W.E.L.C.O.M.E.

Monday

Playmate Jho! For now, ito muna ang mai-rrecommend ko sau!... sana magustuhan mo. Pag may problema, sabihin mo lang, i-uupload ko ulit.^^

Love at the fingertip
Backstage Prince V1
Backstage Prince V2

Labels:

posted by rian at 10/29/2007 09:49:00 PM 21 comments

Sunday

Global Personality Test Results
Stability (53%) medium which suggests you average somewhere in between being calm and resilient and being anxious and reactive.
Orderliness (30%) low which suggests you are overly flexible, improvised, and fun seeking at the expense too often of reliability, work ethic, and long term accomplishment.
Extraversion (43%) moderately low which suggests you are reclusive, quiet, unassertive, and secretive.


trait snapshot:
messy, disorganized, not rule conscious, rebellious, rash, weird, ambivalent about chaos, likes bizarre things, anti-authority, not good at saving money, not a perfectionist, leaves many things unfinished, low self control, strange, desires more attention, romantic daydreamer, abstract, impractical, unproductive, leisurely, likes the unknown.

-----------------------








+++++++++++++++++++

I kinda don't believe the results that i've got. most of the results are opposite of who i am. funny how it seems. I think tickles is still better when it comes to me taking such tests. They're more accurate than this. Anyway, at least the trait snapshot works coz 98% of the traits given are true about me xp... see that? I'm not perfect at all!

Labels: ,

posted by rian at 10/28/2007 04:41:00 PM 1 comments

Friday

HAHA! NAPEKE KO KAU NOH?!

Ayos ang araw ko ngaun ah! Ang ganda ganda!.... Alam nio ba kung bakit? ^______________________^

Halos kararating ko lang dito sa bahay from NAIA. Kanina mga 12nn na kami nakadating ni Pia dun! Sakto! may 3 immigration officers ang nagpakain for their b-days. Grabe! busog na busog nga ako eh. Sobra naman kasi kung magpahanda ang mga yun! Parang walang katapusan ang mga pagkain! Para ngang feista dun kanina eh.

Isang beses lang kami nakapag-encode ng mga immigration cards--- yung mga pang-US flights pa nga eh. Pero yung usual na mga flights na ini-encode namin ay wala. Hmm konti lang siguro ang mga pasahero.

Alam nyo ba? Isa din sa mga nagpasaya s'kin ay ang pag-ggreet s'kin ng mga taong nag-ttrabaho dun (NAIA)! Alam nio ba kaninang umaga nung nag-eencode kami? saktong may mga nagbababaang mga plane staffs-- mga stewards at stewardesses (hmm tama ba ang pagkaka-plural ko?_=p) ata ang mga yun. Bale yung mga babae, dumaan sila sa side ni Pia, tapos yung dalawang guy naman ay sa side ko. Hmm ewan ko kung bakit nagkaganun, pero ayun ang napansin ko eh. Nagkataong yung mga babae ay sa kabilang side ko dumaan. Alam nio ba ang nakakagulat na part na yun? Well, yung naunang guy lang naman na dumaan ay nag-"good morning" s'kin at nakangiti. Ewan ko, pero nung grinit nya me eh hindi sya s'kin nakatingin... pero nun sinundan ko sya ng tingin kasi nagulat nga me sa ginawa nya, eh nakita ko syang nakangiti. Ang weird di ba? Hindi ko tuloy masabi kung napagkamalan nya me na staff din dun sa NAIA or what?--- anyway, wala naman me pake, curiuos lang ako. Tapos, yung second guy na dumaan, mejo napatigil pa muna, may sinulat pa kasi muna sya na kung ano man yun, bago sya naglakad ulit. Nung nagsimula na syang maglakad, nakatingin sya s'kin at nakangiti. Alam mo yung ngiting parang mapagkumbaba? Gaya ng sa nauna kong kwento, hindi ko din alam kung alin sa dalawa ang ibig nilang sabihin sa ginawa nilang yun. Hmm actually parang mas cute yung naunang guy na nag-greet s'kin kesa dun sa pangalawa. Sabi din ni Pia may itsura daw yung pangalawang guy, pero hindi nya ata nakita yung nauna. Well, I guess kung nag-ttrabaho ka ba naman sa plane, malamang dapat may looks ka di ba? Tapos may isang guard din dun malapit sa pinag-eencode-an namin... yun! palagi akong grini-greet nun! Alam ba nya o nilang trainee lang ako ha?! Kasi kahit saan naman titingnan may iba't-ibang treatment ang tao sa ibang tao di ba? Yung tipong simpleng salitang ganto pero yung parang pagpapakumbaba tone at way ay anduduon. Iba talaga eh! Actually, ganun din ako sa Senate, nung andun pa ako. Wala lang, nakakataba lang ng puso. Anyway, ayoko din namang tratuhin nila akong mababa, porket trainee o kung sino lang ako maliit para sa kanila. Yung part na yun ang nagpapasaya s'kin kahit pagod na ako. Kahit sa elevator, pagsumasakay me, parang yung ibang staffs or trainee din dun, as in kung umasta eh parang kala mo ang taas taas kong tao kaya parang mapagkumbaba sila kung titingnan. Madalas nga naming mapag-usapan yun ni Pia eh. Basta! ang saya saya! Nakakataba ng puso talaga!... motivation to work ko yun!

Um kanina, mejo parang nagkainitan na naman kami ng ulo ni Pia!hehehe. Well, hindi naman yun malaking bagay for us. Parang usual na din yun s'min kasi may ganung moments din kami noon pa man. Ofcourse! Mejo sanay na sanay na kasi kami sa isa't-isa kaya mas open kami kesa sa iba. Kaya nga may times na nag-cclash din ang pagiisip naming dalawa eh, na parang walang hesitation magpigil at tuluyan ng mag-away--- anyway, hindi pa naman yun nangyayari kahit may inis factor kami sa isat-isa paminsan. Whew! actually, understanding lang din naman si Pia lalo na s'kin. Maybe she knows me better than anyone else na. Alam nio ba ang taong yun? May pagka-short-tempered din yun eh! Pero kahit na napipikon na yun s'kin, tina-try niang mag-relax at ipaintindi s'kin ang point or side nya. She said na maybe that's the way to handle me daw than patulan pa ang init ng ulo or ka-bad mood-an ko--- and it works! ^_^ Pero pacencia ka na Pia kanina ah, I feel kasi na Max knows how naman na eh. Maybe kaya mo nasabi yun kasi nacconcious ka na naman na baka mamaya isipin ni Max s'tin eh tanga tau o bobo kasi hindi natin alam ang gagawin... pero there's nothing wrong in asking kung alam naman nya kung pano. Napaka-concious mo kasi sa iisipin ng iba/ magiging comment ng ibang tao sau, minsan tuloy feeling ko hindi ka normal (joke!).. kasi para s'kin wala namang masama kung magkamali o magtanong--- Kesa sa officer ka pa magtatanong right? Hindi ba't mas nakakahiya kung m-commentan tau nila? Basta, feeling ko talaga alam naman na ni Max ang gagawin kaya gusto ko ng umakyat na tau nun. Tsaka ayoko din kasing nakatayo na naghihitay ng kung ano pa man, at pagnag-ttrabaho gusto ko mejo no-stopping kung baga--- mejo hindi ko feel na naka-tengga lang. Kaya din me pumasok nalang sa loob ng arrival office, mas mabuti ng nakaupo ako, na-rrelax ko ang aking no-slowing down character. Sencia na! Peace!

