W.E.L.C.O.M.E.

Thursday

What A Day It Has Been

I feel good kahit pagod sa buong maghapon. Nagpunta ulit kasi me sa PAL sa Makati para mag-apply for OJT. Remember, nung Monday, Orientation ng mga applicants dun di ba? Kaya hindi sila tumatanggap ng mga resumes for that day kaya kelangan ko pang bumalik. Yun nga, ngaun ako bumalik para magpasa ng resume dun. Orientation ko na sa Monday. Probably the next day (Tuesday) eh mags-start na ko mag-OJT dun.

Maulan kanina noh? Pero OK lang naman ako. Hindi naman ako nabasa ng ulan kahit wala akong payong. On my way lang naman sa PAL umulan eh, at nasa taxi ako, kaya I'm safe. Tapos, pagdating ko dun, tumigil na ang ulan, kaya mas OK na OK di ba?

Hay sa totoo lang, ang gagandang mga receptionist dun sa PAL office! Kaso yung isang umaasikaso ng mga OJT, natatakot ako sa kanya. Parang hindi nya ako feel. Hmm ano kaya sa palagay nyo? Iniisip ko nga baka its all in my mind eh.

Sandali lang ako dun. As in sandali lang talaga. Parang mas mahaba pa nga biniyahe ko kesa sa pags-stay ko dun sa office eh. Binigyan lang kasi ako ng waver tapos yun na. Umalis na din talaga ako kaagad kasi kelangan ko pang bumalik sa school, dahil may open forum pa me na aattendan. Sina Sen. Mar Roxas at Drilon ang mga speaker. Not that I'm interested-- Well OO somehow. Syempre hindi lang naman sila dun magdadadakdak noh! Ofcourse, may katuturan naman ang mga sasabihin at topic nila. Pero ang pinaka-main reason ko kaya ako nagmamadali para mapanood yun ay para sa attendance at reaction paper. Tsaka for our exam din sa Phil Foreign Policy exam ko bukas. Hay musta naman?! Wala kaya akong naintindihan ni isa! Hay kawawa naman ako.

+++++++++++++++++++

Ui! SHOWING NA MOVIE NG SUPER JUNIOR! Musta naman kaya ang kinalabasan sa masa ng movie nila? Hmm sige... magiisip muna ako. =p
posted by rian at 7/26/2007 08:16:00 PM

1 Comments:

tourism po course mo teh? thanks.

November 2, 2009 at 9:43 PM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home