W.E.L.C.O.M.E.

Sunday

I'm Human Again!

Weeeeee!!!! Sa wakas naging fruitful ang araw ko! I feel human again! Lately kasi parang napakatamad ko. Parang walang silbe! Ni napapabayaan ko na nga ulit ang forum namin eh. Buti nalang today nagiba. Pinalitan ko na ang lay-out ng forum namin! red-black sana ang motif ng forum kaso nung sinubukan ko eh nakapa-gloomy ng kinalapabasan nya, kaya I ended up using the pink hex from last month's layout. Kaya red-black-pink layout na for August. May mga dapat pa akong ayusin, pero actually hindi ko kayang gawin yung mga yun, kasi hindi naman ako magaling sa graphics design. Nag-upload din me ng mga files. Actually, hindi pa nga ako tapos eh--- may dalawa pa. Matapos ko kaya?

Today, may bago akong nakakwentuhan sa Sjphil--- Si Sakuya. Noob namin sya sa forum. Mukhang ok naman sya. Magaan na nga ang loob ko sa kanya eh. Hay sana mag-stick syang kasama namin ng matagal. Sayang naman kasi eh!

Anyway, tapos ko ng basahin ang Hana Kimi! Hay sayang hindi natupad ang gustong mangyari nina Mizuki at Sano na grumaduate sila ng sabay sa same high school na yun. But its so touching nung papaalis na si Mizuki sa school na yun. Everybody was there kasi eh. Yung mga bully ng school nag-sorry sa kanya in the end, tapos lahat nalulungkot sa pag-alis nya. Eh kasi naman, sa sayang ibinigay ni Mizuki eh talaga namang nakakalungkot kung bigla nalang syang mawawala di ba? In the end, tinupad ni Sano ang promise nya kay Mizuki, na pupunta sya sa America para magkasama silang muli. Dun sa special ending ng Hana Kimi, sinabi dun na, sa America na nag-aaral ng college si Sano kasama si Mizuki. Tapos he's continuing his sport na high jumping. Kaso mejo nakakalungkot lang kasi si Nakatsu parang iba ang naging trbaho, eh di ba dream nya mapunta sa J-League para magkasama sila nung friend nya sa World Cup? Pano na yun? Sana man lang sinabi na he's still continuing his dream of becoming a PRO soccer player, para mas klaro di ba? Tapos, hmmm si Yuujirou, san na kaya sya napunta? At in the end, hindi naman pinakitang nagkatuluyan ang gusto kong magkatuluyan sa story. =C

Hindi ko pa naiisip ang susunod kong babasahin after ng Hana Kimi. Marami kasing manga-ng nakalinya eh.


Nga pala! yan na si Kyuhyun ngaun after being discharged from the hospital. Hay.. kahapon lang nababanggit ko pang bumalik na sya kasi nami-miss ko na sya, tapos kanina nung nag-browse ako eh nakita ako ng mga recents pictures nya sa net. Ang payat nya noh? Mukha pa rin syang may sakit. Sa mga pics na nakita ko, parang wala ni isang suju member pa syang nakakasama. Nagkita na kaya sila? May recent vid nya ako na napanood, fancam sya, and he's performing in some church daw. Wala pa siyang official comeback sa limelight pero I think its coming real soon.


PIC OF THE DAY!

Wala lang... tuwang-tuwa kasi ako sa pic na yan! Ang ganda ng shot nila. Parang everything is in its proper places. At ang cute cute nilang tingnang dalawa. Syempre yung puppy din! ^^

pics credits: bestiz + suju4you + sjphilippines

posted by rian at 8/19/2007 11:10:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home