Tapos, may isang I.O. dun na mejo pinag-ttripan ako!hahaha! Nagsimula kasi yun nung, papunta sya sa admin habang kumakanta, tapos ako nahuli nya pagpasok ng pinto na naka-salubong ang kilay!hehehe. Eeek! Hindi ko naman sadya yun eh! Pero shhh wag kau maingay pero mejo masagwa talaga ang boses nya eh_=x Akala ko kasi si Kuya Rigel or Kuya Bong yun!teehee~ Tapos yun! inaasar na ako ng I.O. na yun! Sabi daw nya, i-hhold daw nya ang pag-ggrade ng practicum ko kasi sya daw ang pipirma s'kin at may 320 hrs. pa ako duong tatapusin.hehehe. Pabiro lang namang ang lahat ng yun eh! Kaya natatawa ako! Parang in that way, nagiging close me sa I.O. na yun, na parang may kakulitan ka na. Basta! Kung sa bagay patawa din si Sir na yun eh. Ah! Sir Se nga pala ang pangalan nya.=D


Random

... Hay hindi ko pa din naku-kwento ang nangyari nung kasama ko iba ko pang HS friends last week!... tapos naginuman pa kami ng El Hombre! =c

... Bukas nasa school ako! May mga bagay na aasikasuhin.

... reading 100% Perfect Girl.

Labels: , , , ,

posted by rian at 10/26/2007 10:30:00 PM 1 comments

Wednesday

Home

Hay... finally i'm home. Kakapagod! May mga bagay na tuloy akong hindi nagagawa dahil sa OJT ko. Halos buong araw ko kasi nasa NAIA me, para mag-training. Actually i like what is happening naman to me right now, but somehow i kinda miss my old self during my first and second years in college. Parang everything is so simple to me. Nakakatambay pa me sa forum namin. Kakainis nga lang, kasi bakit naging ganto, ngaun pang dumadami na ang mga active dun.=C Gusto ko din sila makilala!

Today, 1 pm me nakadating sa NAIA. Grabe! ang traffic kanina pagpunta ko dun! Hmm ganun ba talaga dun kapag ganung oras me pupunta sa NAIA? Anyway, kahapon pa boring ang OJT ko! Ang fave part ko kasi dun ay hindi ko na-enjoy kasi konti lang ang mga pasahero. Bored na bored nga ako eh. Mas gusto ko talagang nag-eencode kesa nag-sstay sa admin office, kasi kapag wala ka dung ginagawa, eh talaga namang parang pakiramdam mo eh mamatay ka na sa sobrang kaiinipan. As in! maliit lang kasi ang office na yun eh, tsaka parang closed area. Argh! ayoko talaga dun sa office na yun!

Kanina, mejo nakosensya naman me! Kasi iniwan namin si Max dun sa office. Eh on our way, naalala ko na nung hapon eh nasabi nya kay Ate Leah kung pwede daw ba syang umuwi ng 8pm kahit under time sya. I don't know kung ano reason nya at sinabi nya yun... pero kasi yung time na yun eh yun yung time ng pag-uwi naming dalawa ni Pia. I'm not sure kung nasabi ba ni Max yun para makasabay kami or what? Madalas na din kasi naming nakakasabay yun umuwi eh--- except kahapon at at ngaun. Hindi nga kaya dahil gusto nga nyang makasabay kami a pag-uwi? I don't know. Mejo kasi unpredictable pa sya s'kin eh. Kaso kanina, nung 8pm na, eh inwan na namin sya, kasi may ginagawa pa sya--- in short hindi man lang namin sya natanong kung sasabay ba sya o kung kelangan pa ba namin syang hintayin. It was my fault for lieavong him. Kanina kasi, uwing-uwi na ako, dahil pagod na pagod na ako at nahihilo na din dahil sa amoy ng sigarilyo ni Kuya Rigel. Argh!!!!! Hindi bale, tomorrow papasok daw sya, kaya makakasama pa namin sya ulit! Kaya maybe we'll see to it na makasabay na namin sya bukas sa paguwi. ^^

Ah! Kanina may passenger na namatay sa NAIA! He's i think 63-yrs old. Nahulog daw kasi sya sa hagdanan. Tsk! sabi ko na nga ba! Simula nung ng-OJT ako dun, tingin ko na na weird na ang binababaan ng mga pasahero ay hagdanan, imbes na escalator. Hell naman noh! Obviously, pagod sa biyahe ang mga pasahero at may iba pang dala-dala bukod pa sa mga luggages nila, kaya i don't think it's ok na maghagdanan pa sila pagbaba sa arrival. Narinig ko nga kanina, ang terminal 2 lang daw ang walang escalator sa arrival. Oh di ba? tsk3! Hay... condolence nalang sa kanya. TT

Sayang! hindi na talaga me nakasama sa EB ng mga JCers! Tsk! chance ko na sana yun para makita ko si Jenn! Baka kasi pagnakasama na me sa kanila, eh nakabalik na sya sa kanila. Buti nga, kinuwentuhan ako kanina lang sa ym ni Ekah eh. Natuloy sila kahapon sa Shangri-la. Madami-dami din sila. Hay.. mas masaya sana yun noh?

Nga pala, new layout na naman me ngaun. Pangalawang beses ko ng palit for the month of october. Hmm pansin ko lang hindi talaga me nakakatagal sa layout na madilim ah. Kaya heto, mejo maliwanag na naman ulit ang blog na toh. Um wag nio nalang pansinin yung mga naghahalikan sa banner ko ah.. its not naman they look baboy na or something sa itsura nila di ba? ^^

Labels: , , , ,

posted by rian at 10/24/2007 11:27:00 PM 0 comments

Monday

RICA ANN, you're a Total Brat

Whoa. We'd tell you to stop being such a brat, but that might only encourage you. An all-around expert in areas of laying on guilt, whining, and much more, you'll try almost anything if it means people will pay attention to you and give you what you want.

Sure, being a brat can be totally fun. But don't expect that people will always respond to manipulation and, sometimes, exploitation. What you may not remember is that the easiest way to get what you want is usually to just ask for it. No whining!

---------------

Okay fine! guilty me that I'm usually whining kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko! But more than that, yung mga nasa result eh parang hindi naman na memasyadong ganun. Hmm maybe, ang isa pang pagka-brat factor ko eh, yung mga bagay-bagay eh inaasa pa sa iba, at parang kala mo may yaya o sekretarya ako sa sobrang ka-iresponsablehan.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


RICA ANN, you're single because you don't want to slow down

Whether you're working all hours, busy with school, or planning a cross-country move, it sounds like you just don't have time for anyone else in your life...right now, that is. Your timing may be off in other aspects, too. Chances are, you've met that perfect person who just so happens to be married or planning their own cross-country move. So take a step back for a moment. Is there something underlying this? Could it be you're afraid to get involved for some reason or another, and are therefore attracted to people who are simply unavailable?

Whether you're secretly sabotaging yourself or not, try a little exercise. Open your mind to those who are around you (and available!) right now. Then let up on your schedule to let that someone in. That is, unless you want to get married to your goals, and not Mr. or Mrs. Right.

--------------------

Putek! ang galing! Nadale mo!... ayun din ang naisip ko sa sarili ko eh.


xxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

RICA ANN, your hair personality is Edgy

You refuse to buy into trends and would much rather wear a one-of-a-kind creation than something purchased at a mall. Blech. When it comes down to it, you break the style rules and love being unique. Your individuality has probably produced many unconventional hairstyles, whether or not you've dared to bear the shortest, spikiest hair or the shaggiest mullet in town. No matter what, you adore being edgy, so take control and give your hair a new twist — bang-accenting highlights or a wild new cut. Being an individual is always hot.

