W.E.L.C.O.M.E.

Thursday

Ok fine! Hindi na naman ako nakapag-final exam sa isa kong subject! Abnormal kasi ako eh. Pero nag-txt s'kin yung friend/classmate ko na sa Sat 1pm daw ang complition exam ko dun. Whew! I'm still saved!^^ Pero hay..since dalawa na ang sched ng compliton exams ko sa magkaibang date at need ko pa ding mag-aral para sa mga exams ko pa next week; shax! kelangan ko na talagang magtino! Grabe! Save me! Sobrang naadik na ako magbasa ng mga manga! Halos pinaglalamayan ko na yun lately eh. Tyempong finals na tapos yun pa ang ginagawa ko! Hunghang talaga!

Sa buong gabi kong pagbabasa ng mga manga; 3 manga lang ang nagustuhan ko! una yung, After School; Nakakatuwa yung kwento kasi, tong guy na si Kuwatori, kala mo tahimik na walang pakialam, eh yun pala eh napaka-romantic! Pano kasi, si Sarara nagconfess ng love for him, kaya sila naging mag-bf/gf. Pero tong si Kuwatori, napakatahimik at straight-forward, to the point na parang hindi talaga sila mag-on kung titingnan. Kasi they never got to be intimate to each other--- parang wala lang. Madalas si Sarara lang nagoopen ng topic, tapos tamang bara naman tong si Kuwatori, yan tuloy! parang feeling sad naman tong si babae. Kasi din tong si Kuwatori, parang tuod eh. Nagkaron lang ng development ang relationship nila, nung sinundan ni Sarara si Kuwatori kung saan sya papunta nung naghiwalay na sila ng daan pauwi. Sinundan nya sya kasi, parang sort of nagselos sya kasi ni-reject ni Kuwatori ang invitation nya kumain muna sa fave shop nya or sa isang date on Christmas Eve--- iniisip nya may iba kasi syang k-date or something. So yun, sinundan nga nya kung saan sya papunta kasi nagmamadali na din si Kuwatori-ng umuwi nun. Tapos she found out many things about Kuwatori afterwards. Na Kuwatori works for Cafe Fleur [(translates as: Flower Shop) you'll find out kung bakit ako nawirduhan sa name nung shop afterwards], ang fave cake shop ni Sarara [See? flower shop ang name nung cafe pero cake shop sya actually. weird!]. Not only that one she also found out! On that same day din sort of umamin ng feelings nya si Kuwatori for Sarara. Nag-kiss nga sila eh. Pero she pushed him and run away kasi masyado daw syang nasurpresa sa nangyari. Tapos may one time dun na yung owner nung shop eh binigyan si Sarara ng cookies na parang kamukha nya--- she realized na si Kuwatori pala ang may gawa nun, kaso hindi nya yun alam noon. Hindi kasi nagkkwento si Kuwatori, kasi noon daw eh tini-tease sya ng mga classmates (ata nya yun) na parang cake shop's waiter daw sya, kaya yun. Tsaka sabi pa nia kay Sarara, hindi daw sya mahilig sa sweets, eh gusto pa naman nya sana syang yayaing kumain sa fave shop nya, yun nga yung cake shop na yun--- pero actually, she realized again, na he doesn't like sweets, he actually like it so much (daw). Kasi, lahat ng mga cakes sa shop na yun, eh si Kuwatori ang may gawa. Na parang hindi daw makakagawa ng ganun kasasarap na mga cakes si ang isang tao kung he hates sweets daw, kaya yun ang sinabi nya. Yung mga cakes kasi na kinakain nya sa shop, eh yung tipong nagpapasaya talaga sa kanya--- tipong nawawala ang lungkot nya pagnakakakain sya ng mga cakes sa shop na yun, na yun pala si Kuwatori naman ang may gawa. Tapos by the end of the story, he told Sarara kung bakit parang ang distant distant nya sa kanya--- yun ay dahil ayaw daw nyang isipin ni Sarara na pervert sya. Tapos parang kala mo no comment lang sya at basta-bastang nag-agree nung nagconfess sa kanya si Sarara, pero actually, masaya sya nung time na yun kasi before pa daw mag-confess sa kanya si Sarara, eh kilala na nya sya, dahil nga madalas syang andun sa cake shop. Natutuwa daw kasi sya sa expression ng mukha nya, twing kumakain sya ng cake na gawa nya and he thought she's cute. Second manga na nagustuhan ko ay yung, Love at the Fingertip; Ang cute nung story, although nung una, from the cover, mejo parang inayawan kong basahin, kasi parang may thai writing sa title eh, I wonder kung thai manga yun? Pero anyway, pinagpatuloy ko na din, kaya ko nga din nasabing cute yung story eh.