W.E.L.C.O.M.E.

Thursday

Good Morning!

Ui bihira lang mangyari na mga gantong oras ako nagp-post ng entry sa blog ko! Syempre gumising ako ng maaga dahil may pasok ako ngaun. Nag-online lang ako para i-update ang blog na toh para sa na-missed kong entry kagabi. Gusto ko sana mag-OL kagabi eh, kaso takot ako--- wala kasi akong kasama dito. Hindi kasi ako mahapag-OL sa rum ko kasi may naputol na wires sa saksakan ng smartbro ko. Kaya yun sa dsl na muna ako ng bro ko ako nakikikabit ng internet. Eh nasa may sala kasi namin ang connection nun, tapos wala me kasama bumababa kaya yun--- hindi ako nakapag-online. May doppelganger daw kasi dito. Takot talaga ako!

So, ito ang mga happenings ng buhay ko kahapon.....

WAH! FIRST TIME KONG MAKAPANOOD NG SESSION SA SENATE KAHAPON! May ilan-ilan ding senators na present dun. Syempre unang-una na dun ang big boss ko! Si Sen. Kiko Pangilinan. Tapos sina Sens. Dick Gordon, Juan Ponce Enrile, Nene Pimintel, Jambi Madrigal, Joker Arroyo, Noynoy Aquino, Jinggoy Estrada, Chiz Escudero at Villar. Sayang nga eh, sabi ng practicumate ko andun din daw kanina sina Sens. Lito Lapid at Bong Revilla. Hay.... hindi ko sila inabot. Tapos tinanong ko kung nagsalita ba si Sen. Lapid. Sabi, hindi daw. Hmm baka nag-attendance lang daw yun kaya nagpunta.hehe. Gwapo daw si Sen. Bong Revilla! At GRABE SI SEN. CHIZ ESCUDERO! ANG TALINO! Gaya nga ng sabi ng practicumate ko, ang galing daw ng logical manner nya!

After ng session, I got to go down sa session battleground. Hay... sarap ng feeling! Yung mga tables dun may mga names ng bawat Senators.

Nakita ko din si Sen. Panfilo Lacson, sa elevator. Actually, si Sen. Escudero din. Prior pa dun nung nakita ko sya sa session mismo. Nung lunch break namin ko sya nakita. Grabe! sa may side ko pa sya talaga dumaan! Pasakay kasi sya ng elevator tapos kami naman ng kasama ko palabas. Pero nung nakita ko naman si Sen. Lacson, yun ay nung pauwi na kami. Hinihintay kasi namin yung isa pa naming practicumate eh. Actually, dapat sasakay na kami sa elevator kung saan nakasakay si Sen. Lacson, kaso bigla akong nahiya. Ewan ko ba! basta after one step eh parang tumigil ang mundo ko. Tapos yung mga kasama ko din, ewan ko sa kanila, natigila din eh, dahil naman daw yun dun sa Secretary ni Se, Lacson. Crush daw nila eh. hehe.

Ang gaan ng feeling ko kahapon kahit na I feel sick coz of my flu. Parang hindi kasi ako nakaramdam ng pagod. Ang saya di ba?

----------------------

Kani-kanina, pag-OL ko, nagpunta me kaagad sa SJPhil. tapos nagpunta ako dun sa "Eunhyuk is in love" topic thread. Sabi ni Ken sa post nya, nabasa daw nya na rummored daw na member daw ng So Nyeo Shi Dae ang girl na he is in love with daw. Tapos ganun din ang sinabi ni Candra sa tag nya s'kin. WAAAH!!!! ayoko nito! ayoko ng iniisip ko! kasi may isang girl na pumapasok sa isip ko eh, na syang dahilan kung bakit in love si Hyuk ngaun--- si Hyoyeon.


HYOYEON

Sya ng rumored ex gf daw nya before. Eh now na nagkakasama na sila ofcourse sa studio ng SM Ent. (mas madalas) at nag-guests ang dalawang grupo sa sa kani-kanilang mga programs, parang hindi ko tuloy maiwasang magisip ng kung anu-ano. Cool naman din kasing girl si Hyoyeon eh. Nagkabalikan na kaya sila? Parang may nag-kwento din kasi s'kin nung mga nakaraan na nung nag-guest daw SNSD sa Sukira, eh parang naiilang na nahihiya daw si Hyuk paglumalapit si Hyoyeon sa kanya. And to think, halos magkatabi sila dun ah. Hay... Pero hindi ko toh sinasabi to start a rumor ah ang mess things up. Yun naman eh suspetsa ko lang. Tsaka blog ko naman toh, hindi masama magsabi ng opinion ko di ba?

++++++++++

Napadpad din ako kanina sa Youtube kasi sabi ng mare ko may tv program daw ang SNSD na andun ang suju, and she's telling me na parang ang c-close nila sa isa't-isa. It got me so curious kaya nagpunta ako dun ngaun. Kaso wala naman akong nakita eh. Hindi kaya yung Mnet na program ng SNSD din ang sinasabi nya at hindi lang kami masyadong nagkaintindihan dun? Pero it didn't end up for nothing din naman ang pagpunta ko dun, coz I got to see XING again for a long time. Parang ang tagal ko na din kasi silang hindi nakikita eh.


XING- My Girl M/V


Aba! wala na si Kim "Marumir" Kibum?! Hmm bakit kaya? Iba na ang hair nilang lahat! (Yume, Kevin & Hyesung). Nakita ko na din sa wakas ang dalawang pang additional members na sa pic ko lang noon nakita. Si Hyesung sa mv parang may angle na akala ko si Heechul sya. Gulat nga ako eh! Kaya din pinost ko yung vid dito.

credits: ambition.cjb.net & cynostarXING@youtube.com

posted by rian at 8/23/2007 08:19:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home