---------------

KOREK!


xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

RICA ANN, your handwriting reveals that you are Balanced

Your writing style reflects that you're an even-tempered person who fits in with others. Is it your baseline, your slant, or the pressure of your writing that gives you away?

Your personalized, 12-page Handwriting Analysis will reveal the unique trait that shows your Balanced spirit. It's ready right now!

----------------------

Hmmm I think so. I've read about temperaments, and it shows that I'm a Sanguine and Phlegmatic type. Phlegamatic type of temperament are those that are just like what the result shows. Anyway, in most of the things I do... I reflect on it first, maybe one of the reason why I'm a balanced person.

Labels: ,

posted by rian at 10/22/2007 12:49:00 PM 0 comments



Wake Up

by Coheed and Cambria

I'm gonna ride this plane out of your life again
I wish that I could stay, but you argue
More than this I wish, you could've seen my face
In backseats staring out, the window

I'll do anything for you
Kill anyone for you

So leave yourself intact
'Cause I will be coming back
In a phrase to cut these lips
I love you

The morning will come
In the press of every kiss
With your head upon my chest
Where I will annoy you
With every waking breath
Until you decide to wake up

I've earned through hope and faith
On the curves around your face
That I'm the one you'll hold forever
If morning never comes for either one of us
Then this I pray to you wherever

I'll do anything for you
This story is for you
('Cause I'd do anything you want me to for you)
I'll do anything for you
Kill anyone for you

So leave yourself intact
'Cause I won't be coming back
In a phrase to cut these lips
I loved you

The morning will come
In the press of every kiss
With your head upon my chest
Where I will annoy you
With every waking breath
Until you decide to wake up

The morning will come
In the press of every kiss
With your head upon my chest
Where I will annoy you
With every waking breath
'Til you decide to wake up

xxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Damn it! Naiinlove ako sa kanta!--- kahit malungkot yung song. Sa sobrang kaadikan ko sa kanta, eh halos hindi na ako matigil tigil sa kakapaulit-ulit ng kanta na yan! At heto pa! Pinags-send ko pa ang song na yan sa mga freinds ko sa friendster ah!... wala lang... pero gusto ko lang i-spread yung song! Sobrang ganda kasi eh! Thanks kay Pia! Kundi sa kanya hindi ko malalaman na may nag-eexist palang ganyang kanta! Nakupo! muah!

Labels:

posted by rian at 10/22/2007 01:14:00 AM 0 comments

Sunday

Ok. Kakatapos lang ng finals ko last friday. Ilang araw din me hindi nakapag-entry dito. Hindi kasi me makapag-type ng i-eentry sa sobrang worried sa exams ko. Hay... juskopo! parang awa naman!... sana makapasa naman ako!T^T... Ngaun lang talaga ako nag-worry ng ganto!... Tsk! madami pa kasi me plano after grad next year kaya as much as possible, ayokong mag-extend ng another sem sa school.

Kauuwi ko lang kani-kanina. Mejo maulan nga nung umuwi kami eh. Buti nalang may dala me na payong. Nga pala, yung classmate ko na si Max... ambait nya! nilibre nya kami ng pamasahe! Aba! kahit php 7.00 lang yun, malaking bagay na yun noh! Pano kasi, napakakuripot ng taong yun! N-shock nga kami ni Pia nung nilibre nya kaming dalawa eh. Hmm ano kayang meron sa araw na toh noh? Naisip ko nga na baka may sanib lang sya eh!hehe. Kasi din yung taong yun, pabigla-bigla! Pero happy na din me! Bakit? Kasi, like kahapon at kanina, parang nawawala na ang barrier naming dalawa. Kasi nakakalokohan at casual na kwentuhan na namin sya (w/ Pia), na hindi katulad nuon. Wala lang... masaya lang ako dun.

Hay... sa pagbabalik ko sa NAIA after ng halos 2 weeks na abesnt dun.. ang saya-saya ko! Parang may bagot moments dun once in awhile, pero ayos lang! May times din naman na nagdadaldalan kami dun at nagk-kwentuhan. Tapos madami-dami na kaming ini-encode!... Happy talaga! Mejo ang laking changes na din simula nung nagbalik ako dun!

Sa sobrang k-busyhan, hindi man lang nabati si Donghae nung b-day nya! Musta naman kaya ang celebration sa b-day nya noh? Kainis! wala pa rin me balita gang ngaun kung kamusta naman ba ang Korean Movie Awards, na sabi last 19 gaganapin! Hmm nanalo kaya ang Suju? si Kangin kaya? o si Ryeowook? Hay... ano ba talaga?!!!!

Ui! Sa wakas! I've decided na magdagdag na ng additional admin sa SJPhil! Napili ko si Ekah. I'm happy kasi pumayag sya! Halos ako nalang din kasi ang nag-aadmin dun, at hindi ko na kaya mag-isa, kaya yun. Thank you Ekah! ^_______^

Tomorrow, I'll be going back to school. Mag-eenroll kasi me sa Language Center eh. I'll be taking up Spanish 3 there. Hopefully, makapag-enroll nga!...depende kung wala me bagsak sa mga subjects ko. Yun yun eh! >.<;;; Tsaka may mga kung anu-ano pa me aasikasuhin for graduation sa school na dapat maayos na, kaya siguradong aabsent me tomorrow sa NAIA.

Um ilang araw na din pala me na hindi nakakapagbasa ng manga. Natatamad kasi ako eh! Pero parang gusto kong basahin yung fanfic ni Junsu!... Hmm mabasa ko kaya?

Nga pala, nabalitaan nyo na ba na andito na sa Pinas si Ken Zhu? Hindi ko pa sya nakikita sa TV eh. Anyway, bihirang bihira lang naman kasi me mag-tv na ngaun. Nasa Batanes daw sya filming a movie with Iza Calzado. Yup! Natuloy nga ang plan na yun noon sa news! ^^ Ito pa, mapunta naman tau sa seryosong bagay... Kanina balita ko din na nasunog naman daw ang G4... tsk! after bombahin ang G2, heto naman ang G4 naman ang sinunod! Tsk!!! Ano ba ang mga kapulisan sa Pinas?! Bopols naman oh!... Sana ayusin naman nila noh! Sayang lang ang mga chapa nila!... kawawa naman ang mga namamatay!... sabi nga ni Pia, yung isa daw sa mga biktima ng bombing sa G2 ay Tita ng classmate kong si Emilene. Hay.. hindi ko man lang pa sya nasasabihang condolence. Tsk!!!! Kainis talaga ako noh?!

Labels: , , , , , , ,

posted by rian at 10/21/2007 11:00:00 PM 0 comments

Thursday

Kat-tun manga

Ate Edcel, heto na yung upload ko nung manga ng Kat-tun. Basahin mo! Nakakatuwa sila! Parang nagbago ang impresyon ko sa kanila!... Iba kasi ang tingin ko sa kanila eh... pang-husto talaga noon.hehehe. Pero after kong basahin... aba! boyband na talaga hindi na walking *bleep*.teehee~ =x

KAT-TUN manga
.
.
.
Hay naku ate!... sa sinabi kong yun... ayoko ng ekspresyon mong yan! =p

Labels: ,

posted by rian at 10/18/2007 07:26:00 PM 0 comments

Tuesday

Untold Feelings

(Girl)
I can't get enough of you holding me.
Through your mystic eyes...
Let me faint in your arms forever.
Your skin, my skin are perfectly blended with emotions untold.
Forget the past and just let go.
I'll caress your feelings that is so cold,
And make it warmer just like the fire in the chimney in the cold weather.
Kiss me, with a desire that you really want me.
I'll never run away.
Cold as ice we were before...
Look at us now...
I don't know.
Believe that in my deepest soul I think of you.
Only you for me is all I know.
Until the day we meet again...
Fly to the blue sky,
To reach for me high above the sky.
Don't give up!
I'll never let go...
Until you finally found your way home...
In my place is where you belong.