^^ About yun sa isang girl na dinump ng k-date nya. Pinagtawaman kasi eh. Eh sino ba naman ang hindi magd-dump sa kanya, sa itsura nya noh! Well hindi naman pangit tong si Riko, kaso, nung nakipagkita nga lang sya sa k-date nya eh pumangit ang itsura nya dahil sa pagkakalagy nya ng make-up nya. Tapos after nyang pisikalin yung guy na nag-dump sa kanya, eh andun sya sa isang tabi nagiiiyak. Tapos nakita sya ni Kenta, pinagtawanan din sya. Pero not the same level of reason dun sa kaninang guy at sa kanya. This time kasi, kaya naman tong si Kenta tumawa eh dahil kumalat na ang make-up sa mukha nya (Riko), pati nga yung fake eyelashes nya eh kung san san na napunta sa mukha nya. Pero ginawan ng paraan ni Kenta na sumaya naman sya. Pano? Minake-upan nya ng tama si Riko. Pero hindi bading si Kenta ah. Mahilig lang daw syang mag-make-up. Actually, he wants to be a make-up artist someday eh. Her older sister was the one who taught him, enjoy daw kasi. Pero secret lang nilang dalawa yun ni Riko since ayaw nya yung ipaalam. Ofcourse para sa isang straight guy na maging interesado sa ganun eh di ba mejo nakakahiya, although there's nothing to be ashamed about, but still I think yun naman ang usually-ng reaction, ryt? Anyway, Riko was so proud of him. Kaya nga nung mga sumunod na araw eh ginugulo na si Kenta ni Riko para magpa-make-up sa kanya. Sabi ni Kenta hindi na daw nya sya mmake-up-an, pero maya-maya lang eh hindi din sya nakatanggi. In the end, ang dating nagbabangayan eh naging mag-jowa na nung n-realize na nilang dalawa na may feelings pala sila sa isa't-isa. Buti nalang minake-up-an ni Kenta si Riko, kundi hindi nila mar-realize ang feelings nila sa isa't isa. Sabi pa nga ni Kenta nung mejo seryoso na silang nag-tatalo na he doensn't want to make-up her na, na he said kasi parang pagnag-continue daw yun eh baka he can't hold back his feelings anymore. And since mejo slow tong girl, eh di in action nalang pinakita ni Kenta ang ibig nyang sabihin--- niyakap nya si Riko at kiniss. Tapos, dun sa first date nilang dalawa, he was also the one who make-up her. Ang weird noh? Yung k-date mo pang lalaki ang nagm-make-up sau? Hehe nawirduhan din si Kenta akala nyo? Pero isn't it sweet?^^ Again, sabi nya ulit, last nya na daw yung pagmmake-up sa kanya. Bakit? Kasi Kenta likes likes Riko without make-up.^^ Last kong nagustuhang basahin today, ay yung Juliet's Club. May connection yang manga na yan sa Yume Chu (Dream Kiss) manga na on-going pa. Binabasa ko din yun! Tungkol naman yon sa lovelife ni Tai, member ng Romeo.ex. Nainlove sya sa isang ordinary girl, nakasalamin pa nga yung girl eh. Actually, nainlove talaga si Sayu sa Tai na nakilala nya sa library. Yung Tai na noon ay hindi pa nya kilala yung name pero nakakasama nya sa library; Yung Tai na nakasalamin at tahimik. After nya kasing malaman na member ng Romeo.ex si Tai, eh mejo hindi sya nasanay sa kasikatan nya. Tsaka parang sobrang magkaiba kasi ang kanilang mga mundo. Pero she's too late to hold back his feelings kasi inlove na rin sya kay Tai. Ganun din naman si Tai sa kanya. Hindi daw kasi tulad ng mga "Juliet" (tawag sa mga fans ng Romeo.ex). Tsaka nung una, parang ayaw pa nung kuya ni Sayu kay Tai, dahil nga sa differences, pero after sabihin ni Tai na mahal nia si Sayu at ganun din si Sayu kay Tai, eh mukhang umayon na din naman na ang lahat. So sa Yume Chu, eh magkaka-gf si Tai! Pero sa last volume na nabasa ko eh, binubuo palang ang Romeo.ex kaya yung story na toh, eh hindi pa nangyayari.

Labels: , , , , ,

posted by rian at 10/11/2007 11:43:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home