ko; nagdadag na me ng mga labels sa mga posts ko; tinanggal ko na yung quiz, clock, intro ko noon; nag-iba na din ang cbox ko. Ano pa ba? Nakakaloko di ba? Tama ba namang at a time like this na Finals namin eh ginagaw ako ito? Baliw talaga ako noh? Ewan ko nga ba, kung bakit bigla akong nag-decide magpalit ulit ng skin eh. Napag-tripan ko lang. Tsaka wala naman me pasok today. Kaya pagnatulog na ako, eh malamang hapon na ang gising ko, tapos baka magsimula na ulit me mag-aral. Hay... ang sama ng in-exam ko kahapon eh. Tsk! hindi naman kasi me nag-aral. Yan tuloy! Sobrang mega cross fingers me na makapasa sana. Hindi nga din me nakapag-exam sa Int'l Law ko eh. Hindi na me naglakas-loob pumasok, kasi alam ko namang wala me maisasagot. To think adik pa magpa-exam ang Prof namin na yun noh! Di bale, makakapag-exam pa naman me sa kanya. Nakausap ko sya kanina tungkol dun, at i-ttake ko ang exam na yun sa 19 at 2:oopm. Tsk! Kelangan ko yung galingan! Peste din kasi tong allergy ko eh...sya ang may kagagawan kung bakit nasabutahe ang araw ng pag-eexam ko! Grrrr!!!!

Bukod sa busy me kani-kanina sa pagd-dl ng mga bagong songs sa limewire para sa MP4 ko at pag-aayos ng blog ko, eh nagbabasa din me ng manga. Ang adik ko noh? Salamat! Tanggap ko! ^^ Ui nag-ssurf din me nun sa net ah. Yun nga lang, wala me naging time bumisita sa SJPhil. Hinahanap ko din kasi kanina yung song na The Last Days by Hourglass. Hay.. buti nalang nakita ko na din sa wakas! Matagal ko na kasi yung hinahanap eh. Buti nakita ko din sa imeem, kaya yun, yun na nag ginamit kong bg music ngaun. Wala pa me n-ddl na song nun, pero hindi me susuko na hanapin ang song na yun. Dapat magkaron me ng copy nun sa MP4 ko!

Into Absolute Boyfriend talaga ako ngaun! Hindi pa ako tapos basahin yun kasi multi-tasking ang lola nyo. Hindi ko yun matutukan ng maige. Pero I'll try my best na matapos ko yun this week. Hay... ampogi talaga ni Night! Tapos si Soushi wish ko lang tanggalin na nya forever ang salamin nya! Mas pogi sya pag walang salamin eh. Aba! ang salbahe nung Mika na yun?! ARGH! Ito namang si Riiko, ewan ko kung mababanas ako sa kanya! Dati nung wala pa si Night, atat na atat syang magka-BF tapos ngaung anjan na sa harap nya at willing na gawin ang lahat para sa kanya, heto namang syang nagiinarte!Hmf! Shax! sino kaya makakatuluyan nya sa huli noh? Si Soushi kaya o si Night? Kaso si Night ay isang figure lang--- hindi sya tao, pero he's so perfect. Hmm hindi kaya kay Soushi sya mapunta? Perfect din naman si Soushi eh, kaso may improved version nga lang si Night. Hmm hindi ko alam! Kahit ako hindi ko din masabi eh. Malalaman ko lang yun pagtapos ko na yun basahin.


RANDOM-NESS:..
...Um hindi ko n-gets ang sinabi na yun ni Playmate Jho! Pano ko kaya mai-ccharge ang MP4 ko sa PC? Ay nga pala playmate! Laptop ang gamit ko! Pede kaya yun?

...Shax! umiiyak daw si Henry ngaun, sabi ni Ken! Kainis! gusto ko pa man din syang replyan kung bakit, kaso naubusan na naman ako ng load! ARGH! Ang malas malas talaga ng araw na ito!---yung kahapon ang ibig kong sabihin. Tsk! malamang pinag-ttripan na naman ang newbie na si Henry ng mga walang kwentang ELF na yan! Grrrr!!!!! Oooops! ang harsh naman nun! Sorry. Hmm basta malamang mga antis na naman ang mga yun! Grabe! bakit ba hindi nalang sila mamatay!=x

...7am na! At gising pa ako! ABA! ABA! ABA! Lumalabas na pinaglamayan ako ang blog at friendster ko! TSK3!!! Magaling! Magaling! Magaling! (ala neozep cf). Yup! pati friendster ko in-update ko na din ngaun! ^^ Hayop! Nagmamasipag ako ngaun! Akalain nyo yun?

...Before mag-8am in-alphabetize ko naman na yung mga manga ko!... at hindi pa me nautulog hanggang ngaun.

Labels: , , , , , , , , ,

posted by rian at 10/10/2007 04:04:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home