(Boy)
Continue loving me in heaven.
Coz I am loving you still in hell.
Hell is this land when you're not around.
This planet is where I'm living.
Guilty with the feelings running out of time,
Forgive me my love that I'm a coward.
I'm truly in love with the woman that is now an angel.
I'm always forgetting the right words to say when you're around.
Now it's too late.
I never thought that the clock would stop ticking with just a blink of an eye.
It never even gave me a seconds of time to tell you, "I love you".
Now I'm living with my life almost dead.
Coz there's no use of this heart when it already stop beating.
It only beats for you...
So what's the point of living when your life support has been taken away?
Tell me now, if you still want me to stay?
Coz it hurts so deeply that I'm going astray.

Labels: ,

posted by rian at 10/16/2007 12:32:00 AM 0 comments

Sunday

So my original plan was to go to my ojt at NAIA today. But unfortunately, hindi na naman natuloy. Tinamad na naman ako, kasi din tong weather! bigla bigla nalang uulan tapos bigla bigla ding aaraw! Oh di ba?! Nakaka-ogag yon? Hay.. so yun nga, eh di no choice kundi sa Wednesday na ako makakabalik ulit duon. Putek! Baka maya kung anu-ano ng sinasabi s'min dun! Halos one week na kasi kaming uma-absent. Eh kasalanan din naman namin kasi hindi pa kami tumatawag dun para magpapaalam na aabsent kami. Pero bukas tatawag na talaga ako. Tsk! its really hard to break the habit. I'm not the type kasi na kung aabsent me or what eh kelangan pang ipaalam sau o sa iba. Eh unfortunately si Pia eh ganun din. So yun, eh di pareho kaming nagsasalbahe!hehe.

Since, andito me buong maghapon, syempre balik sa dating gawi! Puro netting lang ang pinaggagagawa ko the whole day. Tapos basa ng basa ng manga ulit. Tumambay din me buong araw sa SJPhil! Kaso madalas idle. Multi-tasking na naman ang lola mo eh. Ayun, naadik sa Star King Episode ng Super Junior--- nainlove muli kay Kyuhyun at tumigil ang mundo sa galing ni Henry. Alam nio ba? Sa kaadikan ko, halos maghapon kong pinaulit-ulit panoorin yung mga vids na yun! Basta! yun ang nagpakumpleto ng araw ko! Pano ba naman! Ang kukulit nila! Tawa talaga me ng tawa kanila Heechul at Kangin! Grabe! ang gagaslaw!hehehe. Pero lahat naman sila masasaya duon. Pero syempre yung mga over exposure members na naman dun ang nagbida--- sus! expected na yun noh!^^ Tsk! Kainis! wala na naman dun si Kibum! Ano na naman bang raket nun ha? Nga pala, guest sa Star King si Charice Pempengco, yung runner-up sa Little Big Star sa ABS-CBN. Kilala nyo ba sya? Ako nga, kanina ko lang sya nakilala eh. Well, nakikita ko na sya sa tv pero hindi ko alam ang name nya. Nakakatuwa! sya na pala yun! eh kasi naman, twing nakikita ko sya, eh naaalala ko yung classmate ko na si Jenny. Hay... super inggit ako sa kanya! Kasi naman naka-duet nya si Kyuhyun! Putek! As in hindi nga me makapaniwala na totoo yun, until nung napanood ko na. Buti nalang nag-kwento tungkol dun si Jenn, kundi sobrang ir-regret ko ang chance na yun! Tapos! mas lalo pa me nainggit sa kanya, ung napanood ko na yung buong Star King episode na yun! Hala! parang wala wala lang sa kanya ang Super Junior eh! Easy easy lang! Parang kala mo kung magsalita sya eh k-close nya ang mga yon! Waaahhh!!! Sobrang inggit talaga ako!!!!! Tapos tong prangkang may pagka-masungit na si Heechul, halos walang palag sa kanya. Basta! basta! nakakatuwa yung part nila ni Heechul! Tawa ako ng tawa sa kanya (Heechul)! Tapos tinanong si Charice kung sino daw sa tingin nya ang the best member ng Super Junior... mejo nilapitan nya si Kyuhyun at tinuro. Sabi nya, she think he's the best daw. Tapos nagsitayuan yung mga boys na parang may angas kunyari pero joke lang yun, usual naman yun sa kanila eh. Tapos tong si Kyuhyun parang may pa-yabang effect din na gesture nung sya yung pinili ni Charice. Tapos after nun, yung duet na nga nilang dalawa yung sumunod. Napaisip tuloy ako bigla, feeling ko tuloy scripted ang pagpili ni Charice sa pagsagot nya sa tanong sa kanya kung sino ang the best sa Suju for her. Hay... basta! elib na elib ako kay Henry *bow*. Parang nasa genius level na ang batang yun eh. Kahit yung Suju habang pinapanood sya eh amaze na amaze sa kanya, parang proud pa nga sila sa kanya eh.^^ Oh di ba? Kaya hindi ko talaga maintindihan ang mga kokote ng mga ELF na yan! Kung bakit ang harsh nila sa kanya samantalng ang Suju na patay na patay sila eh masayang masaya sa bata. Ui! hindi wafu si Henry, pero cute sya ah! Now ko lang talaga nakita ang mukha nya na n-satisfied na ako. Nung mga nakaraan kasi parang hindi kasi malinaw s'kin ang itsura nya eh. Ngaun malinaw na talaga, thanks sa perf nya na yun. Gusto ko ang ka-epalan ni Kangin dun! Para syang damulag na nagiinarte! Pero sobrang nag-enjoy ako sa kanya! Lalo pa yung part na parang nilalandi nya yung isang babaeng guest. Basta! ang kulit!

Here's the 3-part vid of Star King with Super Junior. This was just yesterday lang.



Turns out, na parang contest din yung sinalihan nung mga guests dun. So, si Charice eh contestant dun. Kaso unfortunately, hindi sya ang nanalo. Kasi ang napili eh yung doble-karang performer. Anyway, pede na din yun! tutal nahawak hawakan na nya si Heechul na allergic paghinahawakan sya ng ibang tao. Nayakap sya... ay! si Kyuhyun na pala mismo pa ang yumakap sa kanya; binigyan sya ng tubig ni Eeteuk at pinunasan pa sya ng pawis (kahit wala naman) sa noo ni Kangin gamit ang scarf nya. Pero most of all, nakita nya ang Suju minus Kibum nga lang na samantalng ako eh naloloka na na makita sila kahit sa malayuan lang.

Most of all, I'll post the Kyuhyun & Charice duet singing "A Whole New World".

*random* Pero curious talaga ako kung pano napunta ang batang yun duon?


Syempre pa! Ang perf ni Henry. Jusko po!

