W.E.L.C.O.M.E.

Sunday

All Day!

Puro tulog ginawa ko half of this day! Kanina lang ako nagising ulit mga past 3pm na. Kelangan ko na din kasing tumayo para kumain ng lunch at syempre maligo. After maligo at kumain, nanood muna ako ng "THE BUZZ". For this week, the show was highlighted by Angel Locsin's interview. Wala me pakialam sa nangyayari sa buhay nya, pero ang ganda ganda nyang talaga ah. Sexy pa! Ano ba yun? Pero ang labo ng mga stories nila ah. Totally reversed kasi sa mga statements ng GMA ang statements ni Angel. Hay, ang sakit nila sa ulo!

Afterwards, nag-online na ako. Well, at first nagbasa ulit ako ng "Hana Kimi". Weeee!!! I'm done reading up to Chapter 5 na! ^^ . So far, nag-eenjoy ako sa mga moments nina Mizuki at Sano. Yup! Yup! kahit boy pa rin dun si Mizuki eh mejo may mga situations na nagkakadikit na ang kanilang mga katawan. Kung sa bagay, alam na naman na ni Sano na girl si Mizuki eh. Hay, kakainis ang role ni Nakatsu! Parang nawawala tuloy ang pagka-bishounen nya kasi parang sya yung puro spoofs sa storya! Mejo bitin ako dun sa parang love story nina Mizuki at Gil. Sayang, kasi may Sano na kinahuhumalingan na si Mizuki kaya wala na rin syang pag-asa sa kanya. Ah! tapos may yaoi pa sina Dr. Umeda at yung bro ni Mizuki! EWWWW~ nag-kiss sila! Jusko! isa pa yun si Dr. Umeda! Sinayang lang ang itsura nya! Kabanas! Tapos bukod pa pala dun, may jowang guy ang doctor na yun. Caught in the act nga sila ni Mizuki while kissing eh. Hay malandi talaga ang baklang yun! Tapos na-reveal na din kung bakit playboy si Nanba. Kawawa naman kasi, masyadong na-brokenhearted at that young age. Eh tungek naman kasi sya eh! Tama ba namang umibig sa teacher?! Siraulo talaga! Pero its still a mystery to me, kung alam na ba nyang girl din si Mizuki. Parang may mga instances na naf-feel ko kasi na potential karibal din sya sa pag-ibig ni Mizuki eh.

After reading the manga, dun na talaga ako nag-start mag-OL. I'm downloading SM TOWN's new M/V- Let's Go On A Trip, Super Junior- School of Rock and Siwon, Kibum & Donghae- Super Summer Ep4. Tapos, maybe later I'll DL some other Chapters ng Hana Kimi. Okay. So while doing everything at the same time, I also found myself watching some SNSD (So Nyeo Shi Dae) clips from Youtube. Si Edline kasi eh! HEHEHE!


SO NYEO SHI DAE
(Up: Yuri, Sooyoung, Yoona, Tiffany, Seohyun
Down: Sunny, Taeyeon, Jessica, Hyoyeon)


Nagulat nalang ako na nakapag-debut na pala ang grupo. Tapos out na din ang m/v nila "Into the World". I got curious about Jessica Jung talaga first and foremost, that's why the same day when I found out about them, I went online na sa Youtube for me to see her. Nakakaloka kasi yung girl na yun noh! Syotain ba naman ang mga fafa namin! HMF! I was urge to see for myself kung pretty nga ba sya. And HELL! to find out na hindi naman pala! Ewan ko, hindi ako bias or something. Hindi ko din sya hate. Pero after watching her sa nga videos eh hindi ko feel na pretty sya or more than that. Mukang retokado ang mukha nya. Pero I musta say, she's sexy and very talented. What I don't like about her bukod sa rumors nya with our boys is yung pa-sweet yet pa-seductive image nya. Parang nakaka-turn-off yung dating nya s'kin eh. Tapos, nung pinapanood ko na yung m/v nila, nagugustuhan ko na din yung iba pang mga members, like me, I personally like; Taeyeon, Yoona, Tiffany and Hyoyeon. I like Tae Yeon kasi ang cute cute nya! Para syang bata kahit na sya pala ang pinakamatanda sa grupo. Grabe! she's so galing kumanta! Bow ako sa vocals nya! She's so quiet din--- reminds me of Ryeowook. Sabi nga ni Edline para daw syang si Ryeowook ng Super Junior eh. Si Yoona naman, I like her kasi I find her the purely prettiest of them all. Meaning for me, sya ang pinakamaganda na walang niretoke sa mukha sa grupo. Tsaka pa-conservative lang sya tingnan. Si Tiffany naman, nung una super gandang ganda ako sa kanya. Sabi ko nga sya ang pinakamaganda sa grupo eh, kaso after Edline told me na retokada pala sya at nakita ko before debut pics nya na ibidensya, well pretty pa din sya for me pero nabawasan na. I just like her kasi mukha syang mabait. Tapos cute and pretty sya at the same time--- so basically that's what I like about her. Si Hyo Yeon naman, I like her kasi I feel na cool sya. She's not as pretty as the other girls pero she's so galing sa dancing. Parang sya si Eunhyuk na *cough* "ex" daw nya. Naku! kung si Eunhyuk nga habang tumatagal eh gumugwapo, eh lalo naman si Hyo Yeon di ba? Pero mejo napaiyak talaga ako nung napanood ko sa Sukira na nag-guest pala sila dun, tapos halos magkatabi na sina Eunhyuk at Hyo Yeon. I don't know kung bakit ako napaiyak! to think na Eunhyuk is just 1 of my so so Suju members for me--- Pero love ko din sya ah. Hay napaka-unexpected talaga nun! At damn! si Sooyoung! Sya pala ang co-DJ ni Sungmin sa Chunji! Ang lakas ko pa namang manglait na she's not pretty, nung nabasa ko na Ryeowook complimeted her na pretty sya and all that, and that he likes her. Tapos malalaman ko lang na member pala sya ng grupo na toh! Nakakaloka! Pero parang maraming nagsasabi na mukha daw syang Filipina. Well, para nga s'kin kahawig nya si Andrea Del Rosario eh. Makes sense kung bakit sinasabihan sya ng ganun right? Si Yuri naman, nung before debut nila, sya ang pinakanapapansin ko sa grupo na magiging pinka-like ko pagdebut nila. Pero nung nag-debut na, wala lang--- hindi ko sya masyadong napapansin. Parang ang matured ng mukha nya s'kin sa totoo lang. Tapos si Sunny--- sya ang least un-noticeable for me. Ewan ka ba kung bakit?!

Pero right now, I could say na I'll be over them soon. Well not that I'm hooked to them na, ilang araw ko na kasi sila pinapanood sa youtube at ina-appreciate yung apat na fave ko so... that's why I'm saying that.

SNSD pic from ambition.cjb.net
posted by rian at 8/12/2007 09:44:00 PM

1 Comments:

okay lang yan sis, nilalait ko rin si sooyoung bcoz of her..you know na what i mean...
At first, feeling ko hindi talaga bagay sa grupo
mukha talaga siyang filipina or vietnamese
matured din mukha niya... i thought nga siya ang pinakamatanda sa grupo eh...
i really hate her noon

but now...

parang tumataas yung porsyento niya
I LOVE HER NA!!!
and its not her beauty but about her talent and attitude

shes dorky
funny
very good in dancing and has a very cute voice
AND...
one thing i like most about her is that she is sooooooo tall!!!

January 30, 2009 at 8:04 PM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home