*random* Pero bakit nung pinanood ko yung buong Star King eh wala yung perf nya na yun duon? Parang preview lang?


xxxxxxxxxxxxxxxxx

Kanina, sa lahat ng mga nabasa ko at mga nagustuhan na manga, yung sa KAT-TUN manga lang ang bibigyan ko ng reaction dito sa blog ko. Its not naman na yung manga lang na yun ang nagustuhan ko, actually meron pa kaso mas eager ko ako mag-react sa manga na yun kesa sa iba.^^..kasi din naman sa lahat ng mga pinaka nagustuhan ko, eh yung manga pa din na yun ang #1. Nakakatuwa ang samahan ng nila!.. Tsaka madami-dami ka ding malalaman tungkol sa kanila pag binasa mo na yung manga. \m/


Okay. Nag-start yung kwento nung nabuo ang Kat-tun. Akalain mo yun! Hindi pala nila feel noon ang isa't-isa. Pero no choice nalang sila kaya hindi na sila nakapalag pa. May mga times din na nag-aaway sila. Pero eventually, nabuo nalang ang kanilang friendship habang tumatagal.^^ Ngaun ko nga lang nalaman na parang ang joker pala sa grupo eh si Juno. At hindi Juno/Junno ang tawag sa kanya ng mga k-member nya, kundi Taguchi. Hindi ko naisip na sya pala yun! Mukha kasing tahimik lang sya. Naisip ko tuloy mala-jaejoong siguro sya ng DBSG ang personality. Yung akala mo tahimik pero may tililing din pala. At sya ang member na pinagaagawan nung 5 na maging k-roomate! Haha! Nakakatawa ang sinabi nya dun! Parang ang sabi nya eh, ganun ba daw pagmasyadong sikat? dahil lahat sila sya ang gustong makasama. Sus! ang dahilan naman pala, eh dahil malinis daw si Juno sa kwarto. Syempre nga naman, damay-damay na, kapag naglinis si Juno di ba? kaya malamang! eh di lilinisin na din nya yung sau kapag roomate mo sya, kay gusto nila syang makasama. At dahil nagaagawan nga sila... yun! parang pinagdesisyunan nila yun sa pamamagitan ng isang laro. I think sina Jin at Koki; Kame at Nakamaru; Ueda at Juno, ang naging magkakasama. Ayaw nga maging k-roomate ni Koki si Jin eh. Ang hyper hyper daw kasi pag gabi! Yung tipong imbes na dapat eh tulugan time na, si Jin naman salita pa din ng salita. Um nalimutan ko lang kung sino yung nagb-beat box sa kanila--- but i think si Ueda yun. Mejo kasi kilala ko lang sila sa mukha eh, tsaka mejo naguguluhan ako who's who yung mga character dun sa manga. Sabi, calm and matured daw magisip naman si Kame. Parang kahit sya daw ang pinakabata sa grupo, eh napaka-matured nyang magisip; like the way he speak at at his age eh talagang parang may pakialam na sya sa mga gagawin nilang trabaho, not like the 5 of them na parang mga nagkukulitan lang. So una palang official acting break nina Jin at Kame ang Gokusen 2? Wow! Parang kaylan lang. Ambait nga ni Jin kasi, nung debut acting na ni Juno, eh Jin phoned Juno to give him some advice. Tapos forget ko na kung sinong member yung sinusubaybayan yung dorama ni Juno, tapos nagccomment sa bawat episode--- hmm si Jin nga din ba yun? Hindi ko sure eh. Um I think yung grup pic nila na-pinost ko na may mga names nila--- I think yun yung pictorial na ginagawa nila sa ending nung manga. Same na same kasi yung position nila eh, pati yung hairstyle. At hanggang dun lang ang kwento. May mga members pa me na hindi masyado nakilala. Parang kung meron man sa kanilang nai-describe or something eh hindi naman yun siguro naging memorable for me, kaya nakalimutan ko.

Nakakatuwang isipin noh? Sana yung DBSG at Super Junior meron din manga or series na parang ganto! Gusto ko din kasing malaman ang part na toh sa kanila!


Random-ness:..

...Tom ko nalang i-eentry yung tungkol sa sort of "reunion" ko with some of my HS friends. Mga kwentuhan habang naiinuman. Tom ko nalang ikkwento dito. Ang haba na masyado ng entry ko for today dito. At tinatamad na din me kasi inaantok na din ako ngaun.

...Thanks kay playmate Jho! Naistorbo ko pa sya kanina para tanungin lang kung sinu-sino ang mga name at faces ng Kat-tun.

...Pinalitan ko na naman ang bg music ko! Wala lang...malamang nag-sawa na naman ako!

...Ui! Ances is back sa SJPhil! I'm so happy talaga! totoo yun! ^______________^

...Naloloko ako sa itsura ni Ryeowook ngaun! Sana magtuluy-tuloy na!

Labels: , , , , , , , , , ,

posted by rian at 10/14/2007 08:21:00 PM 0 comments



The Last Days

by Hourglass
from acoustic night live


if today were the last of all days
would you change how you feel who you are
would you rise for a moment above all your fears
become one with the moon and the stars


do you like what you see looking down
do you give everything that you could
have you done everything that you wanted to do
is there still so much more than you would

chorus

follow your dream to the end of the rainbow
way beyond one pot of gold
open your eyes to the colors around you
and find the true beauty life holds

would you live for the moment like when you were young
and time didn't travel so fast
be free in the present enjoying them now
not tied to a future or past (chorus)

you probably say all you wanted to say
but doesn't it strike you as strange
and we only begin to start living our lives
if today were the last of all days

if today... were the last... of all days

oh oh oh days

Labels:

posted by rian at 10/14/2007 08:27:00 AM 0 comments

Pajama no Ojama


Yes! Finally, may copy na rin me ng debut manga ng fave mangaka kong si Yuu Watase! (Hay.. love her talaga!)^^ Yung first ever manga eh yung Pajama No Ojama (Intrusions in Pajamas)! Hmm kelan pa kaya ang manga na toh? Nakalimutan ko na ang exact year kung kelan yun lumabas but i think its somewhere 1989... Tama! 1989 nga! sinearch ko pa ulit para makasigurado!^^ Tagal na din noh? Kaya mejo malabo na ang scanlation. Tsaka mukhang yung pagkakadrawing eh mejo hindi gaya ng mga drawing in our time. Pero ayos lang naman, carry pa din! Anyway, ganda pa din naman ng pagkakagawa, maganda pa din ang drawing nya! ^^ Hay... ang galing galing nya talaga gumawa ng mga bishounen! Kaya love na love ko talaga sya! ^^ Ah! come to think of it, since ganun na sya katagal, masasabi kong yun na din ang pinakalumang manga na meron ako!

Anyway, although love at fave ko si Yuu Watase, i won't be bias on her creations. Like, yung Pajama No Ojama--- hindi ko sya nagustuhan. Um, okay naman yung story, kaso hindi sya umabot sa level na ma-rrate ko sya sa mga fave manga na nabasa ko or fave creation nya na nabasa ko. Gaya ng ibang one-shot manga na nabasa ko, ambabaw kasi ng story eh. Pero may one thing (again) me na na-realize sa mga creation nya!... may pagka-fictional ang mga mangang ginagawa nya.

Labels: ,

posted by rian at 10/14/2007 07:58:00 AM 0 comments

Saturday

Absolute Boyfriend

Hay... sa sobrang haba ng entry ko kahapon, eh nakalimutan ko ng ilagay yung upload ng Absolute Boyfriend para kay Ken! Sorry sau ah. Di bale, heto na yung links! Magkwentuhan tau pagtapos mong basahin yan ah.^.^

Absolute Boyfriend_V01
Absolute Boyfriend_V02
Absolute Boyfriend_V03
Absolute Boyfriend_V04
Absolute Boyfriend_V05
Absolute Boyfriend_V06

Yan! N-post ko na! Sana mag-enjoy ka as much as I did. Love na love ko ang kwento! Tsaka mejo naiyak pa nga ako jan eh. Ambabaw ko ba?=p

Labels: ,

posted by rian at 10/13/2007 08:08:00 AM 0 comments

Friday

Super Junior Update

Super Junior Update!

Personal Introduction:
Kabanas ang mga ELF na yan! naturingan pa naman silang mga fans! Mga wala silang kwenta! Parang halos lahat sila eh mga psycho! Tama ng may napatay na sila noon. Hindi pa ba enough na may nagbuwis na ng buhay para matahimik na sila? Bakit sila ganun? Tapos ngaun naman si Henry naman ngaun ang pinupuntirya nila, ha?! Napaka-unfair nila! Sorry ah! Hindi naman kasalanan ni Henry na maging Super Junior noh! Kung maging Super Junior nga sya! Bakit kaya hindi si Sooman ang sisihin nyo?! Mga wala kayong kwentang tao!...Dapat kau ang naghihirap ng sobra, hindi sila! Napaka-selfish, possessive at psycho nyo! Thanks to jenn naliwanagan na tuloy ako tungkol sa nangyayari kay Henry at sa Suju. Ofcourse, mainly si Henry ang inaaway lately pero syempre apektado din ang Suju dun malamang noh! Ewan ko ba! Parang nagmumukhang manikang buhay na talaga lalo na s'kin ang Suju ngaun. Lahat sila infront of the cam ay ginagawa ang lahat makapag-entertain lang ng mga tao. But actually they're bleeding deep down inside. Hay... ang tibay nila! Sa totoo lang kung ganun lang ang palaging nangyayari, parang hindi ko na makita ang sense ng presence nila to keep going on. Parang kapag ganun kasi, parang nawawala na din ang purpose mo kung bakit ka pa nag-eexist dun eh. Bilib naman ako sa kanila. Pero sana, wish ko lang sa kanila, at times like this, pls. wag na muna kau maghiwa-hiwalay. Can't you be together as in complete for the time being? It's just that, everything that is happening is too much to bare. Sana magkatotoo ang wish ko kahit feeling ko imposible.=C I hope, okay lang si Henry, although I feel he's not fine. I'm sure na-ttrauma na yun! Napaka-unexpected naman kasi. Pano ba naman, harap harapang bastusan na yun eh! Sana lang whether it be with Suju or not, I hope he could have a place in the industry. It's not wrong to dream that far right? Be strong. Just prove them you are worth to stay, its not that you're the only one who experience the same thing... you see, there's Ryeowook and Kyuhyun who suffered the same fate. But look at them now, they've been doing great.

After kong mabasa yung pm s'kin ni jenn sa SJPhil, eh hindi na ako natahimik. Kaya simula kanina hanap ng hanap ako ng mga resources na may kinalaman sa msg na yun sa elf. Kaso I failed makahap ng something related or any development tungkol sa issue na yun eh. But I found the exact thing that jenn pmed me last night. I didn't took her copy cause i'm troubled that it shouldn't be taken out. But then, I actually found two sites that has it. But then, I will only credit one site and the place where they took it.

credits: siyan@rs-detre.com + SuJu_PBM Forum

Hay.. nakakabaliw ang entry na toh! Lalo pa ngaun eh siguradong mai-eexpress ko naman ngaun ang saya ko after kong halos maghimagsik sa nangyari. Pero, you know naman the only remedy I know, right? Si Ryeowook yun. Lalo pa, he's looking so good! Sa itsura nya na natutuwa ako eh, naibabalanse nya ang init ng ulo ko sa mga ELF na yan at ang saya ko pagnakikita ko ang shining moment nya! ^^



Revelation:
So the rumor was true; Not only Eeteuk was the one playing the role of the panda in their movie Attack on the Pin-up Boys, but also Ryeowook. Before, this was just a hearsay, but now that I've found evidences, then, ofcourse I'll believe it more now. I'm happy that he has contributed so much in the movie, and he did everything excellently. But actually I'd be happier if at least he may be credited as the panda together with Teuk in the movie casts. I'm proud that more or not lesser he was recognized even by the people that doesn't notices him before. I'm overwhelmed by their compliments to him. He deserves to have an award. I hope he'll win on his two nominations for BEST ACTOR & BEST COMEDY ACTOR on Oct 19 in the Korean Movie Award. You see, I really want him to win. But ofcourse! Super Junior received other nominations too, I'm rooting on them.^^ I wish them luck!

Here's his pics/caps from the shooting of their movie:

Note: I trust you will ask permission if you will take them out.






Oops! Tinodo ko na ba?hehehe. I was happy kasi eh. Pagpasenciahan nio na. =p

Ryeowook pics credits: ryeo-wook.com

Labels: , ,

posted by rian at 10/12/2007 06:44:00 AM 1 comments

Dream Boy

Deeply, I'm falling unknowingly.
Into those charismatic eyes, I sober.
I'm fainting in your presence.
I'm undoubtedly cherishes you.
From afar I am in my deep fantasy,
I am revering your likeness unconsciously.
There, I could reach you, touch you and feel your embrace.
Truly, I'm living the dream.
Though for now this can't be,
It feels bad, because I love you already.
It's disappointing because, I am longing here but there you are holding me.
I won't say so much for now,
I'll just keep this longing inside of me until we become closer to love already.

Labels: ,

posted by rian at 10/12/2007 04:51:00 AM 0 comments

Thursday

Ok fine! Hindi na naman ako nakapag-final exam sa isa kong subject! Abnormal kasi ako eh. Pero nag-txt s'kin yung friend/classmate ko na sa Sat 1pm daw ang complition exam ko dun. Whew! I'm still saved!^^ Pero hay..since dalawa na ang sched ng compliton exams ko sa magkaibang date at need ko pa ding mag-aral para sa mga exams ko pa next week; shax! kelangan ko na talagang magtino! Grabe! Save me! Sobrang naadik na ako magbasa ng mga manga! Halos pinaglalamayan ko na yun lately eh. Tyempong finals na tapos yun pa ang ginagawa ko! Hunghang talaga!

Sa buong gabi kong pagbabasa ng mga manga; 3 manga lang ang nagustuhan ko! una yung, After School; Nakakatuwa yung kwento kasi, tong guy na si Kuwatori, kala mo tahimik na walang pakialam, eh yun pala eh napaka-romantic! Pano kasi, si Sarara nagconfess ng love for him, kaya sila naging mag-bf/gf. Pero tong si Kuwatori, napakatahimik at straight-forward, to the point na parang hindi talaga sila mag-on kung titingnan. Kasi they never got to be intimate to each other--- parang wala lang. Madalas si Sarara lang nagoopen ng topic, tapos tamang bara naman tong si Kuwatori, yan tuloy! parang feeling sad naman tong si babae. Kasi din tong si Kuwatori, parang tuod eh. Nagkaron lang ng development ang relationship nila, nung sinundan ni Sarara si Kuwatori kung saan sya papunta nung naghiwalay na sila ng daan pauwi. Sinundan nya sya kasi, parang sort of nagselos sya kasi ni-reject ni Kuwatori ang invitation nya kumain muna sa fave shop nya or sa isang date on Christmas Eve--- iniisip nya may iba kasi syang k-date or something. So yun, sinundan nga nya kung saan sya papunta kasi nagmamadali na din si Kuwatori-ng umuwi nun. Tapos she found out many things about Kuwatori afterwards. Na Kuwatori works for Cafe Fleur [(translates as: Flower Shop) you'll find out kung bakit ako nawirduhan sa name nung shop afterwards], ang fave cake shop ni Sarara [See? flower shop ang name nung cafe pero cake shop sya actually. weird!]. Not only that one she also found out! On that same day din sort of umamin ng feelings nya si Kuwatori for Sarara. Nag-kiss nga sila eh. Pero she pushed him and run away kasi masyado daw syang nasurpresa sa nangyari. Tapos may one time dun na yung owner nung shop eh binigyan si Sarara ng cookies na parang kamukha nya--- she realized na si Kuwatori pala ang may gawa nun, kaso hindi nya yun alam noon. Hindi kasi nagkkwento si Kuwatori, kasi noon daw eh tini-tease sya ng mga classmates (ata nya yun) na parang cake shop's waiter daw sya, kaya yun. Tsaka sabi pa nia kay Sarara, hindi daw sya mahilig sa sweets, eh gusto pa naman nya sana syang yayaing kumain sa fave shop nya, yun nga yung cake shop na yun--- pero actually, she realized again, na he doesn't like sweets, he actually like it so much (daw). Kasi, lahat ng mga cakes sa shop na yun, eh si Kuwatori ang may gawa. Na parang hindi daw makakagawa ng ganun kasasarap na mga cakes si ang isang tao kung he hates sweets daw, kaya yun ang sinabi nya. Yung mga cakes kasi na kinakain nya sa shop, eh yung tipong nagpapasaya talaga sa kanya--- tipong nawawala ang lungkot nya pagnakakakain sya ng mga cakes sa shop na yun, na yun pala si Kuwatori naman ang may gawa. Tapos by the end of the story, he told Sarara kung bakit parang ang distant distant nya sa kanya--- yun ay dahil ayaw daw nyang isipin ni Sarara na pervert sya. Tapos parang kala mo no comment lang sya at basta-bastang nag-agree nung nagconfess sa kanya si Sarara, pero actually, masaya sya nung time na yun kasi before pa daw mag-confess sa kanya si Sarara, eh kilala na nya sya, dahil nga madalas syang andun sa cake shop. Natutuwa daw kasi sya sa expression ng mukha nya, twing kumakain sya ng cake na gawa nya and he thought she's cute. Second manga na nagustuhan ko ay yung, Love at the Fingertip; Ang cute nung story, although nung una, from the cover, mejo parang inayawan kong basahin, kasi parang may thai writing sa title eh, I wonder kung thai manga yun? Pero anyway, pinagpatuloy ko na din, kaya ko nga din nasabing cute yung story eh.^^ About yun sa isang girl na dinump ng k-date nya. Pinagtawaman kasi eh. Eh sino ba naman ang hindi magd-dump sa kanya, sa itsura nya noh! Well hindi naman pangit tong si Riko, kaso, nung nakipagkita nga lang sya sa k-date nya eh pumangit ang itsura nya dahil sa pagkakalagy nya ng make-up nya. Tapos after nyang pisikalin yung guy na nag-dump sa kanya, eh andun sya sa isang tabi nagiiiyak. Tapos nakita sya ni Kenta, pinagtawanan din sya. Pero not the same level of reason dun sa kaninang guy at sa kanya. This time kasi, kaya naman tong si Kenta tumawa eh dahil kumalat na ang make-up sa mukha nya (Riko), pati nga yung fake eyelashes nya eh kung san san na napunta sa mukha nya. Pero ginawan ng paraan ni Kenta na sumaya naman sya. Pano? Minake-upan nya ng tama si Riko. Pero hindi bading si Kenta ah. Mahilig lang daw syang mag-make-up. Actually, he wants to be a make-up artist someday eh. Her older sister was the one who taught him, enjoy daw kasi. Pero secret lang nilang dalawa yun ni Riko since ayaw nya yung ipaalam. Ofcourse para sa isang straight guy na maging interesado sa ganun eh di ba mejo nakakahiya, although there's nothing to be ashamed about, but still I think yun naman ang usually-ng reaction, ryt? Anyway, Riko was so proud of him. Kaya nga nung mga sumunod na araw eh ginugulo na si Kenta ni Riko para magpa-make-up sa kanya. Sabi ni Kenta hindi na daw nya sya mmake-up-an, pero maya-maya lang eh hindi din sya nakatanggi. In the end, ang dating nagbabangayan eh naging mag-jowa na nung n-realize na nilang dalawa na may feelings pala sila sa isa't-isa. Buti nalang minake-up-an ni Kenta si Riko, kundi hindi nila mar-realize ang feelings nila sa isa't isa. Sabi pa nga ni Kenta nung mejo seryoso na silang nag-tatalo na he doensn't want to make-up her na, na he said kasi parang pagnag-continue daw yun eh baka he can't hold back his feelings anymore. And since mejo slow tong girl, eh di in action nalang pinakita ni Kenta ang ibig nyang sabihin--- niyakap nya si Riko at kiniss. Tapos, dun sa first date nilang dalawa, he was also the one who make-up her. Ang weird noh? Yung k-date mo pang lalaki ang nagm-make-up sau? Hehe nawirduhan din si Kenta akala nyo? Pero isn't it sweet?^^ Again, sabi nya ulit, last nya na daw yung pagmmake-up sa kanya. Bakit? Kasi Kenta likes likes Riko without make-up.^^ Last kong nagustuhang basahin today, ay yung Juliet's Club. May connection yang manga na yan sa Yume Chu (Dream Kiss) manga na on-going pa. Binabasa ko din yun! Tungkol naman yon sa lovelife ni Tai, member ng Romeo.ex. Nainlove sya sa isang ordinary girl, nakasalamin pa nga yung girl eh. Actually, nainlove talaga si Sayu sa Tai na nakilala nya sa library. Yung Tai na noon ay hindi pa nya kilala yung name pero nakakasama nya sa library; Yung Tai na nakasalamin at tahimik. After nya kasing malaman na member ng Romeo.ex si Tai, eh mejo hindi sya nasanay sa kasikatan nya. Tsaka parang sobrang magkaiba kasi ang kanilang mga mundo. Pero she's too late to hold back his feelings kasi inlove na rin sya kay Tai. Ganun din naman si Tai sa kanya. Hindi daw kasi tulad ng mga "Juliet" (tawag sa mga fans ng Romeo.ex). Tsaka nung una, parang ayaw pa nung kuya ni Sayu kay Tai, dahil nga sa differences, pero after sabihin ni Tai na mahal nia si Sayu at ganun din si Sayu kay Tai, eh mukhang umayon na din naman na ang lahat. So sa Yume Chu, eh magkaka-gf si Tai! Pero sa last volume na nabasa ko eh, binubuo palang ang Romeo.ex kaya yung story na toh, eh hindi pa nangyayari.

Labels: , , , , ,

posted by rian at 10/11/2007 11:43:00 PM 0 comments

Wednesday

Holding back the tears___________

Putek! Would you believe I'm really holding back my tears right now? Teary-teary eyes lang ako ngaun, pero gusto kong umiyak. Hindi ko nga lang magawa kasi andito bro ko at baka may umakyat pa bigla dito sa kwarto. Yung binabasa ko kasing manga eh--- naiyak ako. Kakatapos ko palang basahin yung Absolute Boyfriend. Naiyak ako sa ending. Pano kahit model figure lang si Night, eh he lived his life like a true human being inlove with one woman, that is Riiko; tapos mamatay din sya sa huli. Yung madalas pala nyang pagtulog-tulog eh senyales na yun na mawawala na sya sa mundo. At alam nya na yun, kaya nga din, nung despedida ni Soushi, nung nag-usap sila at nagkaayusan na sila about sa rivalry nilang dalawa kay Riiko; tinanong ni Night ang feelings ni Soushi ng harapan, at sa isinagot ni Soushi sa kanya nung gabi na yun, dun sya naka-rest assured na parang no matter what happens in the future he knows that Riiko will be taking cared of and that she will going to be alright, so he can relax na daw sa matter na yun. Ayun! yung part palang na yun, parang nagbibigay na ng sign si Night in a way na inihahabilin na nya si Riiko kay Soushi, at alam na din nya na malapit ng dumating ang limitation nya. Hindi pa nagtatagal sa Spain si Soushi nung bumalik din sya ulit ng Japan after mag-shut down ang system ni Night. Actually, una akong mejo naging tear jerky nung time na inaantok na naman si Night, tapos si Riiko eh lalabas lang saglit. Before tuluyang makatulog si Night at umalis si Riiko; parang sort of hinila nya si Riiko, at sinabi nyang "I love you... forever", then they kissed. Alam na din siguro ni Night na last moment na nya yun, na kapag natulog sya this time, eh sigurado na syang hindi na sya magigising pa. Kaya nya din siguro sinabi ang last words nya na yun. She was wondering nga kung bakit hindi na sinusuot ni Night yung couple ring nila, only to find out pagbalik ni Soushi sa Japan na, sumulat si Night sa kanya kasama yung other pair ng couple ring nilang dalawa ni Riiko. N-touched ako sa letter na yun ni Night! Sobrang randam na ramdam ko kasi ang long lasting love nya for Riiko eh. Here's what's written in the letter;

To Soushi....
I've told Gakusan to send out this letter and ring when Riiko calms down....
When the time comes that you will receive this letter, I won't be here anymore, so everything is counting on you.
I just want you to help me say something to Riiko...
"Don't cry anymore".

Sabi ni Gakusan (ata yun), na someday daw eh babalik daw si Night ulit. Although sabi nga ni Riiko, baka daw pag dumating na daw ang time na yun eh baka matanda na sya or grandma na. Shef! Imagine-in ko palang ang scene na yun pagnagkita silang muli eh naiiyak na naman ako. Parang ayoko pa ngang matapos ang manga na yun eh. Parang gusto kong matapos yun pagnagkita na silang muli kung saan granny na si Riiko, tapos si Night eh in his young looking self pa rin; tapos they'll hug each other to end the story. Or the three of them; Riiko, Night and Soushi will meet again face-to-face smiling to each other, very happy that they've meet again. That's how I wanted it to end.

Labels: , ,

posted by rian at 10/10/2007 06:26:00 PM 0 comments

New Everything!

Phew! Sa wakas natapos din! Iniba ko na ang skin ng blog ko! Hmm konting changes and adjustments lang naman ang ginawa ko. Like, iniba ko na ang bg music ko; nagdadag na me ng mga labels sa mga posts ko; tinanggal ko na yung quiz, clock, intro ko noon; nag-iba na din ang cbox ko. Ano pa ba? Nakakaloko di ba? Tama ba namang at a time like this na Finals namin eh ginagaw ako ito? Baliw talaga ako noh? Ewan ko nga ba, kung bakit bigla akong nag-decide magpalit ulit ng skin eh. Napag-tripan ko lang. Tsaka wala naman me pasok today. Kaya pagnatulog na ako, eh malamang hapon na ang gising ko, tapos baka magsimula na ulit me mag-aral. Hay... ang sama ng in-exam ko kahapon eh. Tsk! hindi naman kasi me nag-aral. Yan tuloy! Sobrang mega cross fingers me na makapasa sana. Hindi nga din me nakapag-exam sa Int'l Law ko eh. Hindi na me naglakas-loob pumasok, kasi alam ko namang wala me maisasagot. To think adik pa magpa-exam ang Prof namin na yun noh! Di bale, makakapag-exam pa naman me sa kanya. Nakausap ko sya kanina tungkol dun, at i-ttake ko ang exam na yun sa 19 at 2:oopm. Tsk! Kelangan ko yung galingan! Peste din kasi tong allergy ko eh...sya ang may kagagawan kung bakit nasabutahe ang araw ng pag-eexam ko! Grrrr!!!!

Bukod sa busy me kani-kanina sa pagd-dl ng mga bagong songs sa limewire para sa MP4 ko at pag-aayos ng blog ko, eh nagbabasa din me ng manga. Ang adik ko noh? Salamat! Tanggap ko! ^^ Ui nag-ssurf din me nun sa net ah. Yun nga lang, wala me naging time bumisita sa SJPhil. Hinahanap ko din kasi kanina yung song na The Last Days by Hourglass. Hay.. buti nalang nakita ko na din sa wakas! Matagal ko na kasi yung hinahanap eh. Buti nakita ko din sa imeem, kaya yun, yun na nag ginamit kong bg music ngaun. Wala pa me n-ddl na song nun, pero hindi me susuko na hanapin ang song na yun. Dapat magkaron me ng copy nun sa MP4 ko!

Into Absolute Boyfriend talaga ako ngaun! Hindi pa ako tapos basahin yun kasi multi-tasking ang lola nyo. Hindi ko yun matutukan ng maige. Pero I'll try my best na matapos ko yun this week. Hay... ampogi talaga ni Night! Tapos si Soushi wish ko lang tanggalin na nya forever ang salamin nya! Mas pogi sya pag walang salamin eh. Aba! ang salbahe nung Mika na yun?! ARGH! Ito namang si Riiko, ewan ko kung mababanas ako sa kanya! Dati nung wala pa si Night, atat na atat syang magka-BF tapos ngaung anjan na sa harap nya at willing na gawin ang lahat para sa kanya, heto namang syang nagiinarte!Hmf! Shax! sino kaya makakatuluyan nya sa huli noh? Si Soushi kaya o si Night? Kaso si Night ay isang figure lang--- hindi sya tao, pero he's so perfect. Hmm hindi kaya kay Soushi sya mapunta? Perfect din naman si Soushi eh, kaso may improved version nga lang si Night. Hmm hindi ko alam! Kahit ako hindi ko din masabi eh. Malalaman ko lang yun pagtapos ko na yun basahin.


RANDOM-NESS:..
...Um hindi ko n-gets ang sinabi na yun ni Playmate Jho! Pano ko kaya mai-ccharge ang MP4 ko sa PC? Ay nga pala playmate! Laptop ang gamit ko! Pede kaya yun?

...Shax! umiiyak daw si Henry ngaun, sabi ni Ken! Kainis! gusto ko pa man din syang replyan kung bakit, kaso naubusan na naman ako ng load! ARGH! Ang malas malas talaga ng araw na ito!---yung kahapon ang ibig kong sabihin. Tsk! malamang pinag-ttripan na naman ang newbie na si Henry ng mga walang kwentang ELF na yan! Grrrr!!!!! Oooops! ang harsh naman nun! Sorry. Hmm basta malamang mga antis na naman ang mga yun! Grabe! bakit ba hindi nalang sila mamatay!=x

...7am na! At gising pa ako! ABA! ABA! ABA! Lumalabas na pinaglamayan ako ang blog at friendster ko! TSK3!!! Magaling! Magaling! Magaling! (ala neozep cf). Yup! pati friendster ko in-update ko na din ngaun! ^^ Hayop! Nagmamasipag ako ngaun! Akalain nyo yun?

...Before mag-8am in-alphabetize ko naman na yung mga manga ko!... at hindi pa me nautulog hanggang ngaun.

Labels: , , , , , , , , ,

posted by rian at 10/10/2007 04:04:00 AM 